Richard Gutierrez wants to continue training with Philippine Navy after Love & Lies

Ipinagtanggol ni Richard Gutierrez ang co-star niya sa Love & Lies na si Sid Lucero tungkol sa usap-usapan na hindi raw nito magandang work habits. Sabi ni Richard, “Nakikita ko si Sid as a very professional actor, he takes his job seriously, he’s very passionate about acting.”


Kapansin-pansin ang malaking ibinawas ng timbang ng Kapuso star na si Richard Gutierrez.

“Pero kulang pa ‘yan!” bulalas ni Richard nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng Love & Lies.

Natatawang sabi niya, “Pagod, puyat... excited na nga akong mag-workout ulit, e.

“Pagkatapos ng show, pag may tulog na ako.”

In preparation for his next project ba ang pagpapaganda ni Richard ng katawan?

Sagot niya, “Yeah, at saka para sa akin lang.

"Kasi before the show started, consistent yung training ko.

“And natigil lang siya dahil nagtuluy-tuloy ang taping namin, naghahabol kami ng for airing, so wala akong time mag-train.”

MEMORABLE MOMENTS. Sa June 7 ay magwawakas na ang Love & Lies pagkatapos lamang ng dalawang linggong pagpapalabas nito.

Ano ang mga eksena sa Love & Lies na hindi makakalimutan ni Richard?

“Yung mga eksena sa Navy dahil first time ko ma-experience yun.

“Tapos, matagal ko na ngang pangarap na makita yung Navy natin dito, na makatrabaho sila, so naging magandang experience yun para sa akin.

“Itutuloy ko pa rin yung training with them.

"Sabi naman nila, anytime I’m free, punta lang ako dun, e.

“So, pag nalibre ako, paplanuhin namin iyon.”

Ano naman ang mga natutunan ni Richard sa paggawa ng Love & Lies?

Sabi niya, “Unforgettable sa akin yung Love & Lies, first, dahil nga we were able to work with the Navy, with the military guys.

“And matagal ko nang pangarap na gumawa ng story about them... kahit na bitin ako doon sa military story sa Love & Lies talaga.

“Parang naging ano lang siya, highlight lang siya.

"And, of course, working with my co–actors—sina Bela [Padilla], si Sid [Lucero], si Pao [Paolo Contis], and si Michelle [Madrigal].

“Na ngayon lang kami nagsama-sama at ang huhusay nilang mga artista and enjoy sila kasama sa set, so enjoy yung bonding time namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think, yung fast-paced storytelling, naiba ng konti ng GMA.

"So, all in all, it was good."

Gusto ba ni Richard na ma-extend sana ang show nila?

Sagot niya, “For me, hindi ko masyadong inisip ang extension...

“And siguro, kung may isang bagay lang akong i-improve sana, siguro yung the time that we were given to prepare.

“Because nag-shoot kami ng ilang days lang and then we had to air right away.

“So all throughout the shoots, lagi kaming naghahabol ng oras.

“So it was kinda hard, physically draining siya.

“If we were just able to adjust a little bit of the time, I think it could have been a better... we could have a better product.”



FINALE. Maganda ba ang naging samahan niya at ng kanyang mga leading ladies na sina Bela Padilla at Michelle Madrigal?

“Oo naman!" bulalas ni Richard.

"Kasi, close naman ako sa kanilang dalawa, mas nakilala ko pa sila nang husto noong nakatrabaho ko sila.

“At very serious sila sa trabaho nila as an actor, pero pag off-cam, kulitan lang,.

“Masaya lang kami... so masaya, naging good experience at naging good bonding time for us ang paggawa ng Love & Lies.”

Kanino ba siya mapupunta—kay Michelle bilang si Cathy o kay Bela bilang si Denise?

“Iyon ang isa sa mga dapat nilang abangan, kung kanino mapupunta si Edward.”

Alam na ni Richard ang magiging ending ng show nila sa isang linggo. Satisfied ba siya sa kanilang finale?

Sabi niya, “Oo, maganda naman yung pagkakagawa ng mga writers natin... oo, okay naman yung magiging ending.”

Kung siya ang scriptwriter ng Love & Lies, iyon din ba ang gagawin niyang ending o iibahin niya?

“Magkaiba, e. I mean, puwedeng maging ganoon pa rin kahit ako yung magsusulat, oo.

“Pero may mga iba kasi akong visions, may ibang vision rin yung writer, so...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero they did a good job.

“Kung anuman yung vision na gusto nila, nagawa naman nila nang tama at na-justify naman nila yung story, so okay pa rin... oo.”



LEADING LADIES. Ano ang mami-miss niya kina Bela at Michelle?

“Ang dami! Si Michelle, very good actress, very pretty and very sexy, pero kalog.

“Pero pagdating sa eksena, talagang hundred percent siya.

“Pero off-cam... very light, very masayahin. Iyon, nakakatanggal puyat siya minsan!” natatawang sabi ni Richard.

“Si Bela naman, she’s also in the stage of her life na talagang seryoso rin siya sa acting niya.

“Nakikita ko na talagang pinaghuhusayan niya, hindi niya binabalewala yung trabaho niya.

“And she’s the type naman na medyo mas tahimik, pero once na makilala mo siya, lumalabas din yung kakulitan niya.”

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Bela na hindi niya inakalang magiging close sila ni Richard, na kalog pala ito at hindi seryosong-seryoso.

Sabi naman ng Kapuso actor, “Ganoon ako pag may taping e... I try to be relaxed para relaxed din yung mga co-actors ko.

“And ako, nagri-reach out ako sa kanila and, iyon nga, si Bela noong simula, tahimik... ganyan.

“Pero eventually, nag-loosen up din siya, naging makulit din siya.

“Lumabas yung character niya, so okay—naging okay ang bonding naming lahat.”



CO-STARS. Puring-puri rin ni Richard si Sid.

At ayon kay Sid, sa isang interview, ay malaki ang natutunan niya sa magandang working habit ni Richard.

May mga isyu dati sa hindi raw kagandahang working habit ni Sid, na lagi raw itong late at tulog. Pero ngayon ay maayos na raw ang pagtatrabaho ng award-winning actor.

Hindi kaya naimpluwensiyahan ni Richard si Sid para magbago?

“Siguro naman hindi ako yung dahilan,” paglilinaw ni Richard.

“Nakikita ko si Sid as a very professional actor, he takes his job seriously, he’s very passionate about acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kung anuman yung mga nangyaring kuwento sa kanya in the past, hindi namin naranasan yun dito sa Love & Lies.

“Ang naranasan namin na Sid Lucero dito, yung very professional, very good actor, masayahin sa set, and walang kaproble-problema.

“So, hindi ko alam kung ano yung mga nagbago sa kanya o ano...

“Pero nagpapasalamat lang kami dahil Sid gave his best, his hundred percent and nakipag-cooperate siya sa lahat—sa production, sa aming mga artista.

"And he’s really a great actor, aside from all of those.

“So maganda, maganda yung naging samahan namin ni Sid dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN