Jodi Sta. Maria reveals annulment with Pampi Lacson is “on the way”

“Like I said before, I have never lost faith in love. But marriage is a different thing. It’s a different story. Right now, hindi pa ako ready,” says Jodi Sta. Maria about getting married again.


Hindi naiwasan ni Jodi Sta. Maria na amining nasa proseso na ang annulment ng kasal niya sa asawang si Pampi Lacson.

Sa press conference para sa bago niyang endorsement, ang Purefoods Fun Stuff, napaamin si Jodi na “on the way” na ang annulment nang tanungin kung totoo ang lumabas na baliatng officially annulled na raw sila ng anak ni Senator Panfilo Lacson.

Sina Jodi at Pampi ay ikinasal noong March 2005, at naghwalay noong March 2011.

Sila ay may isang anak na lalaki—si Panfilo Lacson III o mas kilala sa palayaw nitong Thirdy.

Si Jodi ay kasalukuyang girlfriend ng aktor at incoming Cavite vice governor na si Jolo Revilla, na may anak naman sa dati niyang girlfriend na si Grace Adriano.

Samantala, si Pampi naman ay kasalukuyang boyfriend at expectant father ng ipinagbubuntis ngayon ng StarStruck alumna na si Iwa Moto.

Aminado si Jodi na sa kabila ng nangyari sa relasyon nila ni Pampi, nananatili naman ang komunikasyon nila para sa kanilang anak na si Thirdy.

“I would say na mas civil kami ngayon. We have to be civil for our child,” sabi ng Kapamilya actress.

Bukod sa kanilang anak, wala na raw silang anumang pinag-uusapan ni Pampi.

“If there’s anything na pinag-uusapan namin, it’s about Thirdy.

“Basta anything about sa welfare niya, sa school niya, ‘yon ang pag-uusapan niya,” sabi ng Be Careful With My Heart actress.

Diin pa niya, “We don’t have to be friends.

"But we have to be the best parents that we can for our child. Basta tungkol lang sa bata.”

Ayon kay Jodi, alam ni Thirdy ang sitwasyon nila ngayon ni Pampi.

Sa ngayon, si Thirdy ay kasama ng kanyang ama sa Europe para magbakasyon.



NOT YET READY. Samantala, tila masaya naman ngayon ang 30-year-old actress sa kanyang relasyon sa 25-year-old actor-politician na si Jolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay handa na siyang muling magpakasal.

Sabi pa ni Jodi, “Like I said before, I have never lost faith in love.

“But marriage is a different thing. It’s a different story.

“Right now, hindi pa ako ready.”

Kaugnay nito, pinabulaanan din ni Jodi ang usap-usapang magpapakasal na sila ni Jolo.

“Wala namang ganun!” natatawang sabi ni Jodi.

“Ewan ko nga kung saan nanggaling ang kasalang issue na ‘yan.

“Nakita ko na lang siya noong nasa tour kami.

“Wala pa, grabe naman!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN