Rocco Nacino on being heir to the throne of top Kapuso leading men: "Kung mangyayari, bakit hindi? Blessing po iyon."

Sa maugong na balita tungkol sa paglipat diumano ng Kapuso leading men na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa ibang networks, sinasabing isa sa susunod na uupo sa kanilang trono ay si Rocco Nacino. Kung sakaling magkatotoo raw ito, ayon kay Rocco, ay patutunayan niyang karapat-dapat siya sa ibibigay na oportunidad sa kanya.


Sunud-sunod ang balita tungkol sa paglipat diumano ng ilang Kapuso stars sa ibang network, kabilang na ang dalawa sa top leading men ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Ayon sa obserbasyon ng ilan, kung saka-sakaling matuloy ang pag-alis nina Dingdong at Richard ay "luluwag" na ang kumpitensiya among the male Kapuso stars.

Sinasabing isa sa "next in line" sa trono nina Dingdong at Richard ay ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino.

Ano ang masasabi ni Rocco dito?

“Well, wow, that’s a big shoe to fill in.

“Pero ano—I’m not saying that it will happen—kung mangyari man yun, maraming opportunities, hindi lang sa akin, to the young actors ngayon.

"So, dapat ngayon pa, kahit walang ganitong isyu na napapag-usapan, dapat yung mga young actors natin, yung mga baguhan, dapat they have to step it up na.

“Dapat galingan na nila sa craft nila para mabigyan sila ng opportunities, hindi lang sa akin,” saad ni Rocco.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa last taping day ng Unforgettable sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Q.C. noong nakaraang linggo.

Dahil isa si Rocco sa itinuturing na “prinsipe” sa bakuran ng GMA-7, gusto ba niyang siya ang pumalit sa iiwanang trono ng mga "hari" na sina Dingdong at Richard kung sakaling matuloy ang pag-alis ng mga ito?

Tugon niya, “Sana. Kung mangyayari, bakit hindi? Blessing po iyon.

“Pero I have to keep in mind na given those blessings, may responsibility rin na dapat you have to...

“Ibigay mo yung kailangang ibigay mo, yung ipakita mo kung bakit worthy na ilagay sa puwesto na yun.

“So, if ever mangyari po sa akin yun, magre-request ako [ng] more workshops... siguro change of image.”



CHANGE IMAGE. Hindi ba siya masaya sa image niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Rocco, “Kung kailangan po, yung mga necessary na dapat gawin sa akin.”

Sa palagay ba niya, meron pang kailangang baguhin sa kanya?

“Ewan ko, siguro kung ano’ng nakikita nila sa akin na kailangang i-improve... I’ll take the time and effort to change whatever is needed.”

Marami nang roles ang nagampanan ni Rocco, kasama na ang gay role, sa loob ng tatlong taon niya sa showbiz. Ano ang kulang o kailangan pa niyang gawin na hindi pa niya nagagawa?

“Siguro... hindi ko po alam... pero whatever GMA throws at me, I will gladly accept it.

“Never ako yung tao na mag-accept ng defeat or I would wave a white flag.

“Kung anuman ‘yan, kung hindi ko alam, sasabihin ko mahihirapan ako.

“Pero gagawa ako ng paraan para kayanin lahat at ipakita na kaya ko ito.

“So everything is always a challenge to me.

"So iyon ang masaya para sa akin kaya ako nasa business na ito, kasi lagi akong natsa-challenge, e.”

Ano sa palagay ni Rocco ang kanyang edge sa mga ka-batch niya sa StarStruck V na sina Enzo Pineda at Steven Silva kaya naungusan niya ang mga ito?

Tugon niya, “I don’t know. Hindi ko talaga masagot ‘yan, e, pagdating sa ganyan.”



GOOD CHEMISTRY. Bukas, May 31, ay magwawakas na ang kinabibilangang afternoon soap ni Rocco sa GMA-7—ang Unforgettable.

Ano ang mami-miss niya sa kanilang programa?

“Siyempre si Kylie [Padilla], yung team-up namin ni Kylie. She’s always fun to work with...

"Kapag kasama ko si Kylie, tawanan lagi—as in ang dali niyang patawanin and she’s very sweet.

“When people look at her, lahat kami nagsasang-ayon pag sinasabi na, ‘Ang ganda ni Kylie, ano?’

“Ang puti-puti niya, tapos alagang-alaga siya sa balat niya.

“And I’ll miss the chemistry na meron kami ni Kylie, kaya sana maulit ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nahirapan sa chemistry nilang magkapareha nga, pero alam ng lahat na ang karelasyon ni Kylie ay si Aljur Abrenica?

Sabi ni Rocco, “Hindi ko rin po alam, kasi dati, hindi naman kami close ni Kylie dati.

"Maybe we just clicked talaga.

“Maganda yung pagsisimula namin sa rapport naming dalawa, maganda ang simula.

“At parehas kaming nasa learning stage pa at nagtutulungan kami kaya lalo kaming naging close.

“At hindi na namin kailangang um-effort, pero nakikita ng mga tao na may chemistry kami.

“So that’s something na hindi nagagawa na lang... it just comes naturally.”



LESSONS LEARNED. Ano naman ang mga natutunan ni Rocco sa kanilang direktor sa Unforgettable na si Gina Alajar?

“Marami po! Bago po ako mag-Gumapang Ka Sa Lusak noon, nagwo-workshop na kami under Direk Gina.

“So it’s nice working with her dahil nakasama ko na siya, nakatrabaho ko na siya.

“Light na po sa set, walang kapa-kapa at ang sarap po. Kasi, maalaga po si Direk Gina.

“Lagi siyang nandoon sa set, minu-motivate niya kami bago yung eksena.

“Tapos, habang nag-eeksena mismo, parang kumbaga mini-workshop yung nangyayari.

“So it’s nice, sobra!

"Aside from doing our job, nag-aaral pa kami, so masaya... masaya.”

Ano naman ang advice sa kanya ni Direk Gina na hindi niya makakalimutan?

“Si Direk Gina, hanggang ngayon at her age, she’s acting, she’s directing... ang daming ginagawa.

"So, ang nakukuha ko sa kanya is, ayun, learn and learn.

“Learn and learn and learn and explore and learn some more, kasi you’ll never get tired of learning.

“At nakikita ko sa kanya na kahit siya, natututo siya sa amin, bigayan po kami ng learnings sa isa’t isa.

“Iyon ang nakuha ko sa kanya—never stop learning and never stop saving for the future.”

PARTY PILIPINAS. Samantala, inamin ni Rocco na habang sumasayaw sila sa last episode ng Party Pilipinas noong May 19 ay umiiyak siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mami-miss daw kasi niya ang lahat ng mga nakasama niya sa Party Pilipinas.

“Iba yung feeling sa Party Pilipinas, e, pamilya talaga,” sabi niya.

Hindi pa alam ni Rocco kung makakasama siya sa bagong programa na ipapalit sa Party Pilipinas, ang Sunday All Stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN