PEPtalk. Ryza Cenon on why big break became elusive after winning StarStruck Batch 2: "Kasi nagsimula ako na napakamahiyain ko..."

Ryza Cenon grew up with her grandmother, who had very strict rules on curfew. "So, nadala ko siya hanggang ngayon. Kahit hindi na niya ako binabawalan, nasanay na ako na ganun yung ginagawa ko. So, hindi ako mahilig gumimik. Hindi ako mahilig mag-bar, uminom. Wala, hindi ako ganun."

Watch the interview with Ryza Ceno


Nagbabalik ang FHM May 2013 cover girl na si Ryza Cenon sa PEPtalk Bodies Special!

Sa episode na ito, napag-usapan ang showbiz career ng dalaga.

Ang bungad na tanong ng PEP staff writer na si Abby Mendoza: "Kanina ay iniwanan natin ng tanong si Ryza, na after ba niya mag-pose sa FHM ay mayroon ba siyang ine-expect na mangyari sa kanyang career?"

Ryza: “Oo naman. Gusto ko magkaroon ng break din siyempre at ma-maintain yung tuluy-tuloy na trabaho.

"Kasi ako naman, hindi naman ako nagrereklamo kung ano yung ibigay sa akin na role.

“Masaya ako sa trabaho, kasi pagkatapos ng isang show, may bago uling show ako. So, kuntento na ako dun."

Dito na tinanong ng PEP associate editor na si Rommel Llanes ang tungkol sa mabagal ang pag-usad ng kanyang career.

Rommel: "Nabanggit mo yung pagbibigay ng break, kasi maraming nagsasabi na among the Starstruck batches, yung batch niyo, yung Starstruck 2, yung hindi agad naging mainit, maingay. ’Tapos, parang ang bagal daw ng pacing ng pagsikat... Agree ka ba do’n?"

Ryza: "Yes! Oo... oo nga, ‘no? Alam mo, ngayon ko lang na-realize yun!"

Rommel: "Ako rin, e. Bigla na lang…pfft! Na-realize ko lang."

(Nagtawanan sa set dahil sa biruan nina Rommel at Ryza.)

Ryza: “Siguro kasi yung batch namin, mas pinili yung mag-school. Ilan lang naiwan sa amin, ako, si LJ [Reyes], si Mike [Tan] at si Kevin Santos.

“And then kami yung… Like LJ kasi nag-aral din siya. Kumbaga hindi ganung hundred percent kami nag-focus on showbiz. Kaya hindi ganun kaingay."

Nakalimutang banggitin ni Ryza si Megan Young, na sa kasalukuyan ay active pa rin sa showbiz bilang talent ng Star Magic.

Abby: "Ryza, kanina you were talking about disappointments sa career mo, nasabi mo na natural lang ‘yon.

"Siguro isa sa masasabi nating disappointment sa career mo yung nanalo ka sa Starstruck, ikaw yung ultimate winner pero parang naging mahirap yung pag-akyat mo, pagsikat mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi may ibang mga ultimate winners, like Jennylyn Mercado, na mas matunog yung pangalan."

Ryza: “Hindi, para naman sa akin, sabi nga nila, ’Pana-panahon lang ‘yan.’

“Feeling ko yung generation namin ng Batch 2 is hindi ganun ka-lucky na pagkatapos nung competition, boom agad. So, kailangan talaga naming pagtrabahuhan.”

Abby: "Pero ikaw, nag-self-criticize ka ba? Like, tinanong mo ba sa sarili mo na, ‘Ako ba? May kulang pa ba sa akin?’ And nung naisip mo na may kulang pa, did you address it? Did you try to improve on it?"

Ryza: “Oo naman, lahat naman ng nag-start na artista may mga kulang pa. Kumbaga, hindi pa hinog.

“Sa akin, ano, e... Kasi nagsimula ako na napakamahiyain ko. Ang dami ko ring limitations dahil nga sa lola ko, kasi sobrang conservative niya. So, hindi din ako sanay sa ganung klaseng trabaho.

“So, parang naninibago pa ako nung simula. Kaya feeling ko, because of that kaya hindi ganun kabilis yung pag-boom ng career ko.”

Abby: "Ano yung mga pinagbawal niya sa ’yo noon?"

Ryza: “Hindi, kasi ayaw niya yung masyadong sexy...yung mga ganyan.”

Abby: "Sexy na ba agad yun na-offer sa ’yo?"

Ryza: “Hindi. Yung mga damit, yung mga ganun.

“Kasi like before, nung hindi pa ako nag-aartista, mayroon akong curfew. Hanggang five p.m. lang ako.

“Kahit high school ako, fourth year na ako, ganun pa rin ako. Pinaka-late na yung six p.m.”

Rommel: "Kelan naging open si Lola na mas tumatagal na yung curfew o wala nang curfew?"

Ryza: “Hindi, e... Nung Starstruck meron pa rin, e. Bawal nga ako lumabas at late umuwi, e. Or kaya, after work, uwi. Ganun dapat.

“So, nadala ko siya hanggang ngayon. Kahit hindi na niya ako binabawalan, nasanay na ako na ganun yung ginagawa ko.

“So, hindi ako mahilig gumimik. Hindi ako mahilig mag-bar, uminom... Wala, hindi ako ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, feel ko dun, dun lahat nag-start yun. Kasi hindi ako masyadong nakiki-mingle sa mga tao.”

Rommel: "The way you talk, kasi minsan naririnig namin, merong criticisms na, ‘Si Ryza kung magsalita parang bata, parang baby.’

Ryza: "Ngayon kasi, hindi na masyado, e.

“Yun nga, feeling ko late bloomer ako, e. Kaya nag-start ako na nene, sobrang bata... parang ngayon pa lang ako nagdadalaga.”

Abby: “At 25?”

Ryza: "Yes..."

Abby: "Pero paano ’pag dumating sa punto na mas maraming mag-ask sa ’yo ng projects at nag-criticize sila sa katawan mo, would you be willing to undergo enhancements? Do you believe in that?"

Ryza: “No! Kasi kuntento naman ako sa katawan ko. At saka kaya namang dayain ng kutsinta...

(Lumingon kay Rommel) "Alam mo yung kutsinta?"

Rommel: “Yung pula na na masarap na matamis?”

Ryza: “Yung ano, ano nga tawag dun..? Silicone! Yung dinidikit na ganun pag initsa mo sa pader, dumidikit.”

Rommel: "Pero hindi... maganda naman yung katawan mo, sa tingin ko…"

Ryza: “Kailangan ko ba?”

Rommel: "Hindi... Pero hindi. Sa ganda ng katawan mo, ano bang klaseng workout at diet yung ginagawa mo?"

Ryza: “Tamad ako mag-gym. Sa food naman, mahilig ako sa chocolates. Uuuh... Jogging!"

Abby: "Every day?"

Ryza: “Not every day. ’Pag nasa mood lang ako.”

Abby: “Once a month?”

Ryza: “Depende, ’pag nasa mood lang ako, nagdya-jogging ako. ’Tapos kakain ako ulit after ng jogging.”

Watch the interview with Ryza Cenon now on PEPtalk!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN