Kean Cipriano on infatuation with Kim Chiu: “Kung may permit na may meteor na sasabog at magiging kami, why not?”

Hati ang hilig ni Kean Cipriano between acting and Callalily commitments. Deklara niya: “Enjoy na ako sa showbiz. Pero, yung sa banda, I don’t think na mangyayari yun na iwanan ko... Never!”


Hindi maitago ng Callalily lead vocalist na si Kean Cipriano ang paghanga kay Kim Chiu matapos nilang mag-usap for a music project na gagawin nila together.

Nag-press conference last May 27 para sa first major concert ng mga bandang Callalily at 6Cyclemind—ang Switch na magaganap sa Music Museum Greenhills on June 7.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean.

Bungad ng singer, “Kahapon [May 26] lang talaga kami nagkausap nang matagalan.

“Sabi ko sa kanya, ‘Oy, baka puwede naman nating gawin ang project na ito.’"


Isa itong music project.

Patuloy ni Kean, “Tapos, pumayag siya.

"Sabi ko sa sarili ko, ‘Oy, ang bait naman nito.’ Tapos ay nagkakuwentuhan na kami.

“Alam mo yun, ang simple-simple naman niya, wala siyang arte sa katawan. Okay siya, a!

“Sa pagiging ganoon niya, I admire her for that.”



ADMIRATON. Aabot ba sa panliligaw ang admiration niyang ito para kay Kim?

Pasigaw at natatawang sagot ni Kean, “Hindi naman, hindi naman!

"Kumbaga, just met the person... I met Kim yesterday and she’s nice.

“It’s a cliché, pero whatever will happen, will happen—she might have a boyfriend, we don’t know.”

Baka si Xian Lim ang tinutukoy niya?

Kasalukuyang ginagawa nina Kim at Xian ang kanilang launching movie na may working title na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? para sa Star Cinema.

Incidentally ay part din si Kean ng pelikulang ito.

Sabi ni Kean tungkol kina Kim at Xian, “I really don’t know. Sila ba?

"I don’t care, I don’t really care.

“Trip nila yun, ayaw kong basagin. Hindi naman nila binabasag ang trip ko, e.

“Kumbaga, I admire Kim for being a very, very nice person.

“Ang sarap niyang patawanin kasi pinapatawa namin siya.”

Kung sakaling single si Kim, willing ba siyang i-level up ang kanyang paghanga at friendship dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Why not?” natatawa pa rin at halatang namumula ang pisngi ng singer.

“Pag sinabi mo kasing gusto kong ligawan ay baka matakot yung tao, di ba?

“Pero kung maging kaibigan ko siya at payag siyang maging kaibigan ko, bakit hindi?

“Kung may permit na may meteor na sasabog at magiging kami, why not?”

Hindi kaya ang pagiging vocal niya sa paghanga sa first grand winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition ay magdulot ng problema sa pagitan nila ng ka-loveteam nito?

Ani Kean, “Well, if they have something between the two of them, wala namang problema yun, e.

“Sila yun, e. If they’re happy with what they have, okay yun, good yun.

“Wala, wala naman sa akin yun.

"Kasi, tinatanong ninyo ako kung bakit ako infantuated kay Kim, kaya sinagot ko lang.”

Wala ba siyang girlfriend ngayon?

Sabi ni Kean, “I’m happy with my busy schedules and hindi ko… but I date, I date.

“And it’s something special, you know.

"Pero, sobrang busy ko ngayon na hindi ko pa nga naaayos ang kuwarto ko.”



MUSICIAN STILL. Mukhang enjoy na enjoy na si Kean sa showbiz. Hindi kaya makalimutan na niya ang pagiging bokalista ng banda?

Mabilis na sagot ni Kean, “Oo naman. Enjoy na ako sa showbiz.

"Pero yung sa banda, I don’t think na mangyayari yun na iwanan ko... Never! That’s not gonna happen...

"I will never leave Callalily—that’s a statement.

“Eight years na ako sa Callalily and I have a loving management na sila yung nag-aayos ng lahat ng ginagawa ko.

“Sila yung nag-aayos ng skeds ko, ng time sa rehearsals ko, ng time ko with the band, time ko for music and time ko sa school, kasi nag-aaral ako.

“Yung time for dating, ako na ang nag-aayos noon.

“Pero yung kahit sa showbiz sked ko ay sila na yun, kaya walang nagiging problema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Masaya sa showbiz and it’s a good-thing job.

“Gusto ko lang malaman ng lahat na masarap maging artista, pero gusto ko ring malaman nila na mahirap ding maging artista.

“Going to a character na papasukin mo yung being ng tao na yun, mahirap yun, e.

“Ibang level of performance art yun, hindi yung art mismo.”



NEW MOVIE. May ginagawang pelikula ngayon si Kean kasama si Rufa Mae Quinto, ang Miri, Ang Huling Henya.

Kuwento niya, “Mahirap yung role ko doon, e.

“Ako yung isang agent doon na nerd... hindi naman ganoon yung talagang nerd na nerd.

“Parang genius na… lahat ng mga tao doon ay matalino. Si Rufa ay matalino dito.

“Gustung-gusto ko ang role ko dito kasi inilayo ko ang sarili ko dito ng konti.

“Kasi dito, sobrang duwag ang role ko dito, e. Abangan nila ito kasi kakaiiba siya.”



SWITCH CONCERT. Tungkol naman sa concert ng Callalily at ng 6cyclemind, bakit naisipan nila mag-merge para gumawa ng isang concert?

Sagot ni Kean, “Matagal na rin kasi kaming magkakilala.

“Eight years na rin halos, tapos we’ve been touring around for quite some time.

“So one day, nagkausap-usap kami. Sabi namin, ‘Why don’t we hold a major concert together?’

"Plano-plano hangga’t heto na nga.

“Nabuo siya out of respect din. They’ve been helping us through.

“So, kung ano rin ang puwedeng magawa naman for them, kaya yun.

“We have different style sa pagkanta, iba ang pag-atake namin sa ganitong music.

“So, kung nag-iisip sila kung magpapalitan kami ng kanta, dapat silang maging curious kung paano nila i-interpret ang kanta namin at kami yung kanta nila.

“Magkaiba kami ng timbre ng boses ni Tutti [Caringal, lead vocalist ng 6cyclemind], magkaiba kami ng style of performance.

“Yun ang dapat kailangan nilang buksan sa mga manonood sa aming concert na Switch, kasi nga this is a different genre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana nga, makita namin kayo lahat doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN