Warrant of arrest issued for Sarah Lahbati

Ayon sa interview sa Counsel ni Atty. Gozon-Abrogar na si Atty. Gener Asuncion, “The court has found probable cause on the crime of libel against Sarah Lahbati. Ang piskalya ng Makati, nagkaroon ng imbestigasyon doon and then nakita ng piskalya na may probable cause ng libel.”

Ayon naman kay Assistant City Prosecutor Torres Peña, nabigo si Lahbati na maghain ng ebidensiyang magpapatunay na ang mga kontrobersiyal na tweets ay ginawa nito


Inirekomenda ng Office of the City Prosecutor of Makati ang pagsasampa ng kasong libelo laban sa young actress na si Sarah Lahbati.

Kaugnay ito ng mapanirang mga pahayag ni Lahbati laban sa presidente ng GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Ang mga libelous statements ay inilabas ng aktres sa microblogging site na Twitter noong nakaraang taon.

Ayon sa interview sa counsel ni Atty. Gozon-Abrogar na si Atty. Gener Asuncion sa Startalk TX kahapon, June 1, “The court has found probable cause on the crime of libel against Sarah Lahbati.

“Ang piskalya ng Makati, nagkaroon ng imbestigasyon doon and then nakita ng piskalya na may probable cause ng libel.”

Ayon naman kay Assistant City Prosecutor Torres Peña, nabigo si Lahbati na maghain ng ebidensiyang magpapatunay na ang mga kontrobersiyal na tweets ay ginawa nito in good faith.

Ayon pa rin sa Startalk TX, kasunod nito, naglabas ng warrant of arrest laban kay Lahbati ang Makati City RTC Judge noong May 20.

“The warrant of arrest is enforceable within Philippine territory,” ayon naman kay Atty. Gener Asuncion.

A contract artist of GMA-7, Lahbati is on a self-imposed vacation in Switzerland. Walang pahintulot ng network ang nasabing bakasyon.

Sinabi pa rin ni Atty. Asuncion, “Hangga’t wala pang arrest, hindi magkakaroon ng hearing o trial ng kaso na libel.

“Advice for Sarah, to face the court and face the charges against her. Let her rebut the accusation of Attorney Abrogar.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN