Paolo Paraiso on possible reconciliation with Mylene Dizon: “Wala na, tapos na kami sa point na yun.”

Bagamat hiwalay na si Paolo Paraiso sa dating karelasyon na si Mylene Dizon, patuloy pa rin ang pagiging magulang nila sa kanilang dalawang anak. Ani Paolo, “We’re parents to both kids. Pinag-uusapan namin ang mga issues tungkol sa mga anak namin… Tapos siyempre, hati kami sa lahat—sa gastusin, sa desisyon, sa lahat—parents kami.”


Bagong pasok pa lang si Paolo Paraiso sa epicserye ng GMA-7 na Indio, pero natupad na ang inaasam-asam niyang magkaroon ng fight scene sa bidang si Senator Bong Revilla.

Sabi ni Paolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya ako, isa talaga sa bucket list ko ang magkaroon ng fight scene.

"It was an exciting and nakakakaba rin na experience.

“Proud ako sa istorya ng Indio. May pagka-historical at the same time, balanced siya… nasakyan nila ang istorya.”

Ginagampanan ni Paolo sa Indio ang papel ni Adlaw, ang diwata ng Araw.

Ito raw ang unang pagkakataon na makatrabaho ni Paolo si Bong.

Saad niya, “Alam ninyo, ang kaibigan ko kasi, yung mga anak niya. So, hindi ko alam kung paano...

“Siyempre, senator. Pero yung pakikitungo niya sa amin, okay.

“Before the fight scene, kung kailangan mo ng tulong, tutulungan niya ako.

“Papabayaan niya muna ako, pero kapag nakita niyang awkward na ako... doon ako kinilig, actually.

“Noong pinabayaan na niya ako at pagkatapos, tatanungin niya, ‘Kumportable ka ba?’

"Sasabihin ko, ‘Hindi masyado.’

“Sasabihin niya, ‘Ganito kasi ‘yan…”



TALENT MANAGEMENT. Hindi pa alam ni Paolo kung may follow-up project na siya sa GMA-7 pagkatapos ng Indio.

Natatawang sabi niya, “Hindi ko pa alam, hindi ko pa nakakausap ang aking beloved manager!”

Ang manager ni Paolo ay si Annabelle Rama, na tumakbong congresswoman sa Cebu ngunit hindi pinalad na manalo.

Sabi ni Paolo tungkol sa pagkatalo ng kanyang manager, “Sayang, sayang… kasi nakita namin ang passion ni Tita Annabelle na magbigay ng serbisyo sa mga tao sa Cebu.

“Sayang lang dahil nakita ko ang effort ni Tita Annabelle doon.”

Bagamat naging abala noong mga nakaraang buwan si Annabelle sa pangangampanya sa Cebu, hindi raw naramdaman ni Paolo na nagkulang ito sa kanila.

“Nakakausap ko naman. Kasi ang kanyang mga handler, nakakausap ko… si Jun Lalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit si Tita Annabelle, nakakausap ko paminsan-minsan,” sabi niya.



SET-UP. Dumako naman ang usapan sa dalawang anak ni Paolo sa dating karelasyon niya na si Mylene Dizon—sina Thomas, walong taon, at Lucas, na apat na taon.

Maayos naman daw ang set-up nila ni Mylene pagdating sa kanilang mga anak.

Ayon kay Paolo, “Every weekend, nasa akin ang mga bata.

“Kapag may taping ako, nasa bahay rin namin kasi ang mommy at daddy ko, sobrang close sa mga apo nila.

“Na-establish yun na every weekend, nasa bahay namin.”

Kumusta naman sila ni Mylene?

Tugon ni Paolo, “We’re parents to both kids. Pinag-uusapan namin ang mga issues tungkol sa mga anak namin.

“Hindi naman siya nagde-decide nang basta-basta na wala rin ako. Nagkokonsulta naman siya sa akin kapag may big decision.

“Tapos siyempre, hati kami sa lahat—sa gastusin, sa desisyon, sa lahat. Prents kami.”



MUTUAL ARRANGEMENTS. Pagdating naman sa pagbibigay ng sustento, wala raw maisusumbat sa kanya.

Sabi ni Paolo, “Of course, of course, wala.

“More than that, even sa time, nagbibigay rin ako ng tamang oras sa mga anak ko.

“Walang maisusumbat sa akin si Mylene ng kahit na ano.”

Kadalasan ay nagkakaroon ng problema ang mga magulang na hiwalay. Sila ba ni Mylene ay ganito rin?

Ayon kay Paolo, “Nagkaroon din kami, pero siyempre wala namang smooth-sailing sa ganyan.

“Especially ang hirap ng situation namin na may anak kami, tapos hiwalay kami… nadadaan namin sa usap.

“Minsan, kahit na magkagalit kami, nagkakausap pa rin kami nang maayos kahit na magkagalit kami.”

Nakakalabas pa rin ba silang apat na tila isang buong mag-anak?

“Hindi na, hindi na namin nagagawa yun,” pag-amin ni Paolo.

Hindi ba naguguluhan ang dalawang anak nila sa kanilang set-up na magkahiwalay ang mga magulang nila?

Aniya, “Hindi naman kasi nagtatanong naman sila sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, nagtatanong sa amin, ‘Bakit hindi kayo tulad ng ibang mommy at daddy?’

“Ang sagot namin, ‘Hindi ka rin naman tulad ng ibang bata. Ayaw mo noon, may mommy ka, may daddy ka?’

“Naiintindihan naman niya more or less.

"Nakakasakit ng puso minsan kapag nakikita mong naku-compare.”

Kapag nakikita niya si Mylene at ang dalawa nilang anak, hindi ba pumapasok sa isipan ni Paolo na paano kaya kung ituloy nila ang pagiging isang pamilya o magkabalikan sila?

Sabi ni Paolo, “Wala na, tapos na kami sa point na yun.

“Siguro dati, may hope ka na puwedeng ayusin, kasi nga dalawa na [ang anak].

“Pero umabot sa time na na-resolve namin ang mga bagay na hindi na nga dapat siguro—hindi na nararapat.”

PAOLO’S GIRLFRIEND. Sa ngayon, masaya raw si Paolo sa piling ng kanyang bagong girlfriend na si Lou Sison, isang dating model na nag-aartista na.

Kuwento ni Paolo, “Noong December pa lang kami, pero matagal ko na siyang kaibigan.

“May mga birth pains, pero ganoon talaga, normal naman yun.”

Paano nila ipinapaliwanag ni Mylene sa kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng kani-kanilang relasyon?

Sabi ni Paolo, “Kilala nila, kilala ng mga bata kung sino ang girlfriend ko. Alam naman nila.

“At saka, ine-explain naman namin na, ‘Si Mommy ay si Mommy. Hindi ka na magkakaroon ng ibang daddy. Kasi, ako ang daddy. Kung sino ang kasama ni Mommy, hindi mo daddy yun, tito mo ‘yan.’

“Tapos ako, ganoon din na hindi nila mommy yun.

“Alam din naman ng karelasyon namin na pagdating sa mga anak, priority… I speak for myself.

“Pagdating sa mga anak ko, una ang mga anak ko.

“’Huwag kang magseselos sa mga anak ko, huwag kang makikipag-compete sa mga anak ko.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN