Janine Tugonon moves on from controversy caused by breakup with Jaypee Santos

“I don’t know pa. Siguro I want to take it calm and relaxed muna for now. Opportunities first,” sagot ni Janine Tugonon nang tanungin kung may posibilidad na magkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Jaypee Santos.


Naka-move on at ayaw na raw balikan pa ni Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon ang nangyaring intriga sa kanya pagkatapos makipag-break sa boyfiend niyang si Jaypee Santos on national television.

Pinutakti kasi ng batikos si Janine sa social networking sites dahil lumabas kasing na nakipag-break siya kay Jaypee dahil sa vocalist ng The Script na si Danny O’Donoghue.

Sa panayam ng abs-cbnnews.com, sabi ni Janine, “I’m happy. Siguro I just want to enjoy what I have right now.

"There are a lot of opportunities and there are a lot of things to do pa, so focus on that muna.

"Sabi ko nga, whatever you do, you just have to accept the mistake, let it go and move on.

"There’s no good in dwelling on something negative.”

Dagdag pa niya, hindi siya apektado na ang pangalan niya ay ginawang "verb" tuwing nakikipag-break ang isang babae sa kanyang boyfriend: "Na-Janine Tugonon ka na ba?"

Pahayag niya, “I don’t want to dwell on it na talaga. It’s way, way beyond us.

"It’s way beyond our family—the issue and all.

"Tapos na so I don’t want to think about it.”

Bukas ba siya sa posibilidad na magkabalikan sila ni Jaypee?

Tugon ni Janine, “I don’t know pa. Siguro I want to take it calm and relaxed muna for now. Opportunities first.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN