Sandy Andolong says husband Christopher de Leon is done with politics after losing last elections

“I don’t think so,” Sandy Andolong briefly replied when asked if her husband Christopher de Leon still wants to pursue his political ambition after recent election loss.


Bagamat bigo sa nakaraang eleksyon, agad naman daw naka-move on ang aktor na si Christopher de Leon, ayon sa asawa niyang si Sandy Andolong.

“Okay naman siya, very busy right away,” pahayag ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng bagong teleserye ng GMA-7, ang Anna KareNina, noong Martes, May 28.

Nabigo ang award-winning actor sa kanyang pagnanasang mahalal bilang representative ng second district ng Batangas.

Bago siya tumakbo bilang kongresista, naglingkod muna bilang board member si Christopher sa parehong distrito.

(Read: Starry 2013 elections: Who won, who lost?)

Sa ngayon, ayon kay Sandy, abala muli ang kanyang asawa sa pag-arte; isa na rito ang teleseryeng Misibis Bay ng TV5.

“Nobody’s really sad about [the loss],” sabi pa ni Sandy.

“Ang akin is, ang point of view namin ng mga anak ko, nanalo ka kasi you played the game fairly, e.

“Hindi ka nakipagsabayan sa hindi dapat. Hindi ka kinain ng sistema.”

Agad naman daw natanggap ni Boyet (palayaw ni Christopher) ang naging resulta ng nakaraang eleksyon.

Ani Sandy, “Parang ano siya, nakahinga, relieved, kasi marami siyang nakitang hindi maganda. At saka yung realization na it’s totally different.”



NO MORE POLITICS FOR CHRISTOPHER. Itutuloy pa rin ba ni Christopher ang ambisyong pulitikal sa kabila ng pagkatalo?

“I don’t think so,” umiiling na sagot ni Sandy.

“The last time we talked about it, noong nasa Misibis Bay kami, I asked him.

“Sabi ko sa kanya, ‘Are you going to run again? Kasi, I will tell you honestly,’ sabi kong ganun, ‘you’re too trusting and too honest to be in politics. And hindi ka game player, e.’

“Admittedly, okay naman sa kanya. Sabi niya, ‘Okay na ako.’”

Katulad ng kanyang asawa, masaya rin daw si Sandy kung hindi na ipagpapatuloy ni Boyet ang muling pagtakbo sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m more than okay because now he has more time for me and my children,” aniya.

Gayunman, siniguro ni Sandy na tuloy pa rin ang pagtulong nilang mag-asawa sa mga taga-Batangas kahit natalo si Boyet.

“Tuloy pa rin ang pagtulong. We will do that,” paniniguro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN