Mike Tan on gay roles: “Hindi ko kaya, hindi ko pa kaya.”

Mike doesn’t feel threatened about Christian Bautista’s being groomed as one of GMA-7’s new leading men. He says: “Si Christian naman talaga, singer naman talaga siya, e. Kung may soap na siya, iyon ang ibinigay sa kanya ng GMA, nirerespeto ko yun. Ako rin naman e isang artista at empleyado ng GMA, nag-aantay lang rin ako para sa trabaho, kung ano ang ibigay sa akin. Gusto rin yata talaga ni Christian na umarte.”


Ang Faithfully ang pinakahuling show ni Mike Tan sa GMA-7 bago siya napabilang sa pinakabagong afternoon drama series ng Kapuso network na Mga Basang Sisiw.

Dito ay gaganap si Mike bilang si Rigor na kanang kamay ng isang sindikato.

Sa nabanggit na dalawang shows ay kasama rin niya si Maxene Magalona.

Nang banggitin namin na bida na naman siya ngayon, mabilis na sinabi ni Mike na…

“Hindi, ang mga bida natin dito ay yung mga bata.”

Ang mga tinutukoy niyang mga bata ay ang mga “basang sisiw” na sina Renz Valerio (bilang Justin), Bianca Umali (as Faye), Kimberly Faye (as Shine), Hershey Garcia (as Cha) at Miko Zarsadias (bilang Mickey).

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Hindi naman daw sila matsitsismis ni Maxene kahit two-in-a-row na ang shows nila dahil may long-time non-showbiz girlfriend si Mike. Pitong taon na ang relasyon nila.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal.

“Wala pang plans,” paglinaw niya.

Pero ang naturang babae na raw ang gustong makatuluyan someday ni Mike.

“Oo, siya na, siya na yung gusto ko.”

Hindi raw napanood ni Mike ang orihinal na bersyon ng Mga Basang Sisiw— ang pelikulang ipinalabas noong 1981 na pinagbidahan nina Julie Vega, Janice de Belen, Sheryl Cruz at CheChe.

“Naghanap ako, wala akong makita, mahirap makakita lalo na yung mga lumang pelikula natin.

“Basta ako sinabi sa akin yung character sketch, nag-research ako,” kuwento niya.

VILLAIN ROLE. Salbahe si Mike sa show; ito ba ang first salbahe role niya?

“Sa Faithfully kasi masama rin ako e, pero mabait ako kay Maxene, di ba?

“Pero dito sa Mga Basang Sisiw, sindikato talaga e, pero ako yung magiging guardian nila, latter part kasi ako yung magiging protector nila.

“Siguro maawa ako, makikita ko yung kalagayan nila, or puwede ring alam kong mayaman sila, na puwede ko silang pagkakitaan, depende kung ano ang magiging takbo ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, gray ang character ko, hindi mo malalaman agad,” dagdag pa niya.

Sasaktan ba niya ang mga bata sa istorya?

“Sana hindi ano, pero kung iyon yung kailangan, gagawin natin.”

Baka kasuklaman siya ng mga viewers na makikisimpatiya sa mga “basang sisiw.”

“Tingin ko ngayon naman mas matalino na yung mga nanonood natin, yung mga fans natin, na mas naiintindihan na nila kung ano yung pinapalabas natin, na palabas lang naman talaga.

“Pero merong mga taong nadadala, e. Nakikita ko yung mama ko, yung lola ko, malamang maapektuhan nila,” ang natatawang sinabi ni Mike.

Si Maxene bilang si Vicky ang kapareha niya dito.

“Actually sa simula, mag-ex kami talaga, e. Tapos niloko niya ako, ipinagpalit niya ako sa ibang lalaki, sa matandang mayaman.

“Ganun siya. Kasi siya talaga yung main kontrabida dito e,” kuwento pa rin ni Mike ng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Mga Basang Sisiw kahapon, May 30, sa GMA Network Center.

Gaganap namang Froilan Sebastian si Raymond Bagatsing at asawa niya si Olivia na gagampanan ni Lani Mercado.

Nasa Mga Basang Sisiw din sina Gardo Versoza, Maricris Garcia at si Miss Caridad Sanchez bilang si Lola Lagring.

Sa direksyon ni Ricky Davao, ipapalabas na ito sa Lunes, June 3.

ON CHRISTIAN BAUTISTA. Isang Kapamilya ang kakalipat lang sa GMA, si Christian Bautista. May upcoming soap opera na nga si Christian sa Siyete, ang With A Smile.

Kaya natanong namin si Mike kung okay lang sa kanya na dumadami ang mga leading men sa Kapuso network; na dumadami ang “kaagaw” niya sa projects?

“Si Christian naman talaga, singer naman talaga siya, e. Kung may soap na siya, iyon ang ibinigay sa kanya ng GMA, nirerespeto ko yun.

“Ako rin naman e isang artista at empleyado ng GMA, nag-aantay lang rin ako para sa trabaho, kung ano ang ibigay sa akin. Gusto rin yata talaga ni Christian na umarte,” paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya naiinis sa ganun.

“E kahit saan naman tayo pumunta may ganun, e. Hindi naman natin naiiwasan, sila din naman, artista lang din na kailangan ng trabaho e, kung sa kanila ibinigay yung role, so be it,” wika niya.

CONTRACT RENEWAL. Hanggang February of next year ang kontrata ni Mike sa GMA.

Magre-renew ba siya?

“Ako kung saan may trabaho.”

So kung may offer sa ibang networks, may chance na lumipat siya?

“Tingnan natin, kung saan may trabaho. Kasi matanda na rin naman ako e, hindi na ako yung, alam mo yun? Kailangan na nating mabuhay, kailangan nating magtrabaho, di ba?

“So far naman hindi ako pinapabayaan ng GMA, so wala pa akong rason para lumipat,” paglinaw niya.

May nag-o-offer ba na ibang istasyon?

“Wala, wala rin naman, dati siguro.

“So far okay naman ako.”

NOT JOINING COSMO BASH. Hindi muna raw rarampa this year sa Cosmo Bash si Mike.

“Kung para sa akin, baka hindi na, pero depende sa Artist Center.”

Bakit ayaw na niya?

“Nagawa ko na, e. Nagawa ko na, tama na siguro yun, hindi naman siguro kailangang laging rumampa nang naka-briefs. Nagawa ko na, tama na siguro.”

Kaya naitanong namin kay Mike, kung dahil ba ito sa isyu na hindi siya applauded sa pagrampa niya noong 2011?

“Hindi, hindi naman ako, wala sa akin yun. E, ganun talaga yung naging ano ng mga tao e, wala tayong magagawa dun.

“’Tsaka tanggap ko na yun, bago pa magsimula yung Kung Aagawin Mo Ang Langit, alam kong nag-back-to-zero ako, e.”

Bago kasi ang KAMAL na show nila noong 2011 nina Carla Abellana at Michelle Madrigal ay medyo nag-lie low kasi si Mike.

YES TO SEXY ROLES? Kung indie movie ba, papayag si Mike na magpaseksi ng todo?

“Hindi ko pa alam, hindi ko rin masabi kung hanggang saan yung kaya kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag nabasa ko yung script at nakita ko na kaya kong gawin at interesante naman yung script at hindi naman basta hiningi na kailangan mong gawin ito, na kailangan mong magpakita ng puwet, oo bakit hindi?” saad niya.

Si LJ Reyes na kasabayan ni Mike sa StarStruck at dati niyang karelasyon, nag-pumping scene na sa Intoy Siyokoy Ng Kalye Marino.

Si Mike, kaya ba niya?

Aniya, “Oo, basta ako yung pa-pump! Hindi, mamaya kasi ako yung i-pump, e!”

Nasabi ito ni Mike na ang ibig sabihin, kung gay-themed project at gay love scene, hindi siya papayag.

Hindi pa raw siya nakaganap na bading sa isang full-length na proyekto.

“Hindi pa ako kumportableng magkaroon ng kaeksenang lalaki na may titigan, na may kissing scene, lalo na kung grabeng love scene.

“Hindi sa ayaw pero hindi ko pa kaya. Siguro lagi naman tayong may option kung ano lang din yung gusto nating gawin at kaya nating gawin, so sa ngayon hindi ko talaga kaya.

“Hindi ko kaya, hindi ko pa kaya,” pagdidiin niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN