Carlo Aquino on frontal nudity: “Sabi nga nila, isang beses ka lang mabubuhay, bakit hindi mo pa sulitin?”

Carlo Aquino on doing more kontrabida roles: “Ako, basta makaarte, basta makapagtrabaho, maipakita ko yung ibinigay sa akin na talento, masaya na ako sa ganoon.”


Ang remake ng Annaliza ang pinakabagong project na hudyat ng pagbabalik ni Carlo Aquino sa ABS-CBN.

Dito ay gumaganap siya bilang si Makoy, na siyang kikidnap sa pangunahing tauhan na si Annaliza (ginagampanan ng child actress na si Andrea Brillantes).

Pang-ilang kontrabida role na niya ito?

Sabi ni Carlo, “Marami-rami na, siguro mga lima na. Sa GMA-7 pa yung mga bad roles ko, e.

“Wala namang kaso sa akin yun.

"Ako, basta makaarte basta, makapagtrabaho, maipakita ko yung ibinigay sa akin na talento, masaya na ako sa ganoon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo sa birthday party ng entertainment writer na si Rommel Placente sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City, noong May 26, Linggo.

Bukod sa kanyang afternoon soap, abala rin si Carlo sa paggawa ng mga pelikula.

Kuwento niya, “Mayroon akong pelikulang gagawin sa Cinemalaya, pero hindi indie film.

“Tapos, galing Cannes yung movie namin, yung Death March... kami nina Zanjoe [Marudo].

“Tapos, iyong sa Cinemalaya, yung bago... si Adolf Alix pa rin, yung nag-direct ng Death March... Porno yung title.”



SEXY MOVIE. Dahil Porno ang title ng pelikula, ibig bang sabihin nito ay sexy ang tema nito?

Sabi ni Carlo, “Hindi naman, medyo-medyo lang.

"Pero kasi, tungkol ito sa… three episodes siya, e.

“So nandoon ako sa isang episode, tapos parang dugtong-dugtong siya.

“Ako, bale sa Recto, kasi may mga motels, di ba? May mga nilalagay daw sila na mga hidden cameras doon.

“Tapos, yung mga ibini-video doon, idina-dub ko—yun yung role ko bale.”

Maghuhubad ba siya rito?

“Hindi ko pa alam, pinag-uusapan pa, e,” sagot ng aktor.

Just in case, payag ba siya to show some skin?

“Siguro, kung kailangang-kailangan,” tugon niya.

Up to what extent ba ang puwede niyang ipasilip?

“Hindi ko rin alam. Hangga’t wala ako doon sa sitwasyon, hindi ko alam kung…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi never pa naman akong naka-encounter ng ganoon.”



NUDITY. Ang indie films ay medyo mapangahas. Hindi ba niya nakikita ang sarili na sasabak sa mga matitinding eksena?

“Like yung frontal... ganoon?” balik-tanong ni Carlo. “Di ko pa alam, e.”

Pero masasabi ba niya na depende sa project, puwede siyang mag-butt exposure?

“Oo, puwede naman.”

Ito ba ay gagawin niya dahil artista siya o gusto niyang patunayan sa sarili na kaya niya?

“Lahat na siguro—challenge, motivation… iyong mga… feeling mo na hindi mo kayang gawin.

“Kasi, sabi nga nila, isang beses ka lang mabubuhay, bakit hindi mo pa sulitin?”

Alam niya na ba kung sino ang iba pang cast ng Porno?

“Hindi pa... ang alam ko si Angel Aquino, kasama ko. Dito, siya ay nagpa-sex change.”

Bading siya na naging babae?

“Parang ganoon.”



CANNES FILMFEST. Kasama rin si Carlo sa cast ng Death March na ipinalabas sa nakaraang Cannes International Film Festival.

Ano ang feeling niya na napasama sa Cannes ang Death March?

Sagot niya, “Hinayang na hinayang nga ako na hindi ako nakapunta, e, dahil ayaw kaming payagan dahil may taping kami for Annaliza.

“Pero siyempre, para mapasama doon, talagang proud na proud na mapasama sa pelikula.

“Tungkol ito sa kultura natin, itong Death March.”

Ang isang issue na narinig namin, kulang sa budget kaya hindi nakapunta ang ibang mga artista sa Cannes. Totoo ba ito?

“Oo, kung pupunta kami, parang kami yung bahala sa airfare.

“So, nag-decide na lang ako na huwag na lang.

"Kasi kung pupunta ako doon for three, four days, tapos 70K [ang gastos], di ba?

“I’d rather work na lang siguro para…

“Susubukan ko na lang ulit makapasok sa Cannes.”



EX-GIRLFRIEND. Napag-usapan din ang tungkol sa ex-girlfriend ni Carlo na si Angelica Panganiban, na ang karelasyon ngayon ay ang aktor na si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakakila niya kay Angelica, mayroon ba talagang martir side ang aktres?

“Oo, basta naman mahal ni Angel, gagawin…” sagot niya.

Pero biglang naging curious si Carlo sa tanong namin.

“Bakit, paano bang martir? Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari, e,” nakangiting pag-uusisa niya.

Ipinaliwanag namin na may ilang intriga na nagsasabing may ibang babae raw si John Lloyd ngayon.

Grabe raw kasing magmahal ang aktres, na lahat ay gagawin niya para sa kanyang minamahal.

Sumang-ayon naman dito si Carlo.

“Sino ba ang hindi, hindi ba?

“Oo, ganoon talaga siya at talagang ipaglalaban niya basta mahal niya... ganoon iyon, e.”

Pero bata pa sila noon nang naging sila, hindi ba?

“Oo, pero ganoon na rin siya talaga.”

Gaano sila katagal naging mag-on ni Angelica?

“Five years…”

Ilang taon sila noon?

“Thirteen or fourteen.”

Kung sakali bang hihingi si Angelica ng payo kay Carlo tungkol sa lovelife, okay lang sa kanya?

Sagot ni Carlo, “Baka maguluhan pa siya lalo.

“Kaya kung ako hihingian niya ng payo, huwag na lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN