Kaye Abad hesitant to do kontrabida role in Annaliza

Kaye Abad has been in the industry for about 20 years now, but, she doesn’t consider herself a senior. “Kumbaga pare-pareho tayo ng trabaho, pare-pareho tayo kung paano nagsimula…" the 31-year-old actress says.


Wala pa rin naman daw nagbago kay Kaye Abad mula nang magsimula siya sa showbiz noong 1993, kung saan inilunsad siya bilang miyembro ng Star Magic Batch 3.

Noong May 26, ipinagdiwang ng Star Magic ang 21st anniversary nito sa Sunday noontime variety show na ASAP 18.

Kung tutuusin, halos 20 years na rin siya sa industriya at masasabi niyang isa siya sa mga naging “loyal” sa ABS-CBN.

Pero gaano ba kalaki ang nabago sa kanya?

“As ano, artist, gano’n pa rin ako, e,” sagot ni Kaye nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) sa photo shoot ng Star Magic talents noong araw din ng Linggo sa Studio 2 ng ABS-CBN, sa Quezon City.

“Uhm, wala pa rin akong confidence sa sarili. Kumbaga, kung ano ako dati, gano’n pa rin naman ako ngayon.

“Hindi porket mas matagal na ako sa industriya, kumbaga, i-a-aside ko na ‘yong sarili ko na, ‘Ito ako, mas matagal na ako sa inyo,’ walang gano’n.

“Kumbaga pare-pareho tayo ng trabaho, pare-pareho tayo kung paano nagsimula… so wala, gano’n pa rin.”


HESITANT KONTRABIDA. Samantala, masaya si Kaye dahil kasunod ng Angelito: Ang Bagong Yugto (2012) ay kasama siya sa bagong serye na Annaliza.

Iyon nga lang, medyo may kaba ang aktres dahil mas intense ang kontrabida role na gagampanan niya.

“Uhm, nagkontrabida na ako before sa Alyna (2010), pero hindi kasi siya ‘yong nananakit na tipo, more on palihim, irap-irap lang.

“Ito kasi, nananakit ako ng bata, bungangera ’ko, ganyan, so iba siya talaga.”

Pero hindi raw ito ang rason kung bakit may agam-agam siya.

Aniya, “Uhm, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin dahil nananakit. Nagdalawang-isip ako na tanggapin kung kaya ko.

“Uhm, kinausap ko ‘yong direktor, tapos in-explain naman nila.

“Tapos ‘yon nga, grabe ‘yong expectations nila sa akin, na kinakabahan ako, kasi sobra ‘yong expectations nila na kaya kong gawin at kaya kong bigyan ng ibang side ‘yong pagiging kontrabida.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw niya, hindi naman daw siya magiging kontrabida dahil lang masama talagang tao ang karakter niya. Mayroon daw kasing mangyayari na babago sa karakter niya.

SCENES WITH ANDREA. Nabanggit ni Kaye na mananakit siya ng bata sa drama series na ito, at ang batang iyon ay ang bida ng show na si Andrea Brilliantes.

Kung siya raw ang tatanungin, mahirap para sa kanya na gawin ang mga ganoong eksena kasama si Andrea.

Pero ang ikinagulat daw niya, “Kinakabahan ako, siya [Andrea] na-e-excite— excited siya!

“Di ba, aminin mo?” tanong pa niya kay Andrea na sumilip habang nagaganap ang interview.

Pagpapatuloy niya, “Excited siya, as in na-e-excite siya kapag eksenang laitan na. ‘Tas sinasabi niya sa akin, ‘Ate, totohanin mo, ha, para totoo rin maging reaksiyon ko.’

“Kasi nakikita niya na sobrang kabado ko na baka dayain ko. Sabi niya, ‘’Wag, totohanin mo, Ate.’

"Makikita mo excited siya! Pinapaalis niya mommy niya, ‘Mommy, ‘wag ka dito,’ gano’n.”

Napahanga ng batang aktres si Kaye.

Kuwento pa niya, “Nakakatawa kasi lagi siyang young—young Shaina [Magdayao], young Jessy [Mendiola]— so ito ‘yong dream niya, siya na ‘yong bida.

“Tapos ang gandang bata, so push talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN