Claudine Barretto foils personal assistant’s alleged attempted robbery

Bukod sa relo, nakuha rin sa loob ng bag ng PA ang iba pang mga alahas tulad ng diamond ladies ring, white gold necklace, pair of earrings with diamonds at iba pa na aabot ang kabuuang halaga sa 8.5 million pesos.

Ayon sa police report, nakatakda sanang umalis ang suspect sa bahay ng aktres ngunit natunugan ito ng sekretarya ng mag-asawang Raymart at Claudine na si Maria Luisa Becher.


Ayon sa report ng Startalk TX kahapon, June 1, muntik nang manakawan si Claudine Barretto ng mga alahas at mamahaling gamit na nagkakahalaga raw ng walo’t kalahating milyong piso mula sa kanilang bahay sa Marikina noong Lunes, May 27.

Kinilala ng Marikina City Police ang suspect na si Dessa Patilan Candelario, personal assistant ni Claudine, disinuebe anyos at tubong Northern Samar.

Dakong alas nuebe ng gabi nang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang asawa ni Claudine na si Raymart Santiago.

Natuklasan raw ni Claudine na nawawala ang kanyang Rolex watch na nagkakahalaga ng 1.8 million pesos.

Na-recover umano ang naturang relo sa ilalim ng unan ng suspect.

Bukod sa relo, nakuha rin daw sa loob ng bag ng PA ang iba pang mga alahas—tulad ng diamond ladies ring, white gold necklace, pair of earrings with diamonds, at iba pa na aabot umano ang kabuuang halaga sa 8.5 million pesos.

Ayon sa police report, nakatakda sanang umalis ang suspect sa bahay ng aktres, ngunit natunugan ito ng sekretarya ng mag-asawang Raymart at Claudine na si Maria Luisa Becher.

Kasalukuyang nakapiit sa Marikina City PNP Detention Cell ang suspect at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sinubukan ng StarTalk TX na kunan ng pahayag sina Raymart at Claudine ngunit ayaw pa nilang magkumento sa nasabing insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN