Patrick Garcia hopes his children meet someday: “Iyon ang magiging happiest day ko siguro—kapag nag-meet na silang dalawa.”

Nilinaw ni Patrick Garcia na nagkataon lamang na non-showbiz ang kanyang girlfriend ngayon. Mas tahimik ang relasyon nila kaya masaya siya ngayon. Sabi niya, “Mas tahimik nga kasi ang buhay ko ngayon. Mahalaga rin kasi ang peace of mind para makumpleto ang pagiging happy mo.”


Kasama si Patrick Garcia sa bagong afternoon soap ng ABS-CBN na Annaliza, na remake ng soap opera ng GMA-7 noon na pinagbidahan ng yumaong young actress na si Julie Vega.

Ang panibagong version ay tatampukan naman ng baguhang child star na si Andrea Brillantes.

Sabi ni Patrick tungkol sa kanyang role, “I’ll play the role of Lazaro. Anak ko si Annaliza, asawa ako ni Denise Laurel.”

Huling napanood si Patrick sa primetime series ng ABS-CBN na Apoy Sa Dagat, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Piolo Pascual, at Diether Ocampo.

Pero maliit lang ang role ni Patrick dito na tumagal lang ng one week.

Sabi niya, “Dito sa Annaliza, mahaba talaga ang magiging role ko.

“Hindi naman bad ang character ko rito… mapapasabak na naman ako ulit sa drama.

“And nakaka-relate ako doon sa character kasi in real life, I’m also a father.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patrick last Sunday, May 26, sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.



NO COMMENT. Nabanggit na rin lang ang tungkol sa pagiging ama, kumusta na ang relationship niya sa kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz?

“Okay naman,” sabay ngiti ni Patrick.

Ilang taon na ba si Jazz?

“Magpa-five na siya.”

Nagkikita o nagkakasama ba sila lately?

“As of now, hindi.”

Gaano katagal na silang hindi nagkikita?

“Uhm… no comment,” nakangiting pag-iwas ni Patrick.

Hindi pa ba naaayos ang problema sa pagitan nila ni Jennylyn?

“Oo… kaya ayokong pag-usapan, baka ano, e…

“Gusto ko kasing maayos ang problema namin kaya I want to stay quiet lang.”



FRESH LOOK. Kapansin-pansin din na fresh ang aura ni Patrick ngayon. Ano kaya ang dahilan nito?

“Ano… wala… think positive lang in life!” natatawa niyang sabi.

Kapapanganak lang daw ng kanyang non-showbiz partner sa una nilang baby kaya masaya siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Patrick, “Iyon din siguro ang isang dahilan kung bakit maganda ang aura ko… oo.”

May kinalaman kaya sa paggu-glow na aura niya ngayon ang pagiging masaya niya siya sa piling ng karelasyon at ng kanilang baby?

“Oo, at mas tahimik nga kasi ang buhay ko ngayon.

“Mahalaga rin kasi ang peace of mind para makumpleto ang pagiging happy mo.

“Oo naman, siyempre,” sabi ni Patrick.



NON-SHOWBIZ. Bakit sa palagay niya ay nag-click sila ng kanyang non-showbiz na karelasyon ngayon?

“Siguro kaya tahimik, wala kaming nagiging problema,” sagot niya.

Hindi naman sa ayaw na ni Patrick ng karelasyong taga-showbiz din, pero nagkataon lang daw na hindi artista ang sunod na naugnay sa kanya.

“Hindi mo naman kasi pinipili ang taong mamahalin mo, e. Nangyari lang na siya ang sunod na naging karelasyon ko.”

Banggit din Patrick, career woman at mabait ang kanyang karelasyon ngayon at wala silang nagiging problema.

Pang-artista rin ba ang beauty ng girlfriend niya?

“Oo naman, sobrang ganda! She’s 25… two years na kami.”

Wala pa silang planong pakasal ngayong may anak na sila?

“As of now, wala pa because nag-iipon pa ako, e.

“Three months old pa lang yung baby namin… girl siya."

Pero paglilinaw ni Patrick, "Pantay lang naman ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa ni Jazz.”

Okay naman ang relasyon nila ng kanyang partner, lalo at may baby na nga sila. Pero alam na ba ni Jazz na may baby sister na siya?

Sabi ni Patrick, “Hindi pa, pero darating ang panahon na magkakakilala sila."

Wala naman daw magiging problema sa kanyang partner ngayon kung sa darating na mga araw ay ipakilala nila sina Jazz at ang baby sister nito.

“Kumbaga, iyon ang magiging happiest day ko siguro—kapag nag-meet na silang dalawa.”



INDIE FILMS. Umaasa si Patrick na magtuluy-tuloy na ang pagiging aktibo ulit niya sa kanyang acting career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan niya na magsusunud-sunod na ang kanyang mga proyekto.

Sabi niya, “Gusto ko ring gumawa ng indie film—kung may offer, why not?”

Okey lang sa kanya na maging daring gaya ng ginagawa ng ibang indie actors?

“Hindi siguro masyado!” sabay tawa ni Patrick.

“Siguro hanggang sa paghuhubad ng T-shirt lang!

“Sa Apoy Sa Dagat, may ginawa akong scene na naka-underwear lang ako, ewan ko kung kaya ko ulit gawin.”

Gay roles, okay lang ba sa kanya?

“Kaya ko naman.”

Paano kung kasama rito ang pakikipaghalikan sa kapwa lalaki?

“Kung kailangan talaga, okay lang. Kung sa ikagaganda ng pelikula, why not?

“Kakayanin ko rin naman din yun… siguro.”

Sa ngayon, kuntento naman daw si Patrick sa takbo ng kanyang career.

Sabi niya, “Happy na ako sa ganito… one step at a time.

“Sana may dumating pang magagandang offers.

“Happy naman ako sa buhay ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN