Allan Paule on losing bid for councilor in Muntinlupa: "Hindi pa siguro tayo para sa politics."

Allan Paule on his most memorable role: “Kahit saan ako magpunta, yung iba hindi nila maalala ang name ko, pero yung movie kong Macho Dancer, yun ang mabilis na naalala nila! Nakakatawa nga kasi ilang beses na nangyari sa akin yung nasa isang public place ako, biglang may lalapit sa akin at sasabihin, ’Ikaw yung sa Macho Dancer, di ba?’ Hindi raw kasi nagbago ang mukha ko. Ganun pa rin daw kaya mabilis nila akong mamukh


Hindi sinuwerte ang aktor na si Allan Paule sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa Muntinlupa City noong nakaraang May 13 elections.

Inamin naman ni Allan na disappointed ang mga taong sumuporta sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya, dahil alam nila na magiging mahusay siyang public servant sa kanilang distrito.

“Kahit sino naman makakaramdam ng disappointment.

“Lalo na ako... pero hindi naman nagtagal yung pakiramdam na ’yon. Madali akong nakapag-move on.

“Sabi ko sa sarili ko na win or lose, buung-buo kong tatanggapin iyon sa puso ko.

“Kung may panghihinayang man ako, ’yon ay yung mga proyekto natin sana para sa maraming tao sa Muntinlupa City.

“Meron sana tayong mga livelihood projects na sisimulan in case na sinuwerte tayo.

“Pero dasal ko naman na yung mga nailuklok sa mga posisyon, sana ay isipin na nila ang magiging kabuhayan ng maraming tao,” pahayag ni Allan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng bagong primetime series ng GMA-7 na Anna KareNina sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

SHOWBIZ SUPPORTERS. Ikinatuwa naman ng aktor na noong nagdesisyon siyang tumakbo for councilor, marami siyang mga kaibigan sa showbiz na nagbigay ng suporta sa kanya.

Kabilang sa mga nagbigay ng lakas ng loob kay Allan ay ang mga kaibigan niyang sina Edu Manzano, Daniel Fernando at ER Ejercito.

“Kahit na matagal na kaming hindi nagkikita, isang text or tawag mo lang sa kanila, makakaasa ka ng suporta sa kanila.

“Siyempre, may mga experiences na [sila] pagdating sa politics at kailangan natin ng guidance nila.

“Marami naman tayong nakuhang words of encouragement sa kanila na nagpalakas ng loob natin.

“Yun nga lang, hindi pa siguro tayo para sa politics.

“Sa showbiz lang muna tayo. Heto at may offer tayo kaagad after ng election.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7 dahil parati naman silang may offer sa akin na drama series. Yun nga lang nauunahan sila ng kabilang network [ABS-CBN].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Would you believe na ang huli ko pang show sa Kapuso network bago ang Magdalena was Mga Mata Ni Anghelita noong 2007 pa?

“Nagsunud-sunod kasi ang mga ginawa ko sa Dos kaya ngayon lang ako ulit nakagawa sa Siyete.

“Hindi pa rin nila ako nalilimutan, lalo na ngayon, kailangan nating mag-ipon ulit dahil napagastos tayo noong nakaraang election,” ngiti pa niya.

Huli ngang napanood si Allan sa GMA-7 afternoon series na Magdalena bago siya namaalam para simulan ang kanyang kampanya.

Naging suki si Allan sa ABS-CBN at magkakasunod niyang ginawa ang Mundo Ma’y Magunaw, Hiyas, Ikaw Ay Pag-ibig, Budoy, Nasaan Ka, Elisa?, Guns & Roses, Minsan Lang Kita Iibigin, Magkaribal, Rubi, Momay, May Bukas Pa, Kambal Sa Uma at Palos.

May ginawa rin siya sa TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak at Valiente.

VILLAIN ROLE. Sa Anna KareNina ay gaganap siya bilang si Lucas, ang businessman na umampon kay Nina Fuentebella (played by Joyce Ching) at pinagtangkaan niyang gahasain ito.

Aniya, “Bad boy tayo dito sa Anna KareNina. Pagnanasaan ko rito ang inampon namin na si Nina.

“Okey lang naman sa akin ang magkontrabida. Sa Magdalena nga, salbahe at mapagsamantala ako roon.

“Enjoy ako doing those roles kasi nakakapaglaro ka, e. Hindi de-kahon ang pag-arte mo.

“Nagkataon pa na si Gina Alajar ulit ang director ko rito sa Anna KareNina. Siya rin kasi sa Magdalena kaya may magandang rapport na kami.

“Kabisado na kasi ako ni Direk Gina kaya wala siyang nagiging problema sa akin.

“Ayaw lang niya ng over-the-top. Sasabihin naman niya kung sobra masyado.

“Kailangan yung tamang-tama lang sa gusto niyang iarte mo,” diin niya.

UNFORGETTABLE ROLE. Sa dinami-dami ng kanyang mga nagawang pelikula at TV shows, mas tumatak at mas nakilala pa rin si Allan sa pagganap niya sa pelikulang Macho Dancer na idinirihe ni Lino Brocka noong 1988.

Kahit na 25 years ago pa ang pelikulang iyon, ang imahe pa rin ng ginampanan niyang macho dancer ang nakatatak sa utak ng marami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit saan ako magpunta, yung iba hindi nila maalala ang name ko, pero yung movie kong Macho Dancer, yun ang mabilis na naalala nila!” tawa pa niya.

“Nakakatawa nga kasi ilang beses na nangyari sa akin yung nasa isang public place ako, biglang may lalapit sa akin at sasabihin, ‘Ikaw yung sa Macho Dancer, di ba?’

“Hindi raw kasi nagbago ang mukha ko. Ganun pa rin daw kaya mabilis nila akong mamukhaan.

“Hindi naman ako nahihiya sa role kong iyon dahil diyan ako nakilala. Yun ang nakatatak na sa isipan nila.

“Nakakatuwa lang kasi para sa iba ay unforgettable ang pelikula kong iyon at forever na akong macho dancer sa isipan nila,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN