Bela Padilla on reported Padilla family feud: “Pang-adult naman ‘yan, na isyu ng mga adults, so I’m sure maaayos nila as adults also.”

Kumportable si Bela Padilla sa kissing scene nila ni Richard Gutierrez sa Love & Lies. Sabi ni Bela tungkol dito, “Hindi yung parang feeling mo tsatsansingan ka—walang ganoon. Very tender lang, hindi siya yung parang OA na kissing scene.”


Sa June 7 na ang huling episode ng GMA-7 primetime series na Love & Lies, kunsaan gumaganap si Bela Padilla bilang leading lady ng bidang si Richard Gutierrez.

Ano ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng Love & Lies?

Ayon kay Bela, “Itong buong week na ito, puro parang malalaman ni Denise [Bela] ang mga sekreto ni Cathy [Michelle Madrigal]—yung mga lies.

“Kaso, ang magiging problema, parang twist naman, mapupunta sa akin yung lies, so parang malilito si Richard [as Edward] sa aming dalawa.

“Kaya exciting para sa audience, kasi parang lahat ng tao, parang babaliktarin niya… so iyon po.

“So, mababaligtad ang mga pangyayari sa Love & Lies this week, so kawawa na naman yung character ko.”



KISSING SCENE. Naitanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bela ang tungkol sa kissing scene nila ni Richard sa Love & Lies.

Tiyempo namang nasa harapan namin si Richard habang kausap namin si Bela kaya mabilis na sumagot ang aktor ng: “Masarap!”

“Saan nanggaling yun?” sabay tawa naman ni Bela.

Pero dagdag ng young actress, “Okay naman, maganda yung eksena. Pero kinabahan ako ng very, very light!”

Ninerbiyos talaga siya?

“May konti lang. Lahat naman ng eksena, kahit hindi kissing scene, lagi akong may unang takot bago ako pumasok.

“Kasi, gusto ko laging perfect yung gagawin ko.

“E, okay naman. E, sobrang dali niyang kaeksena, hindi nakakailang. Parang alam na niya kung saan siya uupo.

“Hindi yung parang feeling mo tsatsansingan ka—walang ganoon.”

Kumusta naman ang mismong halikan nila ni Richard?

“Very tender lang, hindi siya yung parang OA na kissing scene.

"Kasi it happened very fast. Kasi siyempre may asawa siya sa story.

“So actually, ang nangyari, parang nag-imagine lang siya na ako si Michelle kaya niya ako nahalikan…

“Parang ganoon, ganoon ang nangyari. So iyon.”



ELECTION LOSS. Kinakitaan ba ni Bela ng kalungkutan o depression si Richard sa pagkatalo ng ina nitong si Annabelle Rama noong nakaraang eleksyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Kapuso talent, “Ay, no naman! Back to work.

"Actually, okay naman siya, back to normal.

“If ano naman, malaki naman yung family nila, so I think nag-ano na sila…

“They found their way of comforting each other, so that’s nice.”

FAMILY PROBLEM. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Bela sa nababalitang problema sa pamilya ng tiyuhin niyang si Robin Padilla at ng dati nitong asawa na si Liezl Sicangco dahil sa bagong asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez.

Tuloy, napapagitna ang pinsan ni Bela na si Kylie Padilla sa nababalitang away ng mga magulang nito.

Si Bela ay mula sa side ng ina ni Robin na si Eva Cariño-Padilla.

Ayon kay Bela, hindi pa sila nagkakausap ni Kylie kaya hindi raw niya masyadong alam ang isyu ng Twitter post ni Liezl na tila patama kay Mariel.

(Read: Kylie Padilla avoids meddling with her parents’ feud)

Sabi ni Bela, “Pero pina-follow ko lang si Tita Mariel sa Instagram, nakikita ko lang.

“Maraming nagko-comment, pero hindi ko pa alam yung buong story.

"Siyempre kasi, halos araw-araw kaming nagte-taping.”

Sinang-ayunan naman ni Bela ang sinabi ni Kylie sa isang interview na naniniwala siyang maaayos din ang isyung ito.

“Oo, for sure ‘yan.

“Ano naman, pang-adult naman ‘yan, na isyu ng mga adults, so I’m sure maaayos nila as adults also.

“Hindi naman parang away-bata.”

Ipinagtanggol din ni Bela ang Uncle Robin niya sa isyu na mas nakatutok raw ito at nauubos ang oras kay Mariel kaysa sa mga anak.

“A… hindi,” diin niya.

“Very ano siya, very tutok sa mga anak. Sobra!

“Basahin ninyo yung mga Instagram nila Kylie, lahat comment nang comment si Tito, ‘Good morning, anak!’

“May mga ganoon, ang sweet ni Tito Robin.

“Sobrang sweet siya sa mga daughters niya, pati kay Ali [Robin’s son], sweet din siya—kaya ang cute!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INDEPENDENCE. Alam din daw ni Bela na hindi ito ang dahilan kung bakit solo nang manirahanan si Kylie sa isang condo unit.

“At saka nag-solo na siya two years ago.

“Choice lang niya… tagal na niyang ipinapagawa yun—three years na yata yun.

“She’s very independent, oo, kasi lumaki sa Australia.”

Si Bela naman daw ay hindi kayang magsolo.

“Ay, no, no... I still live with my mom.

“Papakawalan ako ng mommy ko siguro mga twenty-eight pa ako, mga ganoon siguro!

“At saka ano ako, e, bunsong babae.

"Feeling ko, nagtatanong pa lang ako, baka umalis na ang mommy ko sa kuwarto!" tawa ng 23-year-old actress.

Dagdag niya, “At saka wala akong plano.

“Ano, e, I trust my mom completely with decision-making. So lahat talaga, kahit maliliit na bagay, tinatanong ko pa rin sa kanya, e.

“Tsaka package deal kami. Lumaki ako na kaming dalawa lang, so parang hindi ako sanay kung ako lang mag-isa, parang malungkot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN