Bela Padilla denies bar incident with Maxene Magalona: “No! Hindi nga ako pumupunta ng bar at night, e.”

"Napaka-imposible." Ito ang reaksiyon ni Bela Padilla sa balitang kumalat sa Twitter na binugahan o binuhusan siya ng alak ni Maxene Magalona (not in photo) sa isang bar.


Sa last taping day ng Love & Lies nitong Biyernes, May 31, inisa-isa ni Bela Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga mami-miss niya.

Bulalas niya, “Yung utility, ang sarap magtimpla ng kape! Gusto ko siya talaga kuning tagatimpla ng kape sa bahay namin."


CO-STARS. Mami-miss din daw niya ang buong cast ng GMA-7 primetime show na dalawang linggo na lang eere. Bida rito si Richard Gutierrez, kasama sina Sid Lucero at Paolo Contis.

“Lahat! Ito, hindi ko in-expect magiging ka-close ko si Richard.

"Si Paolo din, napakakulit sa taping. Parang pag lahat kayo inaantok, si Paolo ang taas-taas pa rin ng energy.

“Si Sid din, napakabait pala in person. Kasi siyempre, pag nakita mo, parang he’s such a good actor...

“So you don’t think he really relates that well to people.

“Kasi, di ba, sabi nila pag magaling na artista, parang medyo may sariling mundo?” kuwento pa ni Bela sa pocket interview ng serye last Thursday, May 23, sa GMA Network Center.


MEMORABLE MOMENTS. Naiintrigang laging late si Sid sa taping, totoo ba?

“Actually never ko pa siya na-experience na na-late sa Love & Lies.

“Never, not even once, hindi siya nale-late sa taping,” pagtatanggol niya.

May isyu rin na laging tulog sa set ang aktor.

“Yun lang, kasi maraming time na tengga siya so natutulog na lang.”

Ano ang hindi makakalimutang eksena ni Bela sa Love & Lies?

Sabi niya, “I think lahat ng action scenes— ang ganda!

“Parang, first time kong nakagawa and yung mga different characters, e, parang very light lang pero nagda-drama pa rin.

“So it’s a different twist kasi iba yung pumasok ka sa show na alam mong heavy na, e... ito, light lang.

“So pag umiiyak ako, parang mas dama ko ngayon kasi mas malapit sa character ko, na happy din. So iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ADMIRATION. Pinuri naman ni Bela ang direktor nila na si Mark Reyes.

“Si Direk Mark— galing! First time ko siya nakatrabaho ng soap, laging sa Party Pilipinas lang.

“Tapos siyempre, ang dami-dami namin sa Party P, tapos, noong pumasok ako ng Party P medyo baguhan pa ako...

“Nahihiya pa akong makipagtsikahan kay direk Mark. Ngayon ko lang siya nakakausap sa Love & Lies.

“Ang bait pala ni direk Mark,” saad niya.

Kasama ba si Bela sa Sunday All Stars na ipapalit sa Party Pilipinas?

“Hindi ko pa alam, wala pang balita,” sabi niya.

“Kasi may gagawin po ako after nitong Love & Lies na movie, mag-i-start kami in two weeks.”


NEXT PROJECT? Hindi pa rin alam ni Bela kung may bago siyang drama series.

“Wala pa, wala pa. Maraming bagong shows ang GMA.

“So alam ko, matagal nang pinag-isipan kung sino yung mga characters na yun.

“So, baka nasa next wave na naman ako ng mga bagong shows.

“Kasi, set na lahat ng new shows ng GMA for the next couple of months so ano na... nakapuwesto na lahat.”


TWITTER ISSUE. Nilinaw naman ni Bela ang isyu tungkol sa kanila ni Maxene Magalona.

Diumano’y binugahan o binuhusan siya ni Maxene ng alak sa isang bar, pero pinabulaanan niya ito.

Kuwento ni Bela, “Oo nga, e, nagulat ako, nakita ko lang sa Twitter.

“Parang, may tumawag lang sa akin na ano, na, ‘Tingnan mo yung Twitter,’ ganyan-ganyan. Pagtingin ko, ‘Ha?!’

“Sobrang weird naman nito! Unang-una hindi naman ako lumalabas pag gabi.

“Sobrang araw-araw kaming nagte-taping, isipin ko lang lalabas ako sa bar, natatawa ako.

“Parang, “Ha! ha! ha! Ako ba yung nasa bar? Parang, imposible!’

“Online nakita ko, sabi ko, ‘Napaka-imposible.’”

Never daw silang nagkita ni Maxene sa kahit na saang bar.

“No! Hindi nga ako pumupunta ng bar at night, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CLARIFICATION. Ex-girlfriend si Maxene ng boyfriend ngayon ni Bela na si Neil Arce, pero wala raw anumang galit o samaan ng loob sa kanilang tatlo.

“Kaya sabi ko, ‘Saan manggagaling yun?’”

Tinulungan pa raw ni Bela sa Maxene na linawin ang isyu sa pamamagitan rin ng Twitter.

“I helped her also, I tweeted na: ’Maxene didn’t do this to me! Na, this is not true,’ ganyan-ganyan.

“Kasi kawawa din naman siya, parang bakit naman siya may isyu na ganoon, hindi naman totoo.”

At si Bela naman ba ay papayag na may gagawa sa kanya ng ganoon, na bubugahan o bubuhusan siya ng alak?

“Well kung nabuhusan ako, wala naman akong magagawa, e. E, di nabuhusan na ako!”

Wala siyang gagawin?

“Wala, baka umalis na lang po ako sa bar, baka umiyak ako sa gilid,” at tumawa si Bela.

May Padilla bang nagpapa-api?

“Hindi po, hindi masyadong nanalaytay sa dugo ko, hanggang sa buhok lang po umabot,” at muling tumawa ang dalaga.

Magkapatid ang lola ni Bela at ang ina ni Robin Padilla na si Eva Cariño-Padilla.

Sa pagpapatuloy ng dalaga, “Wala. Feeling ko, aalis na lang ako, alangan namang... di ba?”

Si Valerie Concepcion ay tulad din ni Bela na galing sa ABS-CBN at ngayon ay nasa GMA-7 na. Ang pagkakaiba, si Valerie ay originally isang Kapuso artist.

Sabad ni Bela, “Ah talaga? Di masaya, that’s nice. Ano daw gagawin niyang show?”

Sinabi namin kay Bela na kasama si Valerie sa Anna Karenina.

“Ah, wow! Naku, ang ganda! Pinapanood ko ‘yan dati...

“Si Sunshine [Dizon], si Polo [Ravales] ’tsaka si Antoinette Taus— oo dati, pag Sunday.

“Good for her—that’s nice.”

At bilang siya rin ay lumipat ng istasyon, ang komento ni Bela sa mga naglilipat, “Kung saan naman may work, di ba? ’Tsaka kung saan ka most comfortable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN