Willie Nepomuceno reminds comedians: “Kapag nasa harap ka na ng publiko, may responsibility ka na.”

“Kapag nasa harap ka na ng publiko, may responsibility ka na. Ang mga nanonood sa ‘yo – may bata, matanda, religious – kapag tinira mo iyon, hindi na tama. Responsibilidad iyon,” says Willie Nepomuceno about being a comedian.


Pinaalala ng beteranong impersonator na si Willie Nepomuceno ang responsibilidad ng isang komedyante.

Ang paalalang ito ay nasabi ni Willie sa gitna ng isyu sa pagitan ng komedyanteng si Vice Ganda at ng beteranong broadcast journalist na si Jessica Soho.

Isa sa mga naging subject ni Vice sa isang skit sa nakaraang concert niyang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta ang GMA-7 vice president for News.

(Read: Jessica Soho to Vice Ganda: "Rape is not a joke.”)

Sa panayam ng Umagang Kay Ganda kanina, May 30, pinaalalahanan ni Willie ang mga komedyante na maging responsable sa kanilang mga biro.

Sabi niya, “Yung issue ng pagpapatawa, kung nakaka-offend na, of course, ‘yon ang dapat binabantayan ng kahit sino.

“Kahit komedyante ka or artista ka, basta kaharap mo ang publiko.”

Bukod dito, sinabi rin ni Willie na dapat maging maingat din ang mga komedyante sa pagbabato ng kanilang mga biro dahil hindi lahat ay matatanggap ito.

“Ibig sabihin, kumbaga, mayroong something that you can take.

“Kung sa sarili mo matatanggap mo iyon, hindi lahat ng tao gano’n ang pag-uugali at pag-iisip—mayroong masyadong sensitive.

“Of course, there are basic issues na hindi mo dapat tina-touch.”

Sa huli, muling binigyang-diin ng Pinoy master impersonator na, “Kapag nasa harap ka na ng publiko, may responsibility ka na.

“Ang mga nanonood sa ‘yo—may bata, matanda, religious—kapag tinira mo iyon, hindi na tama. Responsibilidad iyon.”

Si Willie ay tanyag na impersonator ng ilang kilalang personalidad katulad ng mga dating presidente na sina Ferdinand Marcos at Joseph “Erap” Estrada, at pati na si Presidente Benigno “PNoy” Aquino.

Minsan ay lumalabas din siya bilang si dating Comedy King Dolphy.

Sa ngayon ay isa siya sa mga guest judge para sa “Kalookalike” contest ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, kung saan si Vice ang isa sa main host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN