Piolo Pascual becomes teary-eyed after successful screening of On The Job in Cannes

Kakaibang saya ang naramdaman ni Piolo Pascual pagkatapos niyang masaksihan ang reception ng mga manonood sa pelikula nilang On The Job sa Cannes. Kuwento niya, “Nakakataba ng puso kasi yung response ng mga tao, to think last day na siya ng festival, puno ang sinehan, hindi umalis ang mga tao. Pagkatapos, nag-standing ovation! Mangiyak-ngiyak ako. Sabi ko nga, hindi ko ini-expect, Kasi ang mga tao, ang tagal pa, after ng credit, nandoon pa rin pa sila at p


Naging maganda ang pagtanggap ng mga kritiko at manonood sa Filipino movie na On The Job (OTJ) nang itanghal ito sa nakaraang Cannes International Film Festival bilang bahagi ng Directors’ Fortnight section.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Rayver Cruz, at Gerald Anderson; mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Personal na nasaksihan ni Piolo ang naging pagtanggap ng mga tao sa kanilang pelikula dahil lumipad siya sa France, kasama sina Gerald at Rayver, para sa special screening ng OTJ.

Kuwento ng Kapamilya matinee idol, “Nakakataba ng puso kasi yung response ng mga tao, to think last day na siya ng festival, puno ang sinehan, hindi umalis ang mga tao.

“Pagkatapos, nag-standing ovation! Mangiyak-ngiyak ako.

“Sabi ko nga, hindi ko ini-expect, Kasi ang mga tao, ang tagal pa, after ng credit, nandoon pa rin pa sila at pumapalakpak.

“Sabi ko nga, ‘Ganito pala ang feeling!’

“Maganda, kasi sa States, mayroon tayong distributor, kahit sa Europe, so I can say this is all success to the producers...

“Because it served its purpose—nabibili siya sa iba’t ibang parte ng region."


(Read: Piolo Pascual and Gerald Anderson-starrer, OTJ, receives standing ovation in Cannes)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Piolo sa ASAP 18 last May 26.



PINOY ENTRIES. Kuwento naman nina Gerald at Rayver ay nag-star hunting daw sila sa Cannes.

Si Sam Milby, na nagtungo rin si Cannes para sa pelikulang Death March, ay nakapagpakuha ng ilang larawan kasama ang ilang international stars.

Bagay na hindi naman nagawa ni Piolo dahil limitado lang daw ang oras na inilagi niya sa festival.

Sabi niya, “Sila lang, I’m only there for two days.

"I got there Thursday, Friday ang screening, Saturday umalis na ako.

"So one whole day lang ako.”

Pero malaking tulong daw na paunti-unti ay nape-penetrate na ng Pilipinas ang ganitong festivals upang maipakita ang husay ng Filipino filmmakers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Piolo, “We wanna be able to come up with a movie which will pave the way for Filipino movies to be screened.

“Consistently, constantly, ginawa ni Direk Brillante [Mendoza]… heto nga si Direk Erik.

“And hopefully, mabigyan din ng tsansa yung mga iba’t ibang direktor kasi makikita nila na ang ganda ng mga gawa natin.

“I hope na hindi lang siya maging eye-opener kung hindi maging way pa rin siya sa mga ibang movies natin…

“Na puwedeng ipadala doon… na dekalidad… na puwedeng ilaban.”

Ibinalita rin ni Piolo sa PEP na ipalalabas ang On The Job locally sa July.

“Ipapalabas siya hopefully by July and then sa Europe and sa States, baka same time.”



THE INCIDENT. Samantala, ikinatutuwa rin ni Piolo ang pagtanggap ng mga manonood sa pinagbibidahan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Apoy Sa Dagat.

Sabi niya, “Nakakapagod, pero pag nakikita mo yung sinasabi ng mga tao na sinusundan nila… maganda ang ratings, maganda ang reaksiyon ng mga tao, nakakawala ng pagod—yun ang pinaka-consolation.

“Pero siyempre, mahirap, ang bibigat ng mga eksena, pero masaya kasi tinanggap ng mga tao.”

Iwas namang magbigay ng komento si Piolo tungkol sa nabalitang insidente sa pagitan diumano ng co-stars niya sa teleserye na sina Angelica Panganiban at Diether Ocampo.

Sabi niya, “Very sensitive ‘yan. I don’t think I’m in the position to comment about that.

“Sana, kung ano man ‘yan, maayos.

“Magkakapatid kami sa Star Magic, wala namang problemang di naaayos.

“I wasn’t there, I can’t comment.”

STAR MAGIC. Itinuturing si Piolo bilang isa sa mga haligi ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, na nagdiwang kamakailan ng 21st anniversary nito.

Masaya raw ang aktor na parte pa rin siya ng itinuturing na niyang pamilya.

Sabi niya, “Nakakadaupang-palad natin ang mga baguhan, nakikita mo how people coming, how they are growing, how they are maturing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m happy just to be part of Star Magic after all these years—family ko na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN