Maybelyn dela Cruz tops list of re-elected councilors in Dagupan City; remains with in-vitro fertilization plan to have a baby

Maybelyn on pursuing their third attempt at in vitro fertilization: “Sinabihan naman kami ng doctor that it’s a 50-50 chance. Hindi lahat magiging successful. May mga dumadaan sa in-vitro na first try pa lang, okey na. Nakakabuo na sila. Pero meron namang nahihirapan kasi nire-reject ng katawan nila yung procedure. But what’s good naman daw is that I am just 30 years old and there is a 70 to 80 percent chance na mag-conceive ako.”


Masayang ibinalita ni Maybelyn dela Cruz na siya ang naging number one re-elected councilor sa Dagupan City, Pangasinan noong nakaraang May 13 elections.

Natuwa nga ang dating child actress dahil ito ang second term niya bilang councilor at matutuloy pa niya ang kanyang proyekto para sa ilang barangay ng Dagupan City.

Mula noong pinasok ni Maybelyn ang pulitika ay naging aktibo na ito sa iba’t ibang proyekto lalo na kung tungkol sa kalusugan ng mga kabataan.

Malaki rin daw ang naging impluwensiya sa kanya ng kanyang mister na si Michael Fernandez, na dati ring naging councilor ng Dagupan City.

“Yun ang mga naging projects ko before at maitutuloy ko pa siya ngayon.

“Concerned ako sa mga health centers sa distrito namin in Dagupan City.

“Lalo na’t tag-ulan na, maraming sakit na kakalat kaya gusto namin na prepared ang lahat ng mga health centers with regard to medication and proper treatment sa mga magiging pasyente nila.

“Inaayos din namin ang madaling pagkuha ng blood sa bawat barangay.

“We are having it computerized sa mga barangay halls para madaling makahanap ng dugo ang mga nangangailangan.

“And may mga on-going blood donations kami in case of emergency,” kuwento ni Maybelyn nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Anna KareNina sa Imperial Palace Suites in Quezon City.

IN-VITRO FERTILIZATION. At dahil tapos na nga ang election, ang pagkakaroon naman ng baby ang tututukan nila ngayon ng kanyang mister.

Five years na silang kasal ni Michael, pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng sarili nilang supling.

“Since kinasal kami noong 2008, ang magka-baby na ang dasal namin kay Lord.

“Though we are reproductively-challenged, hindi kami naggi-give up ng mister ko. Habang kaya pa, sige lang kami.

“We have consulted doctors naman and healthy naman kaming pareho. Kailangan lang talaga ng patience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko na one day, magugulat na lang kami na may baby na kaming nabuo,” ngiti pa ni Maybelyn.

Inamin nga ni Maybelyn na dumaan na sila ng kanyang mister sa in vitro fertilization nang dalawang beses. Pero parehong hindi naging successful.

Willing pa rin naman daw na dumaan ang mag-asawa sa naturang procedure basta magkaroon sila ng baby.

Umabot na nga raw sa isang milyong piso ang nagastos nila sa naturang procedure.

“It’s really very expensive, pero we are willing to try until maging successful kami.

“Sinabihan naman kami ng doctor that it’s a 50-50 chance. Hindi lahat magiging successful.

“May mga dumadaan sa in vitro na first try pa lang, okey na. Nakakabuo na sila. Pero meron namang nahihirapan kasi nire-reject ng katawan nila yung procedure.

“But what’s good naman daw is that I am just 30 years old and there is a 70 to 80 percent chance na mag-conceive ako.

“Kapag umabot na raw kasi ako ng 35-years old, medyo bababa na ang chances mo to really conceive.

“Kaya kailangan lang daw talaga ng patience and prayers to God para makabuo kami.

“Kahit nga mahirap at puro na pasa ang tiyan ko dahil sa mga injections, I don’t mind basta ma-bless lang kami ng baby namin.

“Hopefully sa ikatlong try na ito, may maganda ng balita para sa aming mag-asawa,” dalangin niya.

OTHER OPTIONS. May ibang friends nga raw na nag-suggest sa kanila na either mag-adopt or kumuha ng surrogate para ito ang magbuntis para sa kanila.

Skeptical nga raw ang mag-asawa sa suggestions na ito dahil baka in the long run ay magkaroon sila ng problema.

“Pinag-isipan na rin namin ’yan ni Michael.

“Pero hindi rin mawawala sa amin yung mag-isip negatively on adoption or getting a surrogate.

“Sa adoption kasi, medyo matagal din ang procedure. Maraming paper works, background check.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan din namin malaman kung saan nanggaling yung baby... mga gano’ng mga bagay na kailangang may patience ka sa paghintay.

“Sa pagkuha naman ng surrogate, yung fear naman namin diyan is yung baka mag-iba ang isip ng magdadala ng baby namin.

“Baka maging problema pa namin ang maging emotionally-attached siya sa baby namin.

“Kaya sa ngayon, hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa sa in-vitro.

“If we have exhausted all our efforts sa procedure na ito, then we have to go to Plan B.

“May mga options pa rin naman kami and we want to think about them carefully,” detalye niyang kuwento.

BACK TO ACTING. Nagbabalik nga si Maybelyn sa pag-arte ulit sa bagong primetime series ng GMA-7 na Anna KareNina.

Gaganap siya bilang ina ni Anna Serrano played by Krystal Reyes. Huling napanood si Maybelyn sa Amaya at Hindi Ka Na Mag-iisa bago siya naging busy sa pagkampanya.

“It’s great to be working again on TV. Na-miss ko ang umarte and I am thankful for GMA-7 sa pag-cast sa akin sa remake ng Anna KareNina.

“Nagkaroon ako ng recurring guest role noon sa original na Anna Karenina nila Antoinette Taus, Sunshine Dizon at Kim delos Santos. Bagets pa ako noon but I still remember how popular this series was noong late ‘90s.

“Ngayon iba na ang mga gaganap at updated ang storyline niya para maka-relate ang new generation.

“And I am proud to still be a part of this classic series,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN