Alden Richards on his bashers: “Wala naman akong magagawa kung ayaw nila sa akin, pero wala namang bastusan sana.”

Ito ang mensahe ni Alden Richards sa mga bashers niya sa Internet: “Isipin na lang nila na kung ano yung pangba-bash nila sa amin ay nagri-reflect yun sa mga magulang nila. Pinapamukha nila sa amin na ganoon sila pinalaki. So, respeto na lang—magrespetuhan na lang tayong lahat.”


Hindi maitago ni Alden Richards ang pagkainis sa ilang fans na sobrang mag-bash sa kanya sa social networking sites.

Ang nakaka-upset sa kanya ay ang pagdamay sa kanyang pamilya, lalo na sa namayapa niyang ina na si Rosario Faulkerson.

Ibinahagi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang saloobin nang matiyempuhan namin siya sa GMA Studios.

Kuwento niya, “My dad [Richard Faulkerson] was introduced to Twitter a few weeks back.

“Tapos, nabasa nga niya na merong nang-aaaway sa akin sa Twitter. Pati siya inaaway.

“And then, my mom na, dyusko, five years nang nag-rest in peace, ay idinamay nila—iyon yung nakakainis na part!

“Ayaw ko naman silang sagutin kasi yun ang way of provoking nila para pansinin.

“So, the more pansinin mo sila, the more na mag-iingay sila. So, I just kept quiet.

“Sana huwag na lang pati family ko. Kasi, ayoko lang talagang magsalita... kasi, di ba?

“Pag… huwag na lang family ko, please,” napipikon na sabi ni Alden.



EMOTIONAL. Sa mukha ni Alden ay pilit niyang itinatago ang nahihirapang damdamin.

Sabi pa niya, “Sometimes ay napu-provoke akong sagutin, kaya lang iniisip ko yung after-effect noon.

“After noon, ano ang mangyayari? Ako ba ang talo?

"Kasi sila ay hindi naman sila kilala, hindi sila public figure.

“Kapag pinatulan ko ‘yan, sa akin pa rin ‘yan—it’s all on me.

“So, ini-stretch ko na lang ang aking pasensiya.”

Paano nga ba magalit ang isang tulad niyang maamo ang mukha?

Nangiti si Alden at sinabing, “Hindi ko alam, e. For the longest time, hindi ako nagagalit.

“Sobra kasi talaga ang pasensiya ko, e.

“Ayun po. Sana, sana ay respeto na lang.

“Isipin na lang nila na kung ano yung pangba-bash nila sa amin ay nagri-reflect yun sa mga magulang nila. Pinapamukha nila sa amin na ganoon sila pinalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, respeto na lang—magrespetuhan na lang tayong lahat.”



PROVOCATIONS. Ano ba ang isang bagay o pangyayari na maaaring mag-provoke sa kanya na magalit?

Sagot ng Kapuso actor, “Family talaga... huwag na huwag, kahit na sino ‘yan!

“Kahit sino pang malaking tao ‘yan, huwag ang family ko talaga. Hay naku!”

Inalam ng PEP kay Alden kung ano ang nabanggit ng bashers tungkol sa yumao niyang ina na naging dahilan ng kanyang galit.

Aniya, sa tonong sarkastiko, “There was this fan na sana ay okay naman siya ngayon, na sana ay tahimik ang kanyang pag-iisip ngayon...

“Sabi ba naman niya sa mom ko, ‘Oy, patay na pala ang nanay ni Alden, let’s celebrate!’

“Yung ganoon! May ganoon siyang tweet.

“I remember na nagte-taping ako noon ng Ibilib, hindi ko makalimutan yun. Sabi ko, ‘Ano ito? Anong meron dito?’

“Gusto ko na siyang sagutin... gusto ko na siyang pagsalitaan ng masama, gusto kong gawin yun sa kanya.”

Pero dahil nasa matino naman daw siyang pag-iisip ay hindi niya ito ginawa.

Ayon kay Alden, “Nangibabaw pa rin yung instict ko na, ’Huwag, huwag mong gawin.’

“Kasi, hindi nga siya makakaganda—makakasama sa career, sa image. Kaya tahimik na lang ako.

“Anyway, after a while ay tumahimik na rin siya.

“Sana huwag na lang maulit yung ganoon. Family ko kasi ang mahalaga sa akin.”



MUTUAL RESPECT. Hiling na rin ni Alden sa mga bashers o fans na hindi siya gusto na bigyan naman siya ng sapat na respeto.

Wika niya, “Yun nga ang hinihiling ko sa kanila—kung hindi nila ako gusto, e, respetuhin na lang din nila ako.

“Kasi ako, wala naman akong binabastos na tao... wala naman akong gustong bastusin.

“So, sana, respeto na lang. Nagtatrabaho lang naman tayo, hindi ko naman…

“Wala naman akong magagawa kung ayaw nila sa akin, pero wala namang bastusan sana.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW ALBUM. Para naman gumanda ang mood ni Alden ay kinumusta ng PEP ang latest update sa kanya.

Bukod sa Mundo Mo’y Akin, na tuloy pa rin ang taping, ay labas na sa market ang self-titled album niya.

Pero nalungkot naman si Alden dahil nawala na sa ere ang musical-variety show na Party Pilipinas.

Sabi ng 20-year-old hearthrob, “Heto nga’t nalulungkot din ako sa pagkawala ng Party Pilipinas.

“Kasi feeling ko, hindi ako makaka-promote nang husto ng album ko.

“Kasi feeling ko ay hindi na ako makakakanta at makakasayaw for my album."

Pero umaasa si Alden na makakasama pa rin siya sa papalit na programa sa Party Pilipinas, ang Sunday All Stars.

Dagdag niya, “Tapos, may gagawin akong movies na hindi pa puwedeng sabihin, kasi hindi pa talaga naku-confirm.

“Pero one thing, I’ll be doing five movies this year—one for an indie movie, yung iba sa mainstream.”

Pati nga raw sa pag-release ng kanyang album ay marami ang bumabatikos sa kanya.

Saad niya, “Oo, marami ang nagsasabi na ‘O, ba’t binigyan ‘yan ng album, e, hindi naman singer ‘yan?’ Ganoon.

“Hindi pa ‘yan lumalabas noon ay ang dami ko nang narinig na ganyan.

“Ano... quiet na lang siguro ako. Kasi, ako ang talo kung patulan ko pa sila.

“Ako naman ay kinuha ko ang opportunity na ito for self-growth.

“Hindi ko ito tinanggap kasi naniniwala ako sa sarili ko na ako ay nakakakanta. Ginawa ko siya para masubukan ko siya.

"Kasi bihira naman dumating sa akin ang chance na ganito, na ma-offer-an na gumawa ng album.

“So, sabi ko sa sarili ko, dahil alam ko na hindi naman tatagal sa showbiz, ‘Why not try it?’

“Ako po, strike while the iron is hot.

“Hindi ako magpapalagpas ng opportunity na hindi lang makakatulong sa career ko kundi para sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOVE OUT? May mga nagsa-suggest sa kanya na lumipat ng ibang network.

Pero pahayag ng Kapuso leading man, “Unang-una sa lahat ay mahal ko ang istasyon ko.

“Ibinabalik naman po nila sa akin ang pagmamahal na yun.

“Ang paglipat-lipat issue na ‘yan, matagal na po ‘yan.

“Ako naman kasi, inaalagaan pa ako ng network at habang inaalagaan pa rin nila ako, ina-assure ko sa kanila ang loyalty ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN