Barbie Forteza encourages passing a law on gay marriage

Barbie Forteza is aware of the struggles homosexuals still face today, "At tsaka kasi parang ngayon, parang sa ibang mga magulang, medyo embarrassment sa kanila kung malalaman nila na meron nga silang ganung son, or daughter. Para sa ’kin, hindi. Kasi kahit ano pa yan, kahit ano yung pinili nilang maging, anak pa rin nila yan."


Itinanggi ni Barbie Forteza na gusto niyang mag-change image kay niya pinaiklian ang buhok.

Ayon kay Barbie, “Actually, choice ko lang talaga kasi…change look. Pero sa image, wala, wala pa kong gustong baguhin dun.

“Gusto ko lang talagang maiba. Kasi ever since I entered showbiz talagang long hair na ’ko.

“So, parang I thought of cutting it kasi nga very common na rin siya sa mga female celebrities dito.”

Ito ang pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) kahapon, May 30, sa launch ang Make Your Move campaign ng Modess sa Mind Museum, Taguig.

Isa si Barbie sa mga ambassadors ng nasabing brand, kasama sina Bea Binene, Louise Delos Reyes, at Julie Anne San Jose.

PUBERTY. Kinse anyos na si Barbie at masasabing kasalukuyang nasa puberty age. Anong mga pagbabago ba ang nararanasan niya ngayon sa sarili?

Sagot niya, “Physically ba? Physically, wala. Siguro yung paraan ng pag-iisip siguro.

“Especially ngayon na bukod sa medyo nagdadalaga, nandun na ’ko sa stage ng pagdadalaga, e... ano e, ang lakas maka-impluwensiya sa ’kin nung showbiz.

“So, medyo hindi na rin ako…hindi na ’ko teenager mag-isip, in a way.

“Pero, aminado naman ako na, somehow, bata pa rin ako na kapag may time, ewan ko, pwede siguro nating sabihing naglalaro pa rin ako.

“Pero siguro iba na yung tingin ko, sa lahat, sa paligid, sa mga tao.”

Bilang isang babae ay nakakaranas rin si Barbie ng mga mood swings dahil sa kanyang “monthly visitor.”

Paano niya ito hina-handle lalo na sa gitna ng trabaho?

Aniya, “Actually, kasi expected ko nga, alam naman nating mga girls kung kelan tayo magkakaroon, di ba?

“So kapag yun na yung time of the month, ini-expect ko na na magkakaroon ako ng mga ganyan, mga mood swings.

“E, hindi yan pwede sa sitwasyon ko! Since kailangan lagi akong masaya, di ba? So, ewan ko, I get to handle it naman, somehow.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOUT-OUT TO SENATORS. Ang Make Your Move campaign ay naglalayong bigyan ng boses ang mga kabataang Filipina sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

Isang aklat ang kanilang binuo na naglalaman ng mga mensahe ng mga concerned youth para sa mga Philippine senators.

Masaya raw si Barbie na maging bahagi ng kampanya, “Napaka-smart, napaka-wise move nung ginawa nilang campaign.

“Obviously, yung mga kabataang marami nga silang gustong sabihin sa mga newly-elected senators.

“Kaya talagang napaka-smart ng ginawa ng Modess na talagang inisip nila yung kapakanan ng mga kabataan na hindi pa puwedeng bumoto na meron naman gustong sabihin sa kanila,” saad niya.

Itinanong namin kayBarbie kung ano ang shout-out niya sa mga senador ng bansa.

Wika niya, “Sana gawin nila kung ano yung sinasabi nila dun sa campaign, especially dun sa mga talagang nangangailangan.

“Sa mga pamilya, sa mga babae, mga estudyante na nangangailangan ng tulong. Sana tulungan nila talaga, hindi yung pang-campaign lang.”

Kung meron isang batas na nais niyang ipasa ang mga senador na sa tingin niya ang makakatulong sa bansa, ano ito at bakit?

“Para sa ’kin…this may sound random and medyo edgy pero siguro yung gay marriage.

“Kasi, malaking part ng showbiz, malaking part ng production ang mga beki, since mga make-up artists…Actually, sa production, halu-halo talaga kami kaya masaya.

“E, super sasaya kasama ng mga beki, ang saya nila kausap. Minsan, mas may sense pa silang kausap.

“So, kahit hindi particularly gay marriage basta bigyan lang nila ng pansin yung mga ganun, yung mga transgender, ganyan.”

Aware din si Barbie sa diskriminasyong nararanasan hanggang ngayong ng ilang homosexual.

Patuloy niya, “At saka kasi parang ngayon, parang sa ibang mga magulang, medyo embarrassment sa kanila kung malalaman nila na meron nga silang ganung son, or daughter.

“Para sa ’kin, hindi. Kasi kahit ano pa yan, kahit ano yung pinili nilang maging, anak pa rin nila yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hindi naman mababawasan yung wit nila sa kung ano na lang gusto nilang gawin.

“So yun, feeling ko hindi nabibigyan ng tamang pansin, yung mga katulad ng handler ko,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN