Nikki Gil denies another pregnancy rumor: “Wait na lang tayo ng nine months uli!”

Ilang beses nang nabalitang buntis diumano si Nikki Gil sa boyfriend nitong si Billy Crawford, pero makailang uli na niya itong pinabubulaanan. Sa pagkakataon ito, sabi ni Nikki, “Every day nga akong nagdyi-gym, and I’ve never been more physically active until, heto nga, the past years, talagang sobra akong workout. Ang una kong inisip, ’Hindi pa sapat? Hindi pa ba sapat ito?’"


May lumabas na report na buntis diumano si Nikki Gil sa boyfriend nitong si Billy Crawford.

Pero pinabulaanan ito agad ni Nikki nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi ng singer-TV host, “Pangatlong beses na nga ito, e, kung kailan ako nagdyi-gym every day.

“Hindi ko na alam kung anong pagpapapayat pa ang gagawin ko para matuwa kayo.

“Every day, yoga and gym combo na, so hindi ko na talaga alam.

“At the end of the day, yun talaga, wala naman akong magagawa kung yun ang iniisip nila.

“Pag tinanong nga ako, ‘Buntis ka raw?’ Kung yun ang gusto mo, e, di sige, di kita pipigilan!

“Sanay na naman kami ni Billy… pangatlong beses nang na-issue na buntis ako so ganito na lang.

“Wait na lang tayo ng nine months uli!” sabay tawa niya nang malakas.



SURPRISED. Ano ang inisyal na reaksiyon ni Nikki nang makarating sa kanya ang panibagong balita na buntis diumano siya?

“Ang initial reaction ko is, ’Bakit nila iisipin yun? Mukha ba akong mataba?’ Yun ang una kong inisip.

“Every day nga akong nagdyi-gym, and I’ve never been more physically active until, heto nga, the past years, talagang sobra akong workout.

“Ang una kong inisip, ’Hindi pa sapat? Hindi pa ba sapat ito?’

“But you know, people are gonna think what they wanna think and at the end of the day, hindi naman sila ang pakakasalan ko… so dedma na.”

Kung dumating nga ang panahon na mabuntis siya, hindi ba niya ito itatago sa publiko?

Sabi ni Nikki, “Una sa lahat, hindi maitatago ng puson ko yun.

“Kung mayroon mang laman ang aking sinapupunan, e, sa alam ko ngayon, e...

"Hindi naman siguro matatago ng tiyan ko yun, ano? Yun na lang.

“Just like what I did before, I just take a day at ngitian na lang natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And wala naman tayong magagawa kung yun ang iniisip ng mga tao.”



MISSING. Niregaluhan noon ni Billy si Nikki ng purity ring na nagpapatunay raw na malinis ang intensyon niya para sa girlfriend.

Pangako rin ni Billy na hindi sila lalagpas sa limitasyon nila bilang magkasintahan hangga’t wala silang basbas ng kasal.

Tinanong namin kay Nikki ang tungkol sa singsing na ito na iniregalo sa kanya ni Billy.

Pero sabi niya, “I don’t wanna talk about that.

"It doesn’t even matter... people will believe what they want to believe.

“I don’t owe anyone an explanation, I don’t have to convince anyone kung ano ang estado ng relationship namin.

“Because at the end of the day, hindi naman kayo ang pakakasalan ko.

"To me, it’s a private thing.

“Basta kami ni Billy, okay kami, we’re happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN