Dingdong Dantes explains controversy over Marian Rivera’s cameo appearance in Dance of the Steel Bars

Sa loob ng mahigit isang linggo ay nakasama ni Dingdong Dantes ang mga preso sa Cebu City Jail. Ano ang naging realization habang kasama niya ang mga preso? Sagot ng aktor, "Para sa akin, yung nakikita ko—no matter if you’re inside the prison cell or outside—lahat ng tao puwedeng magbago. Hindi dapat maging hindrance ang mga rehas o anumang mga limitation. If you want to change, kung gusto mo talaga ang pagbabago, gusto mo ng improvement sa sarili mo,


Excited na si Dingdong Dantes na maipalabas at mapanood nang buo ang kanyang kauna-unahang international indie film—ang Dance of the Steel Bars.

Sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobrang excited na maipapalabas na siya.

"And I’m so proud and honored na very meaningful pa yung playdate niya, which is June 12, because we celebrate Independence [Day].

“At the same time, we will show the freedom of the prisoners through… yung ginawa nilang pagsasayaw.

“Kung paano yun nakaapekto sa mga buhay nila kahit na nasa loob sila ng kulungan.”

Bakit niya tinanggap ang pelikula?

Sagot ni Dingdong, “I guess, the fact na it’s something unique and something na hindi ko pa nagagawa.

“Because yung role ko, medyo ano rin siya rito, at first may pagka-homophobic.

“But at the same time, yun ang dahilan kung bakit naging close siya sa mga tao at nagawa niya ang mga bagay na akala niya, hindi niya magagawa—which is the dance.”



DIFFERENT EXPERIENCE. Mahirap bang gawin ang ganitong klaseng pelikula?

“Opo, mahirap pong gawin kasi kailangan naming mag-immerse doon mismo sa facility sa Cebu, from seven to ten days.

“Inaral po namin talagang lahat.

“Pero yun ang masarap, ang mahirap na pinagdaanan, makikita mo yung resulta pagkatapos.”

Kakaiba raw ang naging karanasan ni Dingdong habang ginagawa ang pelikula.

“Ang masasabi ko lang, kakaiba yung sa amin ni Joey Paras dahil may intimate scene—intimate in a sense na sumayaw kami nang napakabonggang-bonggang sayaw na jazz at interpretative dance.

“At yung rehearsal, hindi lang sa shooting. Nagkaroon kami ng ilang araw na workshop, then we shot it in Cebu Jail.

“So, we have to be very comfortable with each other para magawa namin ang sayaw na yun.

“Marami rin pong lifting scene. Binubuhat niya [Joey] ako at binubuhat ko rin po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon lang ako nagbuhat ng gay sa isang dance number.”



GLOBAL RELEASE. Tatlong taon na ang nakalilipas nang gawin ni Dingdong ang Dance of the Steel Bars, pero ngayong taon lang ito maipapalabas.

May balita noon na nagkaroon ng problema ang produksiyon kaya na-delay ang pagpapalabas nito. Ano ang totoo dito?

Sabi ni Dingdong, “Kung meron man, hindi ko po alam ang specific problem.

“Pero ang pagkakaalam ko, mas nakaganda po yung matagal na release dahil nagkaroon ng two versions sa cut niya. Bukod sa GMA Films ay ang Portfolio Films.

“Siyempre, alam po natin na kapag foreigner ang nag-produce ng pelikula, minsan may sarili silang taste para maipalabas sa international market.

“Hanggang sa hindi nagtagal, nagkaroon ng compromise para sa isang cut that would be for global release.”

Plano raw ipalabas ang Dance of the Steel Bars sa iba’t ibang international film festivals. May negosasyon na raw itong ipalabas sa Vancouver, Hawaii, Los Angeles, New York, Dubai, Qatar, Edmonton, Virginia. Gayundin sa Melbourne International Film Festival, Venice International Film Festival, at Vancouver International Film Festival.

Hindi pa raw alam ni Dingdong kung makakasama siya sa mga international screening ng pelikula. Kung sakali raw, call na yun ng Portfolio Pictures.

Bukod sa Manila, magkakaroon din ito ng screening sa Cebu para mapanood ng inmates ang pelikulang ginawa nila.

Sa June 10 naman ang premiere night nito sa SM Megamall.



CEBU INMATES. Sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center kinuhanan ang Dance of the Steel Bars. Doon na rin ang naging standby-area nila kasama ang mga totoong prisoners.

Kuwento ni Dingdong, “Doon po kami nag-shooting mismo.

“Masasabi kong umuuwi lang kami ng hotel para matulog. Pero most of the time, almost seven to ten days straight, nandoon kami.

“Yung standby-area namin, sa mga selda. Talagang nag-immerse po kami.”

May participation din sa pelikula ang Cebu inmates, lalo na sa mga dance number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kapag kailangan din daw ng crowd o mga taong mag-i-interact, ang Cebu inmates ang mga kaeksena nila.

Naitanong din kay Dingdong kung ano ang “difficulties” na pinagdaanan niya habang ginagawa ang pelikula.

Sagot niya, “Difficulties? Siyempre po, nakikita mo ang sitwasyon ng mga tao doon.

“Pero yung sitwasyon nila, maayos na maayos ho. Hindi kagaya ng ibang kulungan na nakikita ko when I shoot, like yung facilities, siksikan nang sobra.

“Dito, parang sa akin, ano, they live… hindi naman comfortably, pero inaalagaan din naman sila doon.

“Maybe because nirerespeto rin nila ang facilities or lahat ng ibinibigay sa kanila.

“Hindi nga po ako naka-encounter na may tumakas, may nag-riot, may nagkagulo.

“Siguro, sinabi rin sa kanila na, ‘Huwag kayong magulo, may nagsu-shooting dito.’

“But with all my experiences, I never encountered any problem.”

Ano ang naging realization sa kanya nang makasama niya ang inmates?

Saad ni Dingdong, “Mahirap siguro in seconds or minutes para ma-generalize lahat ng experience.

“But siguro, para sa akin, yung nakikita ko—no matter if you’re inside the prison cell or outside—lahat ng tao puwedeng magbago.

“Hindi dapat maging hindrance ang mga rehas o anumang mga limitation.

“If you want to change, kung gusto mo talaga ang pagbabago, gusto mo ng improvement sa sarili mo, you can do it even inside the prison cell.”

Ang dance number daw ang isa sa resulta ng team effort nilang lahat.



PATRICK BERGIN. Kasama rin sa Dance of the Steel Bars ang Hollywood actor na si Patrick Bergin. Si Patrick ang co-star ni Julia Roberts sa pelikulang Sleeping With The Enemy (1991).

Kumusta naman katrabaho ang Hollywood actor?

Sabi ni Dingdong, “Masaya po siyang katrabaho.

“Noong una, hindi ko pa siya nakakausap masyado. Pero, may ibang eksena na nakakapag-communicate naman kami.

“Kitang-kita n’yo po ang professionalism sa kanya. He comes on the dot. He comes prepared. He knows what he’s doing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I guess, yun ang mga natutunan niya from his years of experience sa Hollywood.”

Sa mga kuwentuhan nila ni Patrick, ano ang hindi niya makakalimutan dito?

“Well, alam ninyo, wala kaming masyadong pinag-usapan about personal stuff.

“Siguro, it’s really more about the script. Kung ano yung character niya, paano niya itatake. Ano ang palagay niya kung siguro, nangyari yun sa totoong buhay sa kanya.

“Yung mga ganoong bagay and, I think, mas nakatulong sa rapport namin kasi cellmate ko siya.”



MARIAN’S CAMEO ROLE. Isa rin sa itinanong kay Dingdong ang cameo appearance ng girlfriend niyang si Marian Rivera sa Dance of the Steel Bars.

Nabalita noon na natanggal ang eksenang ito, pero ayon sa pinakabagong balita ay mapapanood na ito.

Ano nga ba ang nangyari dito?

Paliwanag ni Dingdong, “Alam ninyo, dumaan ho talaga siya. Dumaan siya para makita yung production.

“And then, nasabi ni Direk Cesar [Apolinario], ‘O, baka puwede kang mag-cameo.’

“Medyo isang scene lang, pero ang pagkakaalam ko, ipapalabas siya.

“Bumisita lang kasi siya noon. Wala siyang kamuwang-muwang.

“Ang nag-convince, si Direk Cesar at Direk Marnie Manicad [wife of GMA News reporter Jiggy Manicad].

“So, she was able to do the cameo for us and we’re happy na ipapalabas din siya.”

May lumabas kasing balita na hindi raw nagustuhan ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo ang pagka-cameo ng aktres dahil hindi niya ito alam. Ayon din sa balita ay pinatanggal ni Popoy ang eksenang ito.

Ayon naman kay Dingdong, “Oo, pero tama naman as a manager, it’s his option para sabihin na huwag ipalabas.

“At nirespeto naman po namin yun noong panahon na yun.”

Pero dahil wala na si Marian sa poder ni Popoy ay maipalalabas na ang cameo appearance ng aktres sa pelikula ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN