Julia Montes on "Princess of Philippine TV" recognition: "That’s a big thing for me and dream come true."

Now that she is considered an award-winning, is there pressure to perform better in her next projects? Julia Montes says, "Syempre for me, hindi lang naman dahil may award kaya ako nape-pressure. Every time may pressure for me, kasi siyempre ang purpose naman namin ay matuwa yung mga tao sa show na ibibigay namin and mapasaya rin yung tao."


Pinarangalan si Julia Montes bilang Princess of Philippine Television sa nakaraang 44th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc.

Ito ay para sa tagumpay ng primetime series ng ABS-CBN na Walang Hanggan na nagtapos noong October 2012.

Ang kapareha naman niya sa serye na si Coco Martin ay naparangalan din bilang Prince of Philippine Television.

Sa edad na 18, hindi raw inaasahan ni Julia na makakatanggap siya ng award nang ganito kaaga.

Aniya, “Siyempre, first of all, super happy dahil kumbaga, kakasimula ko pa lang naman talaga.

"For me, and dami ko pang kakaining [bigas] sa show business.

“Pero na-recognize ako and that’s a big thing for me and dream come true.

"Sabi ko nga nung nag-i-speech ako, ’First time ko po to, kinakabahan po ako.’

“Basta very thankful ako kasi hindi ko din naman iniisip na this year ko siya makukuha.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia noong Biyernes, May 24, sa opening ng Chic Nails sa Scout Tuazon, Quezon City.

Ngayong matatawag na siyang isang "award-winning," may pressure ba na mas galingan pa niya ang pag-arte sa mga susunod na proyekto?

Sagot ni Julia, “Siyempre for me, hindi lang naman dahil may award kaya ako nape-pressure.

“Every time may pressure for me, kasi siyempre ang purpose naman namin ay matuwa yung mga tao sa show na ibibigay namin and mapasaya rin yung tao.

“So, ayun, sana tanggapin rin ng mga tao yung next project namin gaya ng pagtanggap nila sa Walang Hanggan.”

MULING BUKSAN ANG PUSO. Ang tinutukoy ni Julia na next project niya ay ang Muling Buksan Ang Puso, kunsaan makakasama niya sina Enchong Dee at Enrique Gil.

Sa pelikulang The Reunion (2012) ay nakasama na rin ni Julia sina Enchong at Enrique.

Noong panahong ginagawa nila ang The Reunion ay napabalitang naging malapit sina Enchong at Julia, ngunit itinanggi ng dalawa na meron silang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Julia tungkol sa dalawa niyang leading men, “Bale naka-work ko na sila pareho sa movies. Pero as loveteam sa teleseryes, first time talaga.”

Hindi naman kaya magselos ang mga fans nila ni Coco ngayong sa iba na siya ipapareha?

Sagot ni Julia, “Okay naman, kasi ang nakikita ko sa Twitter, supportive naman sila.

“Siyempre hindi rin naman po namin hold kung sino yung makaka-partner namin sa mga next projects, so ayun.”

Kumusta katrabaho si Enrique?

“Si Enrique kasi ano, e, tropa-tropa talaga kami since Shoutout days pa lang.

“Yung tipong hindi ka naiilang kasi kahit anong... kahit gaano ako kabrusko man, kung ano man sa totoong buhay, alam niya yun.

“Kumbaga, hindi niya kailangang maging proper or hindi ko kailangang maging Julia na sweet.

"Kumbaga, kung ano talaga yung si Julia na totoo, yun talaga yung puwede kong pakita sa kanya.”

Paano pinaghahandaan ni Julia ang role niya sa kanyang bagong teleserye?

Wika ni Julia, “Hindi naman siya super heavy [drama], ano siya, iba-iba…

“Iba yung story, iba yung tinatakbo… ang hirap lang ikuwento, e. Pero yun, iba yung tinatakbo nung story.

“Pero kaabang-abang kasi ibang-iba siya kay Katerina, ibang-iba siya kay Clara.

"Kumbaga, ibang character na naman ngayong yung gagawin ko.”

Anong klaseng Julia Montes ang mapapanood ng publiko sa Muling Buksan Ang Puso?

“Siguro dito, parang ako lang, real Julia.

"Kasi ang character ko dito, hindi sobrang feminine, hindi sobrang sweet na girl. Kumbaga, palaban.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN