Maja Salvador on refusing to disclose more details about relationship with Gerald Anderson: “Hindi naman kasi kami love team o kung ano para pakiligin yung mga tao.”

Maja on the bigger picture about love and happines: “Alam mo, hindi lang pag-ibig ang happiness dapat. Ako, ini-enjoy ko yung buhay ko, masaya ako, at yun lang yung importante ngayon para sa akin. Kasi pag ikaw sinimulan mo yung araw mo o sinabi mo sa sarili mo na ’Magiging masaya ako, positive lang ang mangyayari sa akin buong araw... buong taon,’ yun yung mangyayari. Kahit anong bagyo man yung dumating, ikaw pa rin yun, e. Ikaw kasi yung magha-handle ng lahat


Iwas na iwas si Maja Salvador na pag-usapan ang tungkol sa anumang namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson bago pa ang kanyang pag-amin noong Thursday, May 30, sa Bandila ng ABS-CBN, kung saan inamin niyang sila na nga ng Kapamilya actor.

Sa nauna naming exclusive interview sa aktres noong Tuesday, May 28, sa set ng pelikulang Tatay sa Mindanao Avenue, Quezon City, pumayag si Maja na makapanayam namin sa kundisyong ang mga tanong ay, “Tungkol sa movie, di ba?”

Sagot ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, “Baka puwedeng lahat na.”

Tugon nitong nakangiti, “Di daw [puwede], e.”

Medyo parang "go signal" na yung ngiti na yun ng Ina, Kapatid, Anak star kaya sinimulan na muna namin ang tanong tungkol sa role niya sa pelikulang Tatay.

Saad niya, “Siyempre, nakakatuwa na makakasama ko si Senator Jinggoy [Estrada] sa isang pelikula. Di ba, antagal na niyang huminto na gumawa ng pelikula...

“Kasi parang production nila ’to ni Mr. Rudy Fernandez [Maverick Films].

“After nun, di ba parang sinarado [ang Maverick] at ngayon binuksan ulit, so yun. Siyempre, kahit papa’no nakakatuwa na mapasali sa pelikula niya. First shooting day namin ngayon.”

“Ako dito si Monette. Dito, isa akong bungangera, isa ako sa mga tutulong sa mga problema ni Tatay, ni Senator Jinggoy.”

Dagdag pa niya, “Si Monnette dito ay isang fixer, actually nagtanong ako sa kanila [mga kaibigan ko], sabi nila raketera.

“Actually, hindi lang naman fixer, yun... nagbebenta din naman ako ng mga pabango galing Singapore, mga bags... lahat ng raket na puwede kong pasukin... yun.”

Ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang role?

Tugon ni Maja, “Actually, pag mapanuod niyo na yung pelikula, mabibilib kayo sa pagiging sobrang positive nung character ko.

“Kasi kahit gaano kahirap ang buhay, mas pinipili niya talaga yung… mas pagaanin na lang niya yung buhay niya kasi kung mas iintindihin pa niya yung problema niya, mas lalong lalala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya malaki yung maitutulong nung karakter ko dun sa karakter ni Senator Jinggoy.”

ON GERALD ANDERSON. Nagpahayag na si Gerald Anderson na mahal niya si Maja sa panayam nito kamakailan sa Star Studio Magazine.

Ano ang masasabi niya na open na ang aktor sa relasyon nila?

Paiwas ngunit pabiro munang sagot ni Maja, “Ni Senator Jinggoy? Na ako yung kasama niya sa pelikula? Siyempre naman, masaya ako na hindi ako dinenay ni Senator Jinggoy.”

Dagdag na hiling namin, “Seriously...”

Medyo napaisip muna si Maja ng ilang segundo bago sumagot ng, “Sa totoo lang po, hindi ko alam kong paano sasagutin yan...

“Marami ang nagsasabing masuwerte ako, ganda ko, mahaba yung buhok, pero yung sa akin, di ko alam kung paano ko sasagutin kapag may nagtanong ng ganyan.

“Siguro, di ko alam kung paano yung ginawa ko, pero sobrang blessed ako na ganun na lang ako ka-importante para sa kanya talaga.”

Ano naman ang masasabi niya sa statement ni Gerald na ang relasyon nila ay "hindi kailangang itago at worth fighting for?"

Sagot ni Maja na nakangiti, “Talagang pag-uusapan natin ’tong topic na ’to...”

How proud are you sa pag-amin niya para hindi na rin kayo matatanong pa sa totoong estado ng relasyon niyo?

Saad niya, “Nasa Star Studio na e, lahat na e. Parang yung sa akin, yun nga, sinabi nga din niya na parehas kami, ayaw nga din niyang i-detalye lahat...

“Hangga’t maaari, hindi naman kasi kami love team o kung ano para pakiligin yung mga tao, parang personal yung sa amin e, so hangga’t maari yun, ayoko…

“Parang tama na siguro po yung kung ano yung nabasa niyo sa Star Studio, kung ano man yung mga nilabas dun at sinabi niya dun, yun na lang po ang panghawakan ko.”

"SO PROUD OF YOU." Sa isang Instagram post nito one week ago, ipinost ni Maja ang litrato ni Gerald na kuha sa Cannes, at may caption itong: ‘So proud of you  #cannes2013filmfestival #OTJ

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang hashtag na OTJ ay ang titulo ng pelikula nina Gerald at Piolo Pascual na On The Job.

Sabi ni Maja, “Of course, hindi lang… siyempre bilang, di ba Pilipino ka, magiging proud ka naman talaga sa mga indie films na naging parte ng Cannes Film Festival ngayon.

“Siyempre, hindi lang sa kanila, ’tsaka nilagay ko naman dun na OTJ film na ganyan, yun. Magiging proud ka naman talaga kasi bihira lang yung maimbitahan na dumalo sa ganung film festival.”

Naalala niya na ang kanyang pelikulang Thelma ay naimbitahan din dati sa international film festival.

Sabi ng napangaralan nang aktres, “Sa ibang film festival naman yun, siyempre iba ang Cannes. Pero yun ang importante, kahit saang bansa pa yan, at least ang importante nakikilala ang pelikulang Pilipino.”

AGAINST ALL ODDS. Gaano siya kasaya ngayon na nahanap na niya ang totoong pag-ibig?

Pahayag ni Maja, “Alam mo, hindi lang pag-ibig ang happiness dapat...

“Ako, ini-enjoy ko yung buhay ko, masaya ako, at yun lang yung importante ngayon para sa akin.

“Kasi pag ikaw sinimulan mo yung araw mo o sinabi mo sa sarili mo na ’Magiging masaya ako, positive lang ang mangyayari sa akin buong araw... buong taon,’ yun yung mangyayari.

"Kahit anong bagyo man yung dumating, ikaw pa rin yun, e. Ikaw kasi yung magha-handle ng lahat.”

ON STRAINED FRIENDSHIP WITH KIM. Panghuling tanong namin, “Pero yung aspeto ng may nasirang friendship, anong take mo dun?”

Medyo atubili si Maja na sagutin ang tanong na ito.

Sabi niya, “Ay, hindi po kasi ako nagsasalita sa ganyan, sorry. Mas yun nga…yun pa rin yung maririnig niyo sa akin …”

Singit pa namin, “Time will heal?”

Sabi niya, “Kahit gaano ko pa kagustong i-defend ang sarili ko, mas pipiliin kong manahimik na lang at nirerespeto ko kung ano man yung mga naririnig niyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, “Yun na lang…at kung ano man yung opinion niyo pa, basta ako yun na lang, mananahimik lang ako. Thank you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN