Mark Herras on his alleged career slack: “Hindi po si Ynna ang dahilan kung bakit sa tingin ng tao nag-lie low yung career ko, hindi po.”

Mark on the importance of rest: “Well, hindi po ako papayag na si Ynna yung dahilan na kung bakit, well hindi naman nabawasan yung shows ko. Nagkataon lang na this time, may karapatan na ako na mamili ng ginagawa ko. Choice ko po ito, kasi after almost ten years na ako sa showbiz, may karapatan naman po ako siyempre na magpahinga once in a while.”


Bago pa man magtapos ang Party Pilipinas ng GMA-7 noong May 19, nagpahayag na ng kalungkutan ang isa sa mga talents nitong si Mark Herras.

Saad nito, “Siyempre lahat kami lalo na ako malungkot, you know... I mean, we don’t know the exact reason behind that. At the same time wala naman sa amin yun, decision ng management yun... ng taas.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5 si Mark sa San Alejandro, Quezon, Nueva Ecija last May 15, sa ginanap na all-star basketball exhibiton game kaugnay sa piyesta ng naturang barangay. Ito ay regalo ni Cristy Fermin para sa kanyang mga kababayan.

Wala naman daw alam si Mark tungkol sa sinasabi ng ilan na diumano ay may friction sa pagitan ng dalawang creatives na nagsasalitan sa pamamahala ng show every Sunday.

Aniya, “Well, I don’t know dun sa side na yun, I mean, ang ginagagawa ko lang naman kasi ay pupunta ng rehearsal tapos, mag-technical rehearsal, then magpi-perform ako ng Sunday, di ba?

“Kung ano man yung nangyayari doon sa production or what, with the two groups, hindi na apo ako nagtatanong.”

SAD FOR YNNA’S DAD. Sa nakaraang eleksyon, hindi nanalo sa pagka-mayor ng Caloocan si Boy Asistio, ang ama ng kanyang girlfriend, at isa na rin sa mga tinulungan ni Mark sa pangangampanya.

Sabi nito, “Sad to say, si Ynna malungkot, the whole family... lalo na si Tito Boy. Ako wala rin naman akong alam sa pulitika. Never pa ako nakaboto. Aaminin ko po, never pa ako nakaboto.”

“What I mean, I’m hoping na sana, alam namin nating hindi mawawala yung gulangan, na sana bago yung nangyari nitong huling election, sana naman mas naging maayos.

“I mean hindi dahil girlfriend ko si Ynna, hindi dahil na parang tatay ko si Tito Boy kaya sinasabi ko ’to, pero I mean nakita ko naman yung vision ni Tito Boy para sa Caloocan ever since.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang taon na ang relasyon nila ni Ynna. Ano ba ang sikreto at nagtagal sila nang ganito?

Pahayag niya, “Five years na kami. Actually si Ynna yung may sikreto e, siya yung parang napaka-understanding na girlfriend, napakalaki ng pang-unawa niya sa relasyon namin, at siguro ang pinaka-sikreto rin namin ay open kami sa isa’t isa, e.”

“I mean every time na may darating na issues sa kanya... sa akin, mas marami sa akin... di naman maiiwasan yun like before pa, di ba? Before pa lumabas sa TV or sa media or sa newspaper yung issue, alam na namin.”

“Yun ang pinaka-importante na pinag-uusapan na namin. Like maliliit na bagay na puwedeng lumaki, para hindi na siya lumala, napag-usapan na namin.”

DEFENDING YNNA. Aware kaya si Mark na maraming nagsasabing dati raw ay marami siyang fans na kinikilig, pero unti-unti silang nawala mula noong naging girlfriend niya si Ynna?

Sabi niya, “Well, hindi po ako papayag na si Ynna yung dahilan na kung bakit, well hindi naman nabawasan yung shows ko.

“Nagkataon lang na this time, may karapatan na ako na mamili ng ginagawa ko, unlike before na Monday, Tuesday, Wednesday hanggang Sunday may taping ako... may ginagawa ako.

“This time, ’O, gusto mo ba nito... pahinga na lang muna ako, sabi ko kasi pagod ako sa taping.’

“Hindi po si Ynna ang dahilan kung bakit sa tingin ng tao nag-lie low yung career ko, hindi po.”

Dagdag pa niya, “Choice ko po ito, kasi after almost ten years na ako sa showbiz, may karapatan naman po ako siyempre na magpahinga once in a while.”

Kuwento pa ni Mark, “Dati from taping, raket ka dito... from raket may show ka dito, tapos may guestings pa tapos punta kang ganito... punta kang ganun, di ba?

“This time, I mean hindi naman sa tinatanggihan yung blessings sa ’yo pero inaayos ko lang yung oras kasi hindi na rin naman ako bumabata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, I’m 26 years old na, ang gusto ko lang din bago ako pumunta sa isang taping maayos yung itsura ko, hindi ako pagod, hindi ako yung hulas di ba na, ’Puyat na puyat si Mark.’

“E, normally, ako pa naman, ayoko pong nagpapa-make up talaga so, di ba? O baka sabihin, ’O, meykapan niyo si Mark sobrang laki ng mga eyebags ni Mark, puyat na puyat hitsura niya.’

“Siyempre pangit din naman. Siyempre dapat inaalagaan ko rin yung sarili ko,” diin niya.


NO TO SEXY PROJECTS. Ngayong 26 years old na siya, handa na kaya siyang mag-level up pagdating sa mga proyektong gagawin, halimbawa ang pagpapa-sexy?

Tugon niya, “Ewan ko, but dati tinatanong sa akin kung ready na ba ako magpa-sexy, actually hindi ko kasi target yung ganyan, e.

“I know na parang hindi, ayoko siyang pasukin, e.

“At the same time siguro napansin niyo na okay, di rin naman ako payat pero hindi rin naman malaki ang katawan ko, ayoko kasi pumasok sa ganung klaseng linya.

“Kasi madami naman sigurong project pa diyan na hindi mo kailangang magpa-sexy, puwede rin naman maging dramatic actor, na hindi kailangang magpa-sexy,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN