Gardo Versoza expecting baby boy with longtime partner: “May baby Machete na!”

Muli na namang magiging ama ang aktor na si Gardo Versoza dahil nagdadalang-tao ngayon ang kanyang longtime partner na si Ivy Vicencio. At ayon sa ultrasound, isang batang lalaki ang isisilang ni Ivy. Biro naman ni Gardo, “Sabi rin sa ultrasound, ‘gifted’ si Baby Machete!”


Gardo Versoza is a proud and happy expectant father.

Isiniwalat ng aktor sa kanyang Facebook ang resulta ng pagpapa-ultrasound nila ng kanyang longtime partner na si Ivy Vicencio sa magkakasunod niyang posts kamakailan.

Noong Sabado, May 25, unang nagbanggit ni Gardo ng naturang ultrasound data.

Message niya: “excited for today’s ultrasound!!!”

Ito’y sinundan ng isa pang post: “here now at d ultrasound”... then, “hope and pray for a... (comes with a smiley)...”

Sa araw ding ito, after a few hours, ito naman ang naging post ni Gardo: “Thank U LORD,,, it’s a boy!!!”

At may komento pa ang aktor: “kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan!!! yahoooooooo!!!!

May comment din si Gardo, matapos malaman ang gender ng baby: “may baby MACHETE na!!!”

Ang komento ay patungkol sa karakter na ginampanan ni Gardo as Machete noong mid-’90s.



REPLIES AND LIKES. Sinalubong ng maraming congratulatory notes/comments ng mga kaibigan niya at ni Ivy ang balitang ito ng aktor.

Tuwang-tuwa naman si Gardo sa mga natanggap na mensahe sa FB account niya na halos isa-isa niyang binibigyan ng “Reply” o nila-“Like.”

At ang komento pa ni Gardo sa isa sa mga post: “i’m still awake... hyper still of my baby boy.”

Kinabukasan, Linggo, May 26, nag-post si Gardo—who is Peter Mennen Torres Polintan in real life—ng mga larawan niya at ng kanyang mga kamag-anak.

Banggit pa niya, “Baby boy coming soon...”



BABY ‘DEITY.’ Noong Lunes, May 27, ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo sa kanyang tahanan sa Mabuhay Subdivision, Pasig City.

Humiling ng panayam ang PEP sa aktor kaugnay sa bago niyang sisimulang drama series sa GMA-7, ang Mga Basang Sisiw.

Ito ang comeback teleserye ni Gardo bilang Kapuso matapos ang maikling stint sa TV5.

Pero dahil may lumabas nga siyang mga posts sa Facebook, inusisa na rin ng PEP ang magandang balita tungkol sa pagiging expectant dad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes,” nakangiting pagkumpirma ni Gardo.

Aniya, four months na ang ipinagbubuntis ng kanyang partner of seven years na si Ivy.

Papangalanan daw nila ang bata ng “Deity,” sunod sa nais ipangalan noon ng yumaong ina ni Gardo para sa kanyang younger brother Elito.

“Ipapangalan dapat yun kay utol, John Deity sana, doon nanggaling yun, e.

“Kaya yung gusto kong name, sa baby namin ipapangalan. May personal touch yun.”

Sa second week ng November nakatakdang magsilang si Ivy ng una nilang supling ni Gardo.



RELIEVED. Ano ang feeling ni Gardo ngayon as an expectant father?

Nakangiting sabi niya, “Yung feeling ngayon, halo ng excitement, at the same time para akong nabunutan ng tinik, dahil [baby] boy.”

Hindi itinatago ni Gardo ang pagnanais na maging lalaki ang kanyang anak kay Ivy.

“Kasi natatakot ako pag babae,” pag-amin niya.

Partly, naniniwala si Gardo sa sinasabing ang anak na babae umano ay “pambayad-utang.”

“Puwedeng ano… kasi ngayon, maraming factors to consider, e, like environment, how you bring them up, and then yung barkada.

"So marami nang nakakaapekto.

“Unlike before, during my time, basta sinabi mo, okay yung pagpapalaki, di ba? Everything follows na, e… ngayon, hindi."

Dagdag niya, “Yung career, I’ve nothing against it.

“Pero sa akin, pag babae, mas mahirap pag dumating na sa puntong may emotional involvement.”



BY “ACCIDENT.” Inamin din ni Gardo na hindi ayon sa plano nila ng kanyang partner ang pagkakaroon ng supling sa puntong ito.

“Actually, aksidente, e,” seryoso niyang sambit.

“Tapos, doon ako nagising ni Nanay Mother...” pagtukoy niya sa kaibigang madre, si Sister Rosary, ng Daughters of St. Dominic sa Tagaytay City.

“Siya ang spiritual adviser namin… na sabi niya, kumbaga, kahit ano pang gawin, kung hindi ipagkakaloob, hindi siya mabubuo.

“Na totoo naman din.”

Kaya maluwag na tinanggap nina Gardo at Ivy ang pinaniniwalaang “blessing” sa kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka yung sa amin, seven years of partnership… strong na rin yung foundation namin.”

At sa napipintong pagsisilang ni Ivy kay Deity ay maraming natutuwa, hindi lang ng kanilang non-showbiz friends kundi pati ng mga kakilalang kasamahan sa showbiz.

“Natutuwa sila... kasi may Baby Machete na,” kuwelang banggit ni Gardo, na mula sa FB post niya.

Nakakatuwang dagdag pa ng aktor, sabay-tawa, “Sabi rin sa ultrasound, ‘gifted’ si Baby Machete!”



COMEBACK AS ‘KAPUSO.’ Samantala, masaya si Gardo sa pagbabalik-GMA-7 niya via Mga Basang Sisiw, isang afternoon drama series na sisimulang isahimpapawid sa Hunyo 3.

Sa direksiyon ni Ricky Davao, ang Mga Basang Sisiw ay magtatampok kay Gardo bilang isang mangingisdang sinawimpalad na mamatayan ng asawa’t anak.

Magkakaroon siya ng kaugnayan sa tauhang gagampanan ni Lani Mercado, ang ina ng mga inalipustang bata.

Ang mga bata ay gagampanan ng child stars na sina Renz Valerio, Hershey Garcia, Bianca Umali, Kimberly Faye, at Mico Zarsadias.

Ang Mga Basang Sisiw, ay TV adaptation ng early ‘80s movie na tinampukan noon ng former child actresses na sina Sheryl Cruz, Janice de Belen, Che-Che, at ng yumaong Julie Vega.

“Masaya ako dahil nakabalik na ako [sa GMA], masaya ako sa pagbabalik—guminhawa na ang puso ko,” makahulugang sabi ni Gardo.



BRIGHTER SIDE. Matatandaang nagkaroon ng hindi favorable experience si Gardo with TV5 habang ginagawa niya ang teleseryeng Never Say Goodbye.

Umabot iyon sa puntong nag-air ng kanyang grievances si Gardo sa pamamagitan ng Facebook para ipaabot ang kanyang mga hinaing sa management ng Kapatid network.

Sabi ni Gardo, “Yung mga derogatory experience, water under the bridge na.

“In a way, it was a learning experience. At your own risk, di ba?”

Whatever transpired, naisatinig na nga raw ng aktor.

“Pero looking at the brighter side, kumbaga, thankful ako kay God na nakatrabaho ko ulit si Ate Guy [Nora Aunor].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun yung main reason, e, kaya nagpaalam kami ni manager [Ivy Vicencio] sa GMA, dahil nga para makasama si Mare [Nora].”

Ayon kina Gardo at Ivy, isa si Nora sa magiging ninang ng kanilang anak dahil napalapit na rin ang Superstar sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN