Mike Tan denies being neglected by GMA-7

Naghintay si Mike Tan ng pitong buwan bago siya nagkaroon uli ng isang teleserye, pero nilinaw niyang hindi naman niya naramdaman na pinababayaan siya ng Kapuso network.


Pagkatapos ng pitong buwan na walang teleserye ay muling mapapanood si Mike Tan sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na Mga Basang Sisiw.

Ang huling teleseryeng ginawa ni Mike ay ang Faithfully noong 2012. Bago ito ay napanood siya sa primetime series na Legacy.

Sa ginanap na press conference ng Mga Basang Sisiw noong Huwebes, May 30, sa GMA Network Center, tinanong ng isang entertainment editor si Mike kung may katotohanan ang isyung naramdaman daw niya na pinabayaan siya ng Kapuso network dahil hindi siya agad nabigyan ng kasunod na teleserye.

Tugon niya, “Hindi ko naman po nararamdaman na pinababayaan ako ng GMA-7.

“Actually, oo, nabakante ako, pero may mga ginagawa po ako [gaya ng] Magpakailanman, Alisto, Landas, at marami pa pong iba.

“Marami naman po, so di naman totoo na napapabayaan ako ng GMA-7."

Wala rin daw problema kay Mike kung hindi man siya lead sa kanyang pinakabagong teleserye project.


SUPPORTING ROLE. Pagkatapos ng presscon proper ay nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike upang usisain tungkol sa supporting role niya sa Mga Basang Sisiw.

Bukod kasi sa Faithfully at Legacy, naging leading man na rin si Mike ni Carla Abellana sa Kung Aagawin Mo Ang Langit noong 2011.

“Actually, kahit naman dati sinasabi ko pa [na] walang issue sa akin kung gawin akong support, kung gawin akong lead actor, basta napapakita ko yung versatility ko as an actor.

"Okay sa akin ’yon, never naman akong namili ng role,” paliwanag ng Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 2.

Aminado man si Mike na nalungkot siya dahil natagalan bago siya nagkaroon ng teleserye, hindi raw ito nangangahulugan na pinababayaan siya ng kanyang home network.

“May mga times lang na nalulungkot ako.

"Siyempre sino’ng [hindi] malulungkot kapag wala kang ginagawang regular show. Siyempre nakakalungkot.

"Pero never naman akong pinabayaan ng GMA, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Etong magkasunod na dalawang taon, lagi naman akong may trabaho. Last year, nakatatlong soap ako sa isang taon, so walang problema.

“Ngayon, medyo natagalan lang, pero in between, katulad ng nasabi ko kanina, marami rin akong ginawa.”

On a personal note, inamin ni Mike na meron siyang karelasyon ngayong subalit hindi siya masyadong nagsasalita tungkol dito.

“I’m in a relationship. Ayoko sanang pag-usapan, pero pag tinatanong, di ko rin naman mapigilan na di sumagot,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN