Arci Muñoz surprised by Willie Revillame’s decision to end Wowowillie

Bagamat nasorpresa, nauunawaan daw ni Arci Muñoz ang desisyon ni Willie Revillame na tapusin na ang kanilang noontime show na Wowowillie. Saad ni Arci, "That’s the number one concern naman talaga, yun lang naman ang importante—si Kuya. Di ba, kaya nga Wowowillie yung title ng show, kasi siya talaga yun—siya yun, e. Sa kanya talaga umiikot yung buong show. Kung wala siya, wala din talaga kami. So, mas importante yun [he


Hanggang October 12, 2013 na lang ang Wowowillie ng TV5 dahil gusto raw munang magpahinga ng host nitong si Willie Revillame.

Ayon naman sa isa sa co-hosts ni Willie na si Arci Muñoz, lahat daw sila ay nasorpresa sa desisyong ito ng TV host.

Sabi ni Arci sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre lahat kami nasorpresa.

"Kasi lahat naman kami, hindi naman kami na-brief about that.

"Kumbaga, lahat kami nabigla dun sa desisyon ni Kuya.

“Nalungkot kami siyempre, kasi nga, sabi ko nga, araw-araw ’yan, e. Kumbaga, naging ritual ko ’yan.

"Araw-araw akong gumigising nang maaga then punta ng show, tapos ayun, mami-miss namin yung show, yung bonding namin siyempre.

“Pero higit sa amin na naapektuhan, mas naapektuhan siyempre yung viewers kasi maraming natutulungan yung show, di ba?

"So, yun yung mas concern namin.

"Pero labas na sa desisyon namin ’yan, napagdesisyunan na ni Kuya ’yan tsaka nung management.

"Basta andito lang kami to support Kuya.”

Nakausap ng PEP si Arci sa lobby ng bagong TV5 Broadcast Complex sa Reliance, Mandaluyong, last Tuesday, May 28.

WILLIE’S HEALTH. Dagdag pa ng young actress-TV host, hindi pa sila nagkakausap ni Willie tungkol dito.

“Hindi pa, e. Basta lagi niya sinasabi na, ’Ako bahala sa inyo.’ Ganun lagi sinasabi ni Kuya.

"And we trust and believe him pag sinabi naman niya na ganun, na hindi niya kami pababayaan—hindi niya kami pababayaan.”

Suportado naman daw nila ang desisyong ito ni Willie, lalo pa at may karamdaman ito sa puso. At yun daw ang priority—ang kalusugan ni Willie.

Pahayag pa ni Arci, “Oo, that’s the number one concern naman talaga, yun lang naman ang importante—si Kuya.

"Di ba, kaya nga Wowowillie yung title ng show, kasi siya talaga yun—siya yun, e.

"Sa kanya talaga umiikot yung buong show. Kung wala siya, wala din talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, mas importante yun [health ni Willie].

"Sabi nga niya, gusto niyang mag-isip isip at gusto niyang magpahinga.

"Nirerespeto namin yun... we respect naman his decision.”

ARCI’S MANAGER. Samantala, hindi pa rin daw nakausap ni Arci ang manager niyang si Annabelle Rama matapos nitong matalo bilang kongresista sa Cebu.

Sabi ni Arci, “Actually, hindi pa kami ulit nagkikita right after the election, so di ko pa rin alam kung ano ang mga sloobin ni Tita, ganyan.

"Pero ayon naman sa mga nakakasama niya, okay naman daw si Tita, wala naman daw siyang problema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN