National Artist for Film Eddie Romero dies at 88

Pumanaw na ang batikang direktor at National Artist for Film na si Eddie Romero ngayong gabi, May 28. Ayon sa anak niyang si Joey Romero, mapayapa ang naging pagyao ng award-winning director.


Sumakabilang-buhay na ang National Artist for Film na si Eddie Romero.

Binawian ng buhay si Direk Eddie kaninang bandang alas-nuwebe ng gabi, May 28. Siya ay 88 years old.

Ayon sa panayam ni Bayani San Diego ng Philippine Daily Inquirer sa anak ni Eddie na si Joey Romero, na isa ring direktor, na-coma raw ang batikan at award-winning film director.

“The doctor told us that he has a blood clot in the right side of the brain,” sabi ni Joey.

Ayon pa sa anak ng batikang direktor, labas-masok ang kanyang ama sa ospital nitong mga nakalipas na linggo.

Una raw na-confine si Direk Eddie mula May 18 hanggang 19, at bumalik noong May 24 dahil sa "health complications."

Sabi pa ni Direk Joey, mapayapa ang naging pagyao ng kanyang ama.

Si Eddie Romero ay hinirang na National Artist noong 2003.

Ang una niyang idinirek na pelikula ay Ang Kamay ng Diyos noong 1947.

Ngunit kinilala ang husay niya sa pagdidirek sa mga obrang ito: Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon (1976), Banta ng Kahapon (1977), Agila (1979), Kamakalawa (1981).

Ang huli niyang idinirek na pelikula ay ang Faces of Love noong 2006.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN