Yasmien Kurdi "shocked" by offer to play mom of Barbie Forteza; settles issue with her own mother

Tahimik daw na naayos ang namagitang gusot sa pagitan ni Yasmien Kurdi at ng kanyang ina na nag-ugat sa pag-aasawa niya. Sabi ni Yasmien tungkol dito, “Napag-usapan na. I mean, kung anuman ang problema ng pamilya, dapat talaga, pag-usapan sa bahay. Hindi puwedeng inilalabas o public. Makikisali lang ang ibang tao, magugulo lang ang pamilya. Kami-kami lang din ang makakaresolba noon.”


Muling nagbabalik sa pag-arte si Yamien Kurdi pagkatapos niyang mag-asawa, magkaroon ng anak, at magtapos ng Nursing.

Ang huli niyang ginawang proyekto ay ang Amaya noong 2011.

Sa kanyang pagbabalik, gaganap si Yasmien bilang Maggie sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Anna Karenina, na remake naman ng dating weekly afternoon series na tinampukan nina Sunshine Dizon, Kim delos Santos, at Antoinette Taus.

Sa bagong version ay gaganap sa mga pangunahing tauhan sina Barbie Forteza, Joyce Ching, at Krystal Reyes.

Sa kuwento, si Yasmien (bilang Maggie) ang ina ni Barbie (ang tunay na Anna Karenina Monteclaro).

“Na-excite ako kasi yung character ko, sobrang mysterious talaga siya,” masayang pahayag ni Yamien sa press conference ng Anna Karenina noong May 28 sa Imperial Palace Suites.

Patuloy niya, “Hindi ko na in-expect na from this character na pa-sweet, nag-e-evolve siya.

“Ang galing ng ano… ang daming twist talaga…

“Na hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari kay Maggie, kung saan na ba si Maggie.”



REAL MOM. Sa tunay na buhay ay isa na ring ina si Yasmien.

Isinilang ng StarStruck alumna ang unang anak nila ng kanyang asawa na si Rey Soldevilla, Jr. noong November 22, 2012. Pinangalanan nila ang kanilang baby girl na Ayesha Zara.

Pero hindi raw makapaniwala si Yasmien nang ialok sa kanya ang role bilang ina ni Barbie sa Anna Karenina.

Si Yasmien ay 23 years old at si Barbie naman ay magsi-sixteen sa July. Ibig sabihin, pitong taon lamang ang tanda ni Yasmien kay Barbie.

Sabi ni Yasmien, “Na-shock ako! Sabi ko, ‘Hala, magiging nanay ako kila Barbie?’

“Sabi ko, ‘Grabe naman, twenty-three years old pa lang ako, Ms. Redg [Redgie Magno, VP for Drama], ha!’

“Pero dito nga sa mga eksena sa Anna Karenina, magde-debut pa ako dito.

“Imagine, seventeen years old ako nang nabuntis ako [sa istorya]!

"I mean, Maggie is young, hindi naman siya yung tipong old na or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, yung character ko, nag-e-evolve… ako mismo, na-excite ako.”

May mga limitasyon na ba si Yasmien pagdating sa mga karakter na gagawin niya, lalo na ngayong may anak na siya?

Sagot niya, “Hindi ko rin po alam.

“Depende rin po siguro sa character… kung saan po ang story.

“Ako po kasi, gustung-gusto ko talaga ng natsa-challenge ako sa role.

“So, everytime na maganda ang role, ang hirap na makatanggi sa magandang role.

“Lalo na kapag nakita mo na ang storyline, tapos ang ganda-ganda ng role… ang hirap-hirap po talagang tumanggi.”



“PERMANENT.” Gaya ng nabanggit, ang huling acting assignment ni Yasmien ay ang Amaya (2011), pero guest role lang siya rito.

Posible bang dire-diretso na siya ngayon sa pagbabalik-showbiz?

“Yes po, dire-diretso na po,” mabilis niyang sagot.

Anim na buwan na ang kanyang anak na si Ayesha at wala namang problema kahit bumalik na siya sa pag-aartista.

Sabi ni Yasmien, “Ang baby, nasa lola, nasa mom ng husband ko.

"Okay naman siya at ang daming nag-aalaga.”



MOM AND FRIENDS. Kumusta ang pagiging isang ina?

“Masaya po," sambit ni Yasmien.

"Halimbawa, kagaya before, kapag napupuyat ako sa taping, ang initin ng ulo ko, wala na akong energy.

“Ngayon, anytime na iisipin ko ang baby ko, nagkakalakas ako.

"Tapos, pupunta ako sa bahay, natutuwa ako, nawawala na ang pagod ko.

“Iba talaga kapag may baby ka. Nagiging inspirasyon mo siya sa lahat ng ginagawa mo.”

Bukod kay Yasmien, may mga anak na rin ang ka-batch niya sa StarStruck na sina Jennylyn Mercado at Katrina Halili.

Nagkakausap ba silang tatlo pagdating sa mga anak nila?

Kuwento ni Yasmien, “Si Kat, nakakausap ko po regarding… more about breasfeeding, about the baby, ganyan-ganyan.

“Si Jennylyn, nakausap ko siya last week kasi birthday niya. Ka-birthday niya kasi ang husband ko.

“Tinawagan ko siya, nag-chikahan kami sa phone, pero yung mga buhay-buhay lang din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkataon lang daw na mas nakakausap at nahihingan niya ng advice si Katrina tungkol sa baby.

Sabi ni Yasmien, “Mas matanda kasi ang baby niya sa akin, so alam niya kung ano ang stuff na gagawin, next stuff na gagawin.”

Ano ang pakiramdam na mga nanay na sila ng ilang kasamahan niya sa StarStruck?

“Masaya,” nakangiting sabi niya.

“Bata pa kami… Like ako, twenty-three years old pa lang ako. I mean, hindi pa naman ako twenty-five above.

“Kaming lahat, nasa twenties pa lang kami, we feel young pa rin kami. Pero yung mga babies namin, parang mga kapatid lang namin.

"We’re having fun... hindi naman yung tipong kaya pa naming magpaka-jolly.

"So, nae-enjoy ko siya… as in masaya.”



RELIGION. Kasabay ng balitang may anak at nag-asawa na si Yasmien ay ang balitang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ina.

Tutol daw kasi ang ina ni Yasmien sa pag-aasawa niya, sa napangasawa niya, lalo pa’t iba ang relihiyon nito sa kanila.

Si Yasmien ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo habang ang kanyang mister ay isang Katoliko.

Kumusta na sila ng mommy niya ngayon?

Sabi ni Yasmien, “Okay naman... mamaya dadaan ako doon.

"Every week dumadaan ako doon... nakikita ang baby.”

Tanggap na ba ng mommy niya ang kanyang sitwasyon?

“Yes, yes!” mabilis niyang sagot.

Dugtong pa niya, “Everything’s okay na… everything’s alright.

“Ang mommy ko naman, mabait na tao siya, ang bait-bait ng mommy ko—matatanggap niya rin lahat.”

Natanggap na ba ng mommy niya kung anuman ang personal choices niya?

“Ayos naman na kami, wala naman nang problema,” sabi ni Yasmien.

Napag-usapan na ba nila ng mommy niya ang naging problema?

“Napag-usapan na. I mean, kung anuman ang problema ng pamilya, dapat talaga, pag-usapan sa bahay. Hindi puwedeng inilalabas o public.

“Makikisali lang ang ibang tao, magugulo lang ang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami-kami lang din ang makakaresolba noon.”

Pabirong pinukol ng tanong si Yasmien kung ang press ba ang nakakagulo.

“Oo, oo!” natatawang sagot naman niya.

Tanggap na rin ba ng mommy ni Yasmien ang relihiyon ng kanyang asawa?

“Yes po, basta ang importante lang naman, magkarespetuhan ng beliefs ng bawat isa.

“Respeto naman, lahat naman nagkakarespetuhan—mom ko siya, anak niya ako.

“Wala naman kasing problema!” natatawang pagsasara na niya sa usapan.



SUPPORTIVE HUSBAND. Gaano naman ka-supportive ang kanyang mister ngayong nagbabalik na sa showbiz si Yasmien?

Sagot niya, “Super supportive siya.

"Like yesterday, nawawala ko yung silya ko, yung pang-taping na silya ko.

“Sabi ko, ’Sakit ng likod ko, wala akong silya...’ E, kama lang ang nandoon.

“Yesterday, bumili siya ng silya ko, sa Clark. Yung pang-army talaga, yung puwedeng talun-talunan.

“Ganoon siya ka-supportive, as in—kung ano ang sabihin ko. Kasi lumilipad siya.”

Isang flight attendant ang mister ni Yasmien.

Nag-uusap naman ba ang mister at ang mommy niya?

“Yes, oo, nagmamano ang mister ko sa kanya and everything. Okay naman lahat,” sabi ni Yasmien.

Kumusta naman ang pakikitungo ng mommy niya sa apo nito?

“Okay naman, buhat-buhat niya. Nabibigatan na siya sa apo niya. Ang taba-taba ng baby ko, di ba?”



HEALTHY YASMIEN. Nang dumating si Yasmien sa presscon ng Anna Karenina, kaagad napansin ng press ang malusog niyang dibdib.

Paliwanag naman ni Yasmien, “Dahil po kasi ‘yan sa gatas ko, sobrang dami talaga. Nag-donate na nga ako ng milk ko.”

Sa neo-natal intensive care unit ng Philippine General Hospital daw nag-donate si Yasmien..

Naikuwento pa niyang plano niyang magpa-injection para mabawasan ang milk production niya.

“Ano lang, para i-lessen lang ang milk production.

“Hindi ko pa alam kung mawawala lahat, tatanungin ko pa kung paano siya.

“Mabigat kasi, nahihirapan ako, mabigat talaga.

“Hindi ko pa rin naman sure ang procedure, tatanungin ko pa sa OB Gyne ko… hindi ko pa sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko pang magsalita regarding procedure... parang narinig ko lang na parang may inject-inject.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN