JC Tiuseco on having an affair with older woman: “Siguro, hindi sobrang layo ng agwat ng edad, mga five years and below lang siguro.”

Mula raw nang pumasok sa pag-aartista si JC Tiuseco ay hindi siya namimili ng roles. Paliwanag ng model turned actor, “Para sa akin kasi, hindi yun trabaho ng artista, e, trabaho yun ng manager. Dapat kung ano yung ibigay sa iyo, maging thankful ka na kung anong meron.”


Kakaiba raw ang papel ni JC Tiuseco sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Maghihintay Pa Rin.

Gaganap daw siya rito bilang lover ni Ayen Munji-Laurel, na nakasama rin niya sa dating primetime series na Temptation of Wife.

Paglalarawan ni JC sa kanyang role, “Nagwu-work ako doon sa company na pagmamay-ari nila [Ayen].

“And then, ako yung parang... aside from doon ako nagwu-work, boyfriend din ako noong mommy.

“Tsaka yung character ko doon, isa ako sa mga bosses ng company.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa 9th anniversary ng Mercator Artist & Model Management sa Privé, The Fort, noong Biyernes, May 31.

May pinanood ba siya na pinaggayahan niya ng character?

Tugon ni JC, “Wala na akong time manood, e.

“Kasi noong sinabi sa akin yung character ko, hindi pa nae-explain talaga, biglang may taping na kaagad.

“So, ibinigay ko na lang kung ano yung makakaya ko, kung ano ang hinihingi ng karakter ko."

Sa soap ay manggagamit si JC ng ibang tao. At kahit medyo maayos at matagumpay siya sa kanyang trabaho, pumatol pa rin siya sa may-ari ng kumpanya.

Pero sabi niya, “Hindi pa naman sobrang lalim sa ngayon yung character ko.”

Masaya ang hunky male star lalo na’t challenging ang role niya ngayon sa soap nila na idinidirek ni Don Michael Perez.

“Oo, masaya ako dito sa role ko.

“Kasi, natsa-challenge ako, kasi bad boy nga, laging galit, ganoon, masungit.

“Kaya mas natsa-challenge ako, iba sa mga roles na nagawa ko before.”

Ito raw ang papel niya na pinakasalbahe siya, dahil sa Sisid noon ay mabait siya sa umpisa na naging salbahe.

“In the sense na, ito kasi, from the start pa lang salbahe na,” sabi ni JC.



MAY-DECEMBER AFFAIR. Bilang lover ni Ayen sa Maghihintay Pa Rin, may love scene ba sila rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa sa pagkakaalam ko,” sagot niya.

Pero kung magkakaroon man ay handa naman daw si JC.

“Oo naman, siyempre.”

Hindi ba siya naiilang na medyo matanda sa kanya ang kapareha niya?

“Hindi, okay lang yun, okay lang yun,” sagot ng 28-year-old actor.

May intimate scenes na ba sila ni Ayen na nakunan?

“Mga hawak-hawak kamay lang.”

Nagkakatawanan nga raw sila ni Ayen bago mag-take lalo na at medyo sweet ang mga eksena nila.

Posible ba na sa tunay na buhay ay magkagusto rin si JC sa mas matanda sa kanya?

“Siguro, hindi sobrang layo ng agwat ng edad—mga five years and below lang siguro!” ang natatawang sagot ni JC.

Nagkaroon na raw siya dati ng girlfriend na three years older sa kanya.



NO GAP. Masaya si JC na pagkatapos ng Temptation of Wife ay may kasunod na agad siyang proyekto sa GMA-7.

“Oo naman! I’m more than thankful nga kasi after ng Temptation of Wife, sunud-sunod na mga projects.

“Yung mga one month after na walang Temptation, may mga raket na Magpakailanman, Wagas

“Mga ganoon, mga out-of-town shows ng GMA.”

Hindi rin daw nag-aalala si JC sa pagpasok ni Christian Bautista bilang leading man sa mga teleserye ng GMA-7.

Isa si Christian sa kapareha ni Andrea Torres sa isa pang bagong afternoon soap ng Kapuso network, ang With A Smile.

Sabi ni JC, “Hindi naman, kasi pare-pareho lang naman kaming nagtatrabaho, e.

“Kung nabigay sa kanya, e, di I’m happy for him na may project siya.

“Pare-pareho lang naman na puwedeng mabigyan ka, puwedeng hindi…

“As long as nagtatrabaho ka, tuluy-tuloy ang trabaho mo, huwag kang mag-iisip ng negative.”

Hindi ba siya nag-demand na siya na lang ang maging ka-love triangle nina Bianca King at Rafael Rosell dito sa Maghihintay Pa Rin, imbes na si Dion Ignacio?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni JC, “Hindi, hindi ako nag-demand.

"Para sa akin kasi, hindi yun trabaho ng artista, e, trabaho yun ng manager.

“Dapat kung ano yung ibigay sa iyo, maging thankful ka na kung anong meron.”



EXPECATATIONS. Nangangalahati na ang taong 2013, ano pa ang expectations ni JC sa career niya?

Sagot niya, “Gusto ko pa rin siyempre na magkaroon pa ng mga projects na maganda.

“Na…well, para sa akin, lahat naman ng projects ko, maganda naman.

“Itong Maghihintay Pa Rin kasi nga natsa-challenge ako sa role, bago, e.

“Ngayon ko lang gagawin ang ganito, kaya para sa akin mas maggu-grow ako pag ganoon.”



WITH MERCATOR. Si JC ay nasa pangangalaga ng Mercator ni Jonas Gaffud. Gaano ka-loyal si JC sa manager niya?

Pagmamalaki niya, “Masasabi ko na loyal ako sa manager ko. Pag may problema naman ako, sinasabi ko sa kanya.”

Kapag may hindi siya nagugustuhan sa pamamalakad ng career niya ay nasasabi niya raw kay Jonas.

“Oo, oo! Mas okay yung sinasabi mo yung problema mo, e…

“Para if ever, puwede niyang magawan agad ng paraan, na puwedeng maayos agad—mas maganda yung maayos agad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN