Vice Ganda says he will not change his comedy style despite latest issue: “Pero magiging responsable ako.”

Nagpapasalamat daw si Vice Ganda na sa kabila ng kontrobersiyang idinulot ng pagbibiro niya sa broadcast journalist na si Jessica Soho ay marami pa rin ang sumusuporta sa kanya. Sabi niya, "Yung mga followers ko sa Twitter, tinitingnan ko every now and then, nabawasan ba ang followers ko? Hindi, patuloy pa rin namang umaakyat. Ang Facebook likes ko ganun pa rin, ako pa rin ang most liked na fanpage sa Facebook. Sabi ko, ang saya kasi hindi pa rin


Kahapon, May 29, ay humingi na ng paumanhin sa It’s Showtime si Vice Ganda kay Jessica Soho at sa lahat ng mga nasaktan sa ginawa niyang pagbibiro tungkol sa rape sa nakaraang matagumpay niyang concert na I-Vice Ganda Mo ’Ko Sa Araneta.

(Read: Vice Ganda apologizes to Jessica Soho)

Pagkatapos nito ay nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Vice nang dumalo siya sa launching ng mga bagong produkto ng ineendorso niyang Starmobile phones and tablets. Kasabay rin nito ang grand opening ng Starmobile store sa 4th level ng SM North Edsa Annex.

Hindi man direktang naitanong kay Vice ang tungkol sa isyu kay Jessica, bilang pagrespeto na rin sa organizer ng event, nagawa naman ng press na mapalusot ang ilang tanong na may kaugnayan dito.

Sa nangyaring ito, masasabi niya bang natutunan niyang maging maingat sa pagsasalita?

Sagot ni Vice, “Maging maingat, magkaroon ka ng humility sa sarili, and learn from each and every experience that you have.”

Pero sa kabila raw nito ay walang balak si Vice na baguhin ang kanyang style of comedy.

“Pag binago ko ito, hindi na ito si Vice Ganda. Pero magiging responsable ako.”

PEOPLE’S SUPPORT. Napatunayan niya ba na may malaking epekto na ang kanyang mga salita?

Sabi ni Vice, “Ang laking obligasyon din pala pag inisip mo.

"Hindi ko kasi iniisip dati na may halaga itong sinasabi ko. Gusto ko lang magsalita, gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko.

"Ngayon, isip-isip din muna, yung ganun.

"At saka ang laking obligasyon din talaga na pag dinibdib mo rin talaga nang dinibdib, nakakakorta din ng utak.”

Masaya lang daw si Vice na hindi naman siya iniwan ng mga taong sumusuporta sa kanya.

“Natutuwa nga ako, I’m really so blessed... katulad ngayon ang daming tao na wala naman sinasabing masama sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga kasama ko dati, kasama ko pa rin ngayon.

"Yung mga followers ko sa Twitter, tinitingnan ko every now and then, nabawasan ba ang followers ko? Hindi, patuloy pa rin namang umaakyat.

"Ang Facebook likes ko, ganun pa rin, ako pa rin ang most liked na fanpage sa Facebook.

"Sabi ko, ang saya kasi hindi pa rin naman ako binibitawan ng tao, hindi nila ako isinusuko, kaya hindi rin naman ako sumusuko.”

NEXT SHOWS? Itutuloy pa rin ba niya ang plano sana nilang nationwide tour ng successful concert niya?

“Kahapon nag-meeting kami, ang daming inquiries about sa I-Vice Ganda Mo ’Ko Sa Araneta. Meron sa Davao, meron sa Cagayan... sobrang dami.

"Iniisip ko nga, ‘Ano, itutuloy ba natin?’ Sabi, tuloy daw.”

Same format and same jokes din ba?

“Yun ang kailangan nating pag-isipan kasi, di ba, gusto kong magpasaya, gusto kong mang-Vice Ganda ng maraming tao.

"Pero siyempre kailangan matuto ka rin naman sa mga nangyayari, di ba?

"Hindi naman puwedeng bara ka lang nang bara, bara-bara o arogante kang mayabang ka, wala akong pakialam diyan.

"Hindi rin naman magiging masaya ang buhay.

"Gusto kong patunayan din naman sa mga tao na nag-iisip din naman ako.”

YOU CANNOT PLEASE EVERYBODY. Minsan nang nasabi ng yumaong Comedy King na si Dolphy na mahirap talaga ang sining ng komedya. Sang-ayon ba si Vice dito?

Tugon niya, “Hindi lang naman po talaga komedya. Siguro nasi-single out lang sa komedya kasi komedyante ako at ang isyu ay tungkol sa isang komedyante.

"Pero bilang isang performer, mahirap talaga.

“At bilang isang tao, talagang mahirap dahil you can never please everyone kahit saan—kahit sa trabaho, sa call center, sa opisina, sa pagiging janitor, sa pagiging estudyante, sa pagiging teacher...

"Hindi mo lahat mapi-please, di ba?

"Kahit anong tama ang sabihin mo, meron at merong isang taong tatayo at a-against [sa iyo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Much more with comedy, kasi iba-iba rin ang tao kung paano tatanggapin ang isang biro o ang isang komedyante bilang komedyante siya at yung mga birong ibinabato niya, iba rin.

"Pero masaya ako dahil marami pa rin talaga ang nakaka-appreciate ng form of comedy ko, marami pa rin akong napapasaya.

“Hangga’t may tumatawa, magpapatawa ako.

"Hangga’t may pumapalakpak sa akin, magpapatawa ako.

"Hangga’t may malungkot at nakasimangot, magpapatawa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN