Mark Herras not expecting to be included in new show that will replace Party Pilipinas

Wala raw kaso kay Mark Herras kung hindi man siya ang makatuluyan ni Kylie Padilla sa pagtatapos ng kanilang afternoon soap na Unforgettable. Sabi niya, "Okay naman, hindi naman po ako yung kailagan ako ang makakatuluyan.”


“Isa ito sa mga projects na nagawa ko sa GMA na wala kaming naging problema from day one up to the last taping day.”

Ito ang pahayag ni Mark Herras tungkol sa pagtatapos ng Unforgettable.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Mark sa last taping day ng Unforgettable sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Q.C. noong Huwebes, May 23.

Kumusta naman ang maging "multo" sa halos kabuuan ng kanilang teleserye?

Natawa muna si Mark at sinabing, “Ako actually, kakaibang experience ito sa akin.

“Kasi, unang-una, akala ko madali yung role ko, kasi multo.

“Tapos, puwede akong mang-asar sa kanila, puwede ko silang kulitin.

“Pero hindi po. Habang tumatagal yung Unforgettable hanggang matapos, nag-iba yung atake doon sa character ko, kasi nilagyan ng emotions.

“Tapos, natuto akong magpagalaw ng mga bagay, natuto akong sumanib sa tao.

“At siyempre, hindi rin naman po... Kunwari sumanib ako kay Rocco [Nacino], pero sa parang paanong sanib yung gagawin ko?

“Lahat dapat tama ang gagawin ko, yung tamang way kung paano kumilos.”

Kinausap ba siya ni Rocco kung paanong umarte bilang si Mark?

“Nag-uusap kami, tapos pinapanood sa kanya yung day one sa taping, noong tao pa ako.

“Tapos, iyon... Actually iyon din ang pinakamakulit at pinakamasayang nangyari sa amin, kapag nagkakaroon ng gayahan, nagiging makulit lahat sa set.”

ADVICE FROM DIREK GINA. Ano ang pinakaimportanteng payo ang natutunan ni Mark mula sa direktor nilang si Gina Alajar?

“Siguro, yung isa sa hindi ko makakalimutan, yung pinaka matatandaan ko with Direk Gina, yung sinabihan niya kami na parang...

"Kasi, usung-uso, di ba, yung ’tamad acting’?

“Usung-uso yun lalo na kapag feeling mo, yung eksena hindi naman kaalangan ng sobrang effort na umarte.

“So iyon minsan, hindi naiiwasan na may ganoon kami na nangyayari.

“Pero iyon nga, isa sa mga ipinayo sa amin ni Direk Gina na parang every scene, dapat isipin mo na iyon na yung last scene mo or sa taping...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last scene mo na puwede mong ipakita kung kaya mong magbitaw ng isang dialogue or kaya mong umarte nang tama at the same time.

“Kapag pangit naman yung inilabas naming acting sa TV, kami naman yung masasabihan o mapipintasan, e.

“Kaya kahit hindi mabigat ang eksena, galingan mo, ibigay mo pa rin ang lahat ng makakaya mo.”



SERYE ENDING. Hindi raw nasaktan si Mark na hindi siya ang makakatuluyan ni Kylie Padilla sa pagtatapos ng Unforgettable sa Biyernes, May 31.

Sabi niya, “Wala po, wala po.

"Okay naman, hindi naman po ako yung kailagan ako ang makakatuluyan.”

Kahit hindi siya ang lumabas na bidang lalaki sa ending?

“Actually, si Kylie naman po yung pinaka-main ano, e.

“So, hindi ko na po naisip iyon, and hindi naman po ako nawala from day one hanggang sa huli.

“Actually, yung taping ko, halos kasing dami ng kay Kylie.

“Isang beses lang ako sa taping na nagkaroon ng isang eksena lang... itong patapos na lang ako medyo pumepetiks [nagre-relax].”



LAST SHOW. Ano naman ang naramdaman ni Mark sa pagkawala ng Party Pilipinas?

“Siyempre malungkot po. I mean, iba yung may sayaw ka every Sunday... yung once a week na may sayaw ka kasama yung mga kaibigan mo...

“Yung mga co-artists mo sa Party Pilipinas, and the staff mismo... the directors na naging close naman sa amin talaga.

“Pero siyempre, wala naman kaming magagawa.”

Hindi raw sigurado si Mark kung makakasama siya sa bagong show na ipapalit sa Party Pilipinas, ang Sunday All Stars.

“Hindi pa po sinasabi sa amin.”

Pero malamang bilang “Bad Boy ng Dance Floor” ay tiyak na kasama siya.

“Pero iyon nga po, I mean hindi pa natin alam.”

Umiyak ba siya sa pagkawala ng Party Pilipinas?

Sabi ni Mark, “Hindi, hindi ako umiyak, nagpigil lang.

“Parang kumbaga, hindi naman dahil na-experience ko na before na may matapos na isang variety show, like SOP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na I’m expecting na there’s another show na kasama na naman ako—hindi ganoon yung feeling ko.

“Pero siyempre, malungkot din ako na... alam mo yun?

“Iba rin kasi yung pinagdaanan namin sa Party P.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN