Judy Ann Santos on "Reyna ng Pinoy Soap Opera" title: "Hindi ko naman po ito hiningi, hindi ko po ito ipinakiusap, kusa po itong ibinigay sa akin."

Ngayong kinikilala na si Judy Ann Santos bilang "Nag-iisang Reyna ng Pinoy Sopa Opera," ano ang masasabi niya na ang ibang mga reyna noon, gaya ni Claudine Barretto, ay hindi na aktibo ngayon. Sagot ni Juday, “Bigyan natin ng chance, bigyan natin ng pagkakataon na makabalik ang mga tao. Kasi may mga moment naman ang bawat isang artista na nagkakataong may mga pinagdadaanan. So, siguro, kung ako rin kung may pagdaanan man ako, na sana Panginoon ko, wala naman sana&a


Makalipas ang dalawang taon na hindi paggawa ng teleserye, handang-handa na si Judy Ann Santos sa kanyang pagbabalik-soap opera.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television— ang Huwag Ka Lang Mawawala, na mapapanood na simula sa Hunyo 17.

Na-miss daw ni Juday ang drama dahil pagkatapos niyang manganak sa anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho ay cooking shows ang ginawa niya—ang Pinoy editions ng Junior MasterChef at MasterChef.

Sabi ni Juday, “Parang hindi naman na yata maiaalis sa akin yung umarte, umiyak… kasi kahit na pagbali-baligtarin pa ang mundo, teleserye talaga yung naging buhay ko for the longest time, doon ako nakilala.

“At saka ito rin yung hinahanap siguro ng sistema ko, yung umarte, magbasa ng script at pag-aralan kung ano yung puwede pang gawing bago.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Judy Ann sa solo presscon niya para sa Huwag Ka Lang Mawawala kagabi, May 30, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Bibigyang-buhay ni Juday sa Huwag Ka Lang Mawawala ang karakter ni Anessa Panaligan, isang palabang babae at ulirang anak na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya.

So far, ito ba ang pinakamahirap na role na nagampanan niya?

Sabi ng aktres, “Actually, ang pinakamahirap yung magsuot ka ng tights ng twenty-six years old ka, e—yung sa Krystala [costume niya bilang superhero].

“Yun ang pinakamahirap na talagang kinakapalan mo na ang mukha mo, e, di ba?

“Pero mahirap ito [Anessa] sa salitang hindi mo alam kasi kung ano yung ie-expect ng mga tao sa iyo sa programang ito.

“Nag-e-expect ba sila ng mas malalim, nag-e-expect ba sila ng ibang klaseng acting, anong klaseng acting… yung mga ganung tanong at saka yung pagsimula na, ‘Kaya ko ba itong itawid?’”

Pagpapatuloy pa ni Juday, para raw siyang nanganganay ulit sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa bawat araw na nagte-taping ako, nagsisimula ako ng dasal kasi talagang hindi ko alam kung paano ko siya itatawid na hindi ako mukhang nanganganay.

“Pero sa totoong salita, noong first taping day namin, sobra akong takot na takot, sobra akong kabadung-kabado, nanganganay ako nang bonggang-bongga.

“Hanggang magkaroon ako ng eksenang breakdown scene na hindi ako makaiyak kasi masyado kang masaya. Yung hindi ka maiyak kasi hindi mo na alam kung saan ka huhugot ng lungkot.

“Yung ganun, yung parang bakit ako nahihirapan, dati naman hindi ako nahihirapan.

“Ibig bang sabihin dati palagi akong malungkot? May ganun.

“Kasi dati, isang pitik lang, literal, nakakaiyak ako, nakakapagpatulo ako ng luha.

“Ngayon, hirap na hirap ako kasi parang hindi ko na kayang i-detach yung sarili ko sa personal at sa propesyunal.

“Parang ngayon pa lang ulit ako nasasanay, ngayon pa lang ulit ako nakakabalik with the help of our directors—Direk Jerry [Sineneng], Direk Malu [Sevilla], and Direk Tots [Sanchez-Mariscal].

“Talagang ang tinding pagbabago ang kailangan kong gawin kasi meron akong kailangang patunayan.”



QUEEN OF PINOY SOAP OPERA. Si Judy Ann ang kinikilala ng ABS-CBN bilang “Nag-iisang Reyna ng Pinoy Soap Opera.”

Natanong tuloy ng PEP sa presscon, bukod sa pressure ng pagbabalik sa teleserye, gaano kabigat ang pagdala sa titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN?

Tugon ni Judy Ann, “Alam mo, sa totoo, parang gusto kong isipin na panaginip lahat ito.

“Though lagi kong sinasabi na sobra akong nagpapasalamat dahil unang-una, hindi naman ito yung tipo ng titulo na puwede mong makuha overnight.

“Sa kabilang banda, nakaka-tense kasi parang sa lahat ng trabahong gagawin mo, nakaabang ang lahat ng tao, which is also good para sa akin dahil alam kong kailangan kong galingan ang bawat trabahong ibibigay ko.

“Pangalawa, bakit pa siya mabigat, kasi alam kong hindi lahat ng tao nag-a-agree sa titulong ibinigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, gusto ko ring klaruhin na hindi ko naman po ito hiningi, hindi ko po ito ipinakiusap, kusa po itong ibinigay sa akin.

“Kaya yung pagpapasalamat ko, abot-abot hanggang langit. Kasi marami namang puwede, e—nagkataon lang ako.”

Bilang pagbibigay-pugay kay Juday sa pagiging reyna niya at pahabol na handog sa kanyang kaarawan noong Mayo 11, isang tribute audio-visual presentation ang ipinalabas sa presscon.

Tampok dito ang mga nakaraang proyekto niya at ang mensahe ng mga taong nakatrabaho niya pati na rin ng kanyang mga mahal sa buhay.

Pagkatapos niyang mapanood ito, ano ang naging realizations niya?

“After kong mapanood lahat ng mga pinagdaanan ko… ang talagang realization, mukha pala talaga akong siopao!” sabay tawa niya nang malakas.

“Mukha pala talaga akong siopao noong araw, so tama naman pala yung mga isinusulat natin.

“So, wala naman pala akong karapatang sumama ang loob. May pinagmumulan naman pala talaga.”

Pero sa kabila ng mga pinagdaanan niyang ito, heto siya at matagumpay ngayon. Itinuturing naman niyang inspirasyon ang mga intrigang ito sa kanya.

Paliwanag pa ni Judy Ann, “Malaking inspirasyon talaga lahat iyang mga intrigang dumaan sa akin.

“Siguro hindi lang talaga ako yung tipo ng taong nagdadamdam.

“Ako kasi yung talagang dumating, e, di okay. Kung yun ang palagay ng mga tao, okay lang din.

“E, di ko rin naman mae-explain-an bawat isa kung ano ang iniisip nila tungkol sa akin.”

Patuloy niya, “Sa lahat ng mga pinagdaanan ko, napakakulay.

“But at the end of the day, na-realize ko na masaya ako kasi lahat ng mga nakasama ko, sinigurado kong gugustuhin pa nila akong makasama ulit.

“Kasi nagtanim ako ng magandang friendship sa bawat isa sa kanila at in-enjoy ko talaga nang bongga yun."



THE KING AND THE PRINCESS. Kapag mayroong reyna ay mayroong hari. Kaya ang tanong kay Juday: Sino ang kanyang hari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka si Sir Gabby [Lopez, ABS-CBN chairman],” biro ni Juday.

Nang muling ulitin ang tanong, iba na ang naging sagot niya—ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

Pero bawing-paliwanag ni Juday, “Wala akong karapatang magsabi kung sino ang king [of soap opera] kasi ibinigay lang naman sa akin itong titulong ito.

“Parang ang may karapatang sumagot niyan ay ang management, kasi sila ang nagdedesisyon.

“Kung sino man ang mapusuan nila, siguro iyon talaga iyong naiisip nila na marami ring nagawang teleserye at karapat-dapat.”

Sino naman sa tingin niya ang mga prinsesa na posibleng pumalit sa kanya bilang Reyna ng Pinoy Soap Opera?

“Sandali, text ko si Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president]!” biro ulit ni Juday.

“Hindi ko alam. Ang hirap magbanggit [ng pangalan].

“Sa totoo lang, pag nagbanggit ako… halimbawa pag sinabi kong si Maja [Salvador], e, di nagalit sa akin ang fans ni Kim [Chiu].

“Pag sinabi kong si Kim, e, di nagalit sa akin yung [fans ni Maja]… di ba, alam n’yo naman iyan.

“Wala akong karapatang magsalita. Ayoko ng kaaway.

“Mahirap na. Hayaan natin silang magsabi.”



THE OTHER QUEEN. Bago pa ipinagkaloob kay Juday ang titulo bilang “Reyna ng Pinoy Soap Opera,” alam naman ng lahat na mahigpit niyang katunggali noon para rito ang isa pang reyna ng drama—si Claudine Barretto.

Pero sabi nga, tila nawalan na raw ng kinang si Claudine nang umalis siya sa bakuran ng ABS-CBN.

Bagamat hindi naman nabanggit ang pangalan ni Claudine sa presscon, natanong si Juday kung ano ang pakiramdam na nag-iisang reyna na lang siya ngayon at nawala na ang ibang reyna?

Sagot niya, “Alam mo, nandiyan pa rin naman siya.

“Bigyan natin ng chance, bigyan natin ng pagkakataon na makabalik ang mga tao.

“Kasi may mga moment naman ang bawat isang artista na nagkakataong may mga pinagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro, kung ako rin kung may pagdaanan man ako, na sana Panginoon ko, wala naman sana… sana mabigyan din ako ng chance na makabalik sa tamang panahon at magawan ng paraan ang mga bagay-bagay.

“Naniniwala ako na ang isang artista, kapag nagbigay ng magandang trabaho, hindi naman sila nakakalimutan ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN