Julian Trono on pursuing loveteam partner Krystal Reyes: “Huwag na lang muna nating pangunahan ang mga pangyayari.”

Malungkot na inalala ni Julian Trono ang huling performance niya sa Party Pilipinas. Lahad niya: “Yung mismong last dance, lahat kami naiyak kasi talagang pinaghandaan ng mga choreographers namin.”


Hindi na child actor ang Tropang Potchi mainstay na si Julian Trono sa GMA-7 remake ng Anna KareNina.

Sa Anna KareNina ang pinakaunang teen role ng young male star bilang si Brix.

Ang magiging kapareha ni Julian ay si Krystal Reyes na gaganap naman bilang Anna.

At fifteen, malaking challenge kay Julian na gagampanan niya ang dating papel ni Dingdong Dantes sa Anna Karenina noong 1996.

“Of course, challenge po! Medyo pressured din, kasi nga matagal po yung running time noong original na Anna Karenina.

“And after noong show na yun, talagang yun na, nag-boom yung mga careers nila.

“So iyon, pressured na excited pa rin siyempre,” pahayag ni Julian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Anna KareNina nitong nakaraang Martes, May 28 sa Imperial Palace Suites.

THEATER. Ano ang mga naging preparasyon ni Julian sa una niyang teen role?

Sabi niya, “Nag-PETA po ako, iyon ang naging preparation ko, nag-theater po ako.

“Siguro na-curious lang din po ako noong time na yun na parang ano ang meron sa theatre.

“Tapos iyon, tinray [try] kong i-apply kung paano, kasi more on ang na-focus ko doon—pinag-aralan namin doon is yung pagwu-workout ng character.

“So iyon, medyo malaking tulong po siya sa akin.”

SAD ABOUT PARTY P ENDING. Isa si Julian sa mainstays ng Party Pilipinas bilang isang mahusay na dancer.

Tulad ng mga nakasama niya, ikinalungkot din niya ang pagkawala sa ere ng Sunday musical variety show.

Hayag niya, “Of course, parang second family ko na rin yung mga tao doon, so medyo masakit din.

“Kumbaga, yung nakasanayan kong Sunday mornings, nawala, so nakakalungkot.

“Yung mismong last dance, lahat kami naiyak kasi talagang pinaghandaan ng mga choreographers namin.

“And talagang pang-last dance na iyon and nagulat din kami na nag-iyakan kaming lahat sa stage.”

At tulad din ng mga naging kasama niya sa show, hindi pa alam ni Julian kung kasama siya sa show na ipapalit sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana, sana po,” ang nasabi na lang niya.

FIRST TIME. Unang beses na makatrabaho ni Julian si Krystal sa Anna Karenina.

“First time po,” sabi niya.

Kumpara sa dalawa pang male lead stars sa show na sina Derrick Monasterio at Hiro Peralta, si Julian ang pinaka-neophyte bilang teen male lead.

Hindi ba siya natatakot o naiilang?

Pagsisiguro niya, “Hindi naman. Siguro mas tsina-challenge ko yung sarili ko na parang, nilagay ako sa posisyon na ito.

“Kumbaga, binigyan ako ng tiwala ng GMA to play this kind of role so talagang kailangan kong gawin yung best ko para mabigyan ng justice yung role.

“Lalo na, iyon nga, kay Mr. Dingdong Dantes po [dati] yung role, so medyo pressured talaga ako.”

Hindi rin niya napanood ang orihinal na Anna Karenina series.

“Hindi po, e, wala po sa YouTube, e, hindi ko po mahanap sa YouTube, e.”

At dahil magka-loveteam nga sila ni Krystal, hindi malayo ang posibilidad na magkaroon ng ligawan.

“Hindi ko po alam,” natatawang sagot ni Julian.

Wala pa siyang girlfriend kaya so may chance ba?

“Siguro po, huwag na lang muna nating pangunahan ang mga pangyayari.

“Let’s see, baka po,” tumawa si Julian sa bawi niya.

“The funny thing pa is pareho kaming galing sa mga children’s shows...

“Ako po galing sa Tropang Potchi, and siya naman sa Art Angel...

“Which is yung Potchi is still running on air... nandoon pa rin po ako, tuloy pa rin po,” kuwento pa ni Julian.

“Kasi iyon, lumaki na po ako doon, parang for Direk Louie [Ignacio] and the staff.

“Parang hanggang sa gusto nila ako doon, go pa lang din ako.”

MANAGERS. Dating mina-manage si Julian ni Joy Cancio, ang manager din ng SexBomb group.

“Two years ago na po akong wala sa kanya. Kay direk Albert Langitan na po ako, tapos sa GMA Artist Center.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Albert ay dating direktor sa ABS-CBN na ngayon ay nasa GMA-7 na, ayon pa kay Julian.

Wala raw silang samaan ng loob sa paghihiwalay nila ni Joy bilang manager at talent.

“Wala po. Nagpaalam po ako.

“Kasi, yung time po na lumipat siya ng ABS, tapos, medyo wala na siya talagang time, because sa SexBomb...

“Medyo iyon yung struggle time niya, so sabi ko, ‘Sige Miss Joy…’

“Pero okay pa rin po kami nakakapag-usap pa rin kami,” sabi pa ni Julian.

CAST. Mga bida rin sa Anna KareNina sina Barbie Forteza bilang si Karen, si Derrick bilang si Aldrin, Joyce Ching bilang Nina, si Hiro bilang Brian, Sandy Andolong bilang Doña Carmela, Juan Rodrigo bilang Don Xernan, Yul Servo bilang Kadyo, Neil Sese bilang Abel, Valerie Concepcion bilang Ruth, Alan Paule bilang Lucas, Ana Roces bilang Daisy, Maybelyn dela Cruz bilang Nayda, Maureen Larrazabal bilang Suzie, Alicia Mayer bilang Brigette, Kathleen Hermosa bilang Becky, Joanna Marie Tan bilang Carla at si Yasmien Kurdi bilang si Maggie.

Ito ay sa direksyon ni Miss Gina Alajar.

Pilot airing ng Anna KareNina ngayong Lunes, June 3 sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN