KZ Tandingan on former X Factor mentor Charice: "Kung yun naman talaga ang nagpapasaya sa kanya, yun yung totoong siya, why pretend to be somebody else?"

Nakasama ni KZ Tandingan noon si Charice bilang mentor sa X Factor Philippines. Ayon kay, mula noon ay hindi niya tinanong si Charice tungkol sa seksuwalidad nito.


Nang sumali at manalo si KZ Tandingan sa talent search ng ABS-CBN na X Factor Philippines, ang naging mentor niya ay si Charice.

Nasa sentro ng kontrobersiya ngayon si Charice dahil sa mga pagbabagong nakikita sa kanyang anyo at personalidad.

Kaya naman hindi maiwasang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC tungkol sa mga usap-usapan sa kanyang dating mentor na si Charice.

Saad niya, “Dati ko pa namang sinasabi na kahit kami ni Madam [Charice] dati ay nag-uusap usap kami.

“Never naming na-question si Madam sa kung ano man siya, although nagkakaroon ng chance na kami kami lang ang nag-uusap.

“Kahit hindi namin napapag-usapan ni Allen [Jane Sta. Maria], iniisip na lang namin na kung ano man yung nagpapasaya sa kanya, as long as na wala naman siya sinasaktan, wala naman siyang tinatapakang tao.

“Kung yun naman talaga ang nagpapasaya sa kanya, yun yung totoong siya, why pretend to be somebody else?

“Bakit hindi niya i-apply yun, kung yun yung nagpapasaya sa kanya?”

Si Allen Jane Sta. Maria ang isa pang contestant na hinawakan ni Charice sa X Factor Philippines.

Sabi pa ni KZ, “Nung birthday niya nga [last May 10], nagpu-post kami sa Twitter at Facebook ni Allen, na kahit ano man sabihin ng tao sa kanya, nung naging mentor naman namin siya, wala naman siyang pagkukulang sa amin.

“Kung iisipin mo, halos kaedad lang namin sya, pero as a mentor, mature siya para sa amin, naging mature siya para sa amin.”

Si Charice ay nagdiwang ng kanyang 21st birthday last May 10.

May communication pa ba sila kay Charice?

Ayon kay KZ, “Wala na po, e.

“Noong birthday niya, tina-try kong tawagan yung dalawang phone numbers na meron ako, pero parang unavailable naman na yung line.

“Ayun po, hindi na kami nakakapag-usap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN