Venus Raj on breakup with Andrei Felix: "Maybe hindi talaga kami para sa isa’t isa or hindi talaga ito yung para sa amin."

Inamin ni Venus Raj na hindi pa sila nakakapag-usap ni Andrei Felix mula nang mag-break sila. Ngunit umaasa ang dating beauty queen na "magiging maayos" sila. Dagdag ni Venus, "Siyempre napakaliit naman ng mundong ginagalawan natin, definitely magkikita at magkikita kami, or definitely magkakaroon at magkakaroon kami ng trabaho together. But I would want na sana maging maayos pa rin siya.”


Kinumpirma ni Venus Raj na break na sila ng TV personality na si Andrei Felix.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest kay Venus sa event ng TW Steel Watch sa Shangri-La Edsa noong May 21, sinabi ng dating beauty queen kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Andrei.

Saad niya, “Siguro ano lang, I would say na hindi lang talaga siguro nag-work out, yeah.

"Napakarami din namang mga relationships na akala natin yun na, andiyan na, akala n’yo kayo na, but eventually you will realize na maybe this is not for us.

“Maybe hindi talaga kami para sa isa’t isa or hindi talaga ito yung para sa amin.

"So, ang akin naman, hindi na importante kung ano yung reason, kung ano yung dahilan ng paghihiwalay.

"Pero ang importante siguro ay kung ano yung mga lessons na natutunan namin sa relatiosnhip namin.

"And I would say na napakarami naman namin for sure.”

Dagdag ni Venus, “Siguro kasi, parang pag ikaw ang nasa isang relationship, nari-realize mo along the process kung ano yung mga pangangailangan ng relasyon na ’to, ano yung kulang, ano... hindi nag-work out, ano yung hindi kailangang i-work out pa.

"Na siguro sa sitwasyon namin, may mga bagay na parang tina-try mo na i-work out pero hindi pa rin talaga nami-meet yung kung ano man ang gusto ninyong ma-meet.

"So, hindi siya naging ganun kaganda, alam din naman naming parehas yun.”

May sangkot ba ditong third party?

“Definitely not,” tanggi ni Venus.

REALITY, NOT A FAIRY TALE. Bukambibig nina Venus at Andrei noon na parang gusto na nilang sila ang magkatuluyan balang-araw. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Ano ang masasabi ni Venus dito?

“Yes... hindi rin siguro tamang panahon to settle down.

"Siguro kasi ang daming factors, ang dami-daming factors ng pagpasok sa isang realationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang ’yan kayong dalawa, hindi lang ’yan pag in love kayo akala n’yo... akala n’yo ang ganda-ganda na ng mundo na para kayong nasa fairy tale.

“Hindi naman ganyan, e.

"Ang totoong relasyon ay yung siguro constant kung ano yung nasimulan ninyo, constant hanggang sa kung tumagal kayo hanggang saan.

"E, nandoon palagi yung... lagi mong iisipin kung ano yung sasabihin at ikakaganda para sa pamilya mo, para sa pamilya ng isang party, para sa magiging future ninyong dalawa.

"So napakarami nun, hindi lang yun yung ’Mahal kita, tayo na...’

"Hindi naman fairy tale ang buhay, kailangan nating isipin na may realidad pa rin at kailangang dun tayo mabuhay sa realidad—hindi sa fairy tale.”

Inamin ni Venus na mula nang maghiwalay sila ni Andrei ay hindi pa sila nakakapag-usap.

Saad niya, “But I’m still hoping na magiging maayos kami.

"Siyempre napakaliit naman ng mundong ginagalawan natin, definitely magkikita at magkikita kami, or definitely magkakaroon at magkakaroon kami ng trabaho together.

"But I would want na sana maging maayos pa rin siya.”

Sinong nakipaghiwalay kanino?

Sabi ni Venus, “Ay, siguro hindi na importante kung sino ang nakipaghiwalay kanino.

"Sabi ko nga, hindi rin importante kung ano ang reason, ang importante ay ako—na masasabi ko na okay ako, na okay na ako ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN