Daniel Padilla leads in two categories in Pepsters’ Choice partial, unofficial results

Nangunguna ang Kapamilya heartthrob sa Breakout Star of the Year at Male Teen Star of the Year sa Pepsters’ Choice as of May 31, 2013. Ang ka-love team naman niyang si Kathryn Bernardo ang nangunguna sa Female Teen Star of the Year.


Nangunguna si Daniel Padilla sa dalawang kategorya ng Pepsters’ Choice ng PEPList 2013 sa partial and unofficial results nito ngayong May 31, Biyernes, para sa first quarter ng nasabing online voting.

Ang dalawang nasabing category na pinangungunahan ng ABS-CBN prized talent ay ang Breakout Star of The Year at Teen Star of The Year para sa male category.

As of this writing, landslide ang nakuhang boto ni Daniel sa Breakout Star of the Year Category.

Nakakuha siya ng 79.30 percent of the votes habang nasa malayo ang percentage ng nasa 2nd place na si Isabelle Daza with 10.28 percent.

Nasa pangatlong puwesto naman si Angeline Quinto with 8.97 percent na sinundan nina BB Gandanghari (0.72 percent) at Vin Abrenica (0.71 percent)

Ang anak nina Karla Estrada at Rommel Padilla ang siya ring leading sa male category ng Teen Star of the Year with 49.61 percent of the votes, at pangalawa naman si Elmo Magalona with 38.88 percent.

Ang mga Kapuso stars na sina Derrick Monasterio (6.23 percent) at Kristoffer Martin (3.16) ang pangatlo at pang-apat, at si Khalil Ramos ang nasa panglimang puwesto with 2.11 percent.

Ang kapareha naman ni Daniel na si Kathryn Bernardo ang nangunguna sa female category ng Teen Star of the Year with 44.23 percent, na sinusundan ni Julie Anne San Jose with 29.16 percent. Nasa 3rd place si Julia Montes with 25.77 percent, 4th place si Louise Delos Reyes with 0.61 percent, at 5th place si Sophie Albert 0.20 percent.

Gahibla naman ang lamang na boto ng nangunguna sa Child Star of the Year na si Xyriel Manabat with 49.56 percent, sa kanyang pinakamahigpit na kalaban na si Ryzza Mae Dizon with 49.41 percent.

Nasa ikatlong puwesto si Mona Louise Rey with 1.02 percent.

Para naman sa lalaki sa Child Star of the Year, nasa 1st place pa rin si Zaijian Jaranilla with 51.35 percent na sinusundan ni Bugoy Cariño with 45.01 percent at JB Agustin with 3.63 percent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa unang puwesto naman ni Gloc 9 laban sa mga mas beteranong singers na nominated sa OPM Artist of the Year.

Ang rapper ay nakakuha ng 32.03 percent na sinusundan naman ni Gary Valenciano with 25.13 percent at nasa 3rd place si Piolo Pascual (23.24 percent), 4th si Ogie Alcasid with 18.87 percent at si Aimee Torres ang panlima with 0.68 percent.

Sa Showbiz Treasure of the Year category, nangunguna si Gina Pareño sa mga babae with 50.99 percent na sinundan nina Gloria Romero (38.82 percent), Anita Linda (4.55 percent), Nova Villa (4.55 percent) at Luz Valdez (1.09 percent).

Para naman sa male category, leading pa rin si Ronaldo Valdez with 42 percent na sinundan nina Joey De Leon (31.82 percent), Eddie Garcia (21.87 percent), Eddie Gutierrez (4.28 percent).

Samantala, ongoing pa rin ang Pepsters’ Choice ng PEPList 2013, at puwede pa ring bumoto sa http://www.pep.ph/pep-list hanggang June 30, 2013 para sa first quarter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN