Judy Ann Santos on talk about Ryan Agoncillo’s "infidelity": “Walang record si Ryan na naging ganyan sa kahit na sinong naging girlfriend niya.”

Walang planong i-“broadcast” ni Judy Ann Santos ang tungkol sa alitan o problema nila ni Ryan Agoncillo. Aniya, “Hindi naman sa ipinagdadamot, pero kasi, naniniwala ako na ang mga bagay na nangyayari sa iyo sa personal at hindi sa harap ng kamera, dapat inaayos mo siya hindi rin sa harap ng kamera.”


Hindi pa rin matapus-tapos ang balitang nag-file diumano si Judy Ann Santos upang mapawalang-bisa ang kasal nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

Sa solo presscon ni Judy Ann para sa upcoming primetime series niya sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala kagabi, May 30, muling itinanggi ang lumalabas na balita.

Saad ng Kapamilya actress, “Feeling ko sa isang relasyon, pag hindi talaga kayo nagkakasundo nang mas madalas, yung mas madalas kayong nag-aaway kaysa mas madalas hindi, dapat medyo kabahan ka na.

"Kasi baka talagang hindi kayo para sa isa’t isa—yung mas madalas kang buwisit kaysa masaya.

“Dapat ang pagpapakasal o pagpasok sa isang relasyon ng pagpapamilya, dapat mas masaya kayo kaysa mas galit o mas malungkot.

“Doon pa lang, dapat makalkula mo na kung talaga bang para kayo sa isa’t isa.”



INFIDELITY. Gaano ba kahalaga ang loyalty at fidelity sa isang pagsasama.

Sagot ni Judy Ann, “Siyempre importante yun.

"May mga pagkakataon din na kahit gaano kababaero ang isang lalaki, napapatawad at napatawad ng asawa…

“Kasi, asawa niya yun, mayroon kayong sinumpaang pangako sa simbahan—‘for sickness and health, for richer or poorer.’

"Mayroon kayong sumpa sa isa’t isa."

Pero dagdag din niya, “Depende… mahirap magsalita.

"Siyempre pag nangyari yun, yung trust mo, medyo mababahiran na rin ng something yun.

“Parang kung nagawa mo ’yon, magagawa mo uli—ano ang assurance na maibibigay mo na hindi mo na siya magagawa uli?"

Alam ng aktres na ang patutunguhan ng tanong ay tungkol sa pagsasama nila ni Ryan at ang isyung may ibang babae diumano ang TV host-actor.

Sabi niya, “Pero alam ko naman na didiretso tayo sa usapan na, ’Paano kung si Ryan ang gumawa niyan?’

Sagot niya sa sariling tanong: "Malabo yatang mangyari.

“Walang record si Ryan na naging ganyan sa kahit na sinong naging girlfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka very honest kasi si Ry, so bago pa man mahuli na may babae na siya, baka umamin na siya or ako mismo.

“Hindi siya yung tipo na magtatago.”



EXTRA EFFORT. Ayon kay Judy Ann, sa parte niya bilang isang babae at bilang isang asawa, gagawin niya ang lahat para maging matagumpay ang pagsasama nila ni Ryan.

“Hanggang dulo, titiisin mo ‘yan, hanggang kaya.

“Hindi ako makapag-enumerate ng sitwasyon because ayokong mag-imagine ng mga issues na puwede naming pagdaanan ni Ry.

“We take it one day at a time and, at the same time, kung may issue mang uusbong, doon pa lang namin siya reresolbahan.

“But other than that, wala akong nakikitang dahilan na puwede maging dahilan para maghiwalay."



PUBLIC ANNOUNCEMENT. Bilang isang public figure, sinusubaybayan ng publiko ang mga kaganapan sa buhay ng isang artista—positibo man o negatibo.

Kung darating sa puntong magkakaproblema nga sila ni Ryan, aamin ba si Judai sa publiko gaya ng ginagawa ng ibang artista?

Tugon niya, “Alam naman ng mga tao na pagdating sa personal na buhay, medyo secretive kami.

“Hindi naman sa ipinagdadamot, pero kasi naniniwala ako na ang mga bagay na nangyayari sa iyo sa personal at hindi sa harap ng kamera, dapat inaayos mo siya hindi rin sa harap ng kamera.

“May mga bagay na puwede ninyong pag-usapan na nakaharap kayo sa kamera, pero mas maraming bagay ang maaayos kung hindi ninyo muna isasama.

“Siyempre, once na nilabas mo ‘yan, kanya-kanyang opinyon na ‘yan…

“May mga taong masasaktan—hindi mo naman hawak ang opinyon ng bawat manonood.

“But I still respect yung mga tao na nagsasalita in front of the camera.

“Ibig sabihin, they are really brave enough to tell everyone what’s really happening—hindi lang ako ganoon katapang.”



EMPOWERMENT. Ang tema ng Huwag Ka Lang Mawawala ay women empowerment, kung saan lumaban ang karakter ni Juday sa mga pang-aabusong pisikal, emosyunal, at mental.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ang hirap kasing magsalita na ano… sinasabi natin, di ba, madaling magsalita para sa isang tao na wala sa sitwasyon na yun…

“Pero pag once na nasa sitwasyon ka na iyon, hindi mo rin alam kasi maraming bagay na kailangan kang i-consider.

“Especially pag may pamilya ka at lalo na at mahal na mahal mo ang asawa mo.

“Iku-consider mo na, ’Hindi, dadaan lang ito, tapos na ito. Hopefully, di na maulit.’

“Kung sakali mang mangyari siya uli o ano pa man, siguro pagkakataon na ipaglaban mo ang iyong sarili. Idaan muna sa maayos na usapan.

"Pero kung hindi talaga, siguro magpalamig, hiwalay muna tayo.

“Yun na siguro—hiwalay, tapos pag-uusapan… i-assure mo lang ako."

Pero sabi rin ni Juday, “Wala akong karapatang mag-ano kasi hindi ko alam ‘yan.

“Baka nga sa iba, hindi pa sa pangalawang beses, dapat una pa lang tapos na.

“It’s always easy to say yung ganyang mga words kasi wala tayo sa posisiyon na ‘yan.

“Basta lang di maapektuhan ang mga bata at magawan ng paraan, pero kung masyado nang matindi naman talaga... yung pambubogbog.

“Pag ganoon namang mga bagay, hindi na.”



LONG ABSENCE. Dahil matagal namahinga sa paggawa ng teleserye si Juday, hindi itinago ng aktres na nahirapan siya sa mga first taping days ng Huwag Ka Lang Mawawala.

Sabi niya, “Nanganganay ka, at the same time, napi-pressure ka.

“Alam mo yung patung-patong na, ‘Paano ko ba matatawid ang lahat ng ito?’

“After ilang weeks of taping, nandoon yung confidence mo uli, may assurance ka naman na maayos ang trabaho mo.

“Every after take magtatanong ka, “Direk, okay po ba? May gusto ba kayong atake? Naitawid ba?’

“Yung ganoon, gusto mo lang noong mga unang taping days may assurance na tama ang ginagawa ko.”

Kahit isa na siyang ina, walang hininging cut-off si Juday sa mga taping days ng Huwag Ka Lang Mawawala na minsa’y inaabot ng isang buong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman, nothing special. Monday, Wednesday, and Friday then cut-off ng midnight.

“Tuesday, Thursday, and Saturday, yun na ang para sa family ko.

“Kung may iba pang work after lunch, and then tapos na ako before dinner time para makahabol pa ako sa mga bagets—very flexible naman ang schedule.”

LEGALLY ADOPTED. Masaya ring ibinalita ni Juday na naaprubahan na ng husgado para maging isang legal na Agoncillo ang adopted nilang anak na si Yohan.

“It’s just a blessing, kasi last Wednesday last week, nakakuha na kami ng final decision from the judge and, finally, Yohan now is an Agoncillo.

“Noong Sunday, nagpa-small blessing kami sa bahay to welcome her and to bless her as an Agoncillo—haping-happy naman kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN