Phillip Salvador hints at running in 2016 elections: "Lalaban na tayo noon!”

Sa pagtatapos ng afternoon soap ng GMA-7 na Unforgettable, pinuri ng veteran actor na si Phillip Salvador (nasa larawan) ang younger cast members nila tulad nina Kylie Padilla, Mark Herras, at Rocco Nacino.


“Oo naman! Oo naman... oo naman,” sagot ng veteran actor na si Phillip Salvador nang tanungin kung masaya siya sa naging resulta ng nakaraang eleksyon.

Sabi pa niya, “Happy ako sa kinalabasan ng eleksyon, kasi nanalo yung aking mga kandidato.

“Nanalo ang aking pamangkin, si Grace [Poe], nanalo si Nancy [Binay], nanalo si JV [Ejercito], nanalo si Cynthia Villar, si Greg Honasan—kaya happy!”

Ikinalungkot naman ni Phillip ang pagkatalo ng mga kapwa niya artista na sina Richard Gomez, Aga Muhlach, at Christopher de Leon.

“Doon, lungkot ako, lungkot ako doon.”

Dapat sana ay tatakbo rin si Phillip bilang bise-gobernador ng Bulacan noong nakaraang eleksyon, ngunit hindi niya itinuloy.

Sabi niya, “Yeah, I was going to file.

"The last day of filing, I had to talk to the people na mga supporters ko.

“Siyempre malungkot sila, pero naintindihan nila kasi mahirap namang lumaban nang nag-iisa ka.”

Bigla raw umatras ang mga kasama niya sanang tatakbo.

“Parang ganoon!” ang natatawang sabi ng aktor.

Dagdag niya, “Merong mga bagay na hindi puwedeng basta sasabak ka na lang, lalo na kung nag-aatrasan din yung mga kasama mo."

Ang nanalo vice governor ng Bulacan ay ang aktor din na si Daniel Fernando.

Hindi ba siya tatakbo sa 2016?

“Next election... iba na yun, iba na yun—lalaban na tayo noon!” pahiwatig ni Phillip.



UNFORGETTABLE. Pero show ang kontrata ni Phillip sa GMA-7. Pero pagkatapos ng Unforgettable—na matatapos na ngayong araw, May 31—ay mayroon na siyang kasunod na project.

“Meron daw, primetime soap,” banggit niya.

Ano naman ang pakiramdam na tapos na ang Unforgettable?

Sabi ng aktor, “Naniniwala ako na maganda ang Unforgettable namin... naniniwala ako na magaling lahat ng nakasama ko dito sa Unforgettable.

“Naniniwala ako na napakagaling ni Gina Alajar bilang direktor, hindi lang bilang artista kundi bilang direktor.

“Kaya kami dito, smooth-sailing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw siyang kahirap-hirap sa mga young stars na nakasama niya sa drama series gaya nina Kylie Padilla, Mark Herras, Benjamin Alves, Pauleen Luna, Polo Ravales, at Rocco Nacino.

Sabi ni Phillip, “Alam mo, baguhan man sila, ang importante kasi nakikinig sila sa direktor. Kung ano sabihin ni Gina, ginagawa nila.

“So kami... ako, basta kaming lahat dito, suportahan, walang nakawan ng eksena.

“Like ako, sasabihin ko sa kanila, ‘This is your scene, I’m just here to support.’”

Pinuri rin ni Phillip ang female lead ng soap na si Kylie Padilla.

Sabi niya, “Si Kylie, malayo mararating niyan!

“You know, if she will be given movies, kaya ni Kylie, kaya niya kasi magaling, magaling ang bata.

“Mahaba ang range ng bata, and makikita mo that she really loves her craft.

“Makikita mo talaga at saka ang maganda sa batang ‘yan, alam niyang may gagawin siyang difficult na eksena, pupunta kay Gina ‘yan, magtatanong na ‘yan.

“Ganoon siya kaya tuwang-tuwa ako, tuwang-tuwa kami ni Gina.”

Pinuri rin niya ang sina Mark at Rocco.

Sabi niya, “Ang laki ng improvement ni Mark.

“Alam mo kasi, I believe in my heart, if you will be handled by a good director...

“Then, kung ano yung nasa loob mo na hindi nailabas kahit kailan... yung talento mo na nandoon sa loob, na hindi mo kayang ilabas ng sarili mo...

"At meron kang direktor na tutulungan ka para mailabas yung talento mo, lalabas yun.

“Magaling si Rocco—malalim... mahusay siya.”



DIRECTORIAL JOB. Kailan naman magdidirek si Phillip?

Ang ilan kasi sa mga direktor ng GMA-7 ay mga artista rin tulad nina Gina Alajar at Ricky Davao, na parehong kaibigan ni Phillip.

“Pag sinabi ng GMA ‘Magdirek ka,’ magdidirek ako.

“If we will be given a chance and we’ll have the right project, then okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mabibigyan siya ng chance, ang cast ng Unforgettable ang gusto niyang mahawakan bilang direktor.

“Si Carmi Martin is such a great actress, ang galing!

“Si Glydel [Mercado], alam mo naman ‘yan, gripo mata niyan! Walang tigil ang agos ng luha sa mata niyan.

“’Yang si Chariz [Solomon], akala ninyo comedy lang ‘yan? Magaling ‘yan,” pagtukoy pa ni Kuya Ipe sa iba pang cast.

Dagdag niya, “Itong Unforgettable, unforgettable sa akin—ang ganda ng role ko, ang ganda ng role ng bawat isa.

“Tsaka nga ang sinasabi ko, since kami ni Gina lumaki kami sa tabi ni Lino [Brocka], mentor naming pareho... makikita mo talaga na walang agawan sa eksena... talagang supporting each other talaga.”



REMAKE. Ang yumaong legendary director na si Lino Brocka ang naging susi sa pagiging isang mahusay na aktor ni Phillip.

Kung ire-remake ang isa sa mga classic movies ni Phillip ano ang gusto niya at sino ang choice niyang maging bida kapalit niya?

“Maganda yung Jaguar,” banggit ni Phillip.

Sa suhestiyon namin na bagay si Rocco na gumanap sa nasabing pelikula, sabi ng aktor, “Oo, you need somebody fresh—si Rocco Nacino, puwede.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN