Bianca King on network transfers: “If I were given a good opportunity elsewhere, of course I’d also like to grow and branch out.”

Bagamat masaya siya ngayon sa bakuran ng GMA-7, hindi inaalis ni Bianca King ang posibilidad na isang araw ay humanap siya ng oportunidad sa ibang networks. Sabi niya, "I think with every individual, sa kahit anong industry ka, kahit anumang trabaho mo, eventually, gugustuhin mo rin namang i-spread yung wings mo and maka-experience din ng ibang katrabaho, ibang klaseng work... ganoon.”


Malaki ang maitutulong ng mga pinagdadaanan ni Bianca King ngayon sa mga dramatic scenes niya sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Maghihintay Pa Rin.

Kabilang na rito ang pagkakasakit ng ama at lola niya na parehong nasa Canada.

Nagkuwento si Bianca tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Maghihintay Pa Rin sa Kamias, Quezon City noong May 29.

Sabi niya tungkol sa kanyang ama, “Okay na siya, fully-recovered na siya. Pumunta ako sa Canada noong January.

“Nasa maayos na sitwasyon, nasa maayos siya na lugar, talagang nagkasakit lang siya.

“Nag-quadruple bypass surgery siya, nagka-pneumonia siya, so kaya minadali yung quadruple bypass surgery niya.

“Tapos, nagka-complications siya so noong nakauwi na siya, bumalik siya sa ospital.

“And he was confined in the hospital for almost a month.

"Over Christmas and New Year, nasa loob siya ng ospital."

Kuwento naman ni Bianca tungkol sa lola niya, “Tapos, yun nga, noong January din, noong palipad na ako papuntang Canada, yung lola ko, na-diagnose with cancer, stage 4.

“As in, naka-confine siya sa hospital mga two days before New Year’s eve.

“January 4 ako umalis... Pagka-land ko sa Canada, tumawag sa akin yung lola ko... iyon, sabi niya she has cancer daw.

“Sinundo ng tita ko from there, tapos dinala sa States para doon mag-chemo [therapy].

“Kasi may insurance siya, e, medyo maliit na lang yung binabayaran. Nagki-chemo na siya ngayon.”



FOR REAL. Naisip ni Bianca na ang mga karanasan niyang ito ay makakatulong sa pagganap niya bilang si Geneva de Villa sa Maghihintay Pa Rin.

Sabi niya, “Gusto ko na nga siyang gamitin, e, pero so far, sa story, yung character ni Rafael [Rosell], si Kiko Sebastian... similar doon sa mga mahihirap na characters na ginawa ko dati.

“Parang siya [Rafael] yung damsel in distress, ako yung knight in shining armour niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako yung sumasalba sa kanya palagi, so maganda yun para sa isang GMA Afternoon Prime show.

“Na kahit na formula drama siya, pero yung setting, yung characterizations, iba. Hindi siya stereotype.

"Yung character ko pa lang mismo na bidang babae, ibang-iba siya sa mga nakasanayan na inaapi, na underdog... ganoon.

“Love story siya basically, pero siguro I would say the premise is coping with having to work abroad talaga.

“May pagka-Romeo and Juliet story siya... iyon.

"So parang pinaghihiwalay kami noong una, noong family niya at ng family ko.

“Isa siya sa magiging conflict sa week one, pero yung premise talaga... yung story is kung paano magko-cope ang Pilipino, ang dalawang young Filipinos sa ibang bansa.

“Iyon... so very, very, relatable siya sa mga OFWs.”

Dahil tungkol sa mga OFW ang kuwento ng kanilang soap, isang linggo silang magti-taping sa Singapore.



CONTRACT STAR. Mina-manage ng Icons at GMA Artist Center si Bianca, at isang taon pa ang itatakbo ng kontrata niya sa Icons.

Sabi niya, “Mga isa na lang yata, e, basta three years yung pinirmahan ko noong 2011.”

Magre-renew ba si Bianca?

“Happy ako, happy ako sa lawyer ko!” sabay-tawa ni Bianca, na ang tinutukoy ay ang head ng Icons na si Bebong Muñoz.

Tumanggi namang magkomento si Bianca sa usap-usapang aalis na ng GMA-7 ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sabi niya, “Mahirap po naman pong mag-comment hanggang sa meron talagang nangyayari.

“But ano naman, I think lahat naman ng artista, gustong ma-experience magtrabaho.

“I think, even I, if I were given a good opportunity elsewhere, of course, I’d also like to grow and branch out.

“Iyon lang, that’s my only comment...

"Siyempre, ano naman, e, wala, wala, nothing to say.”

Masaya ba si Bianca sa GMA-7?

“Oo naman, of course.

"But I think with every individual, sa kahit anong industry ka, kahit anumang trabaho mo, eventually, gugustuhin mo rin namang i-spread yung wings mo and maka-experience din ng ibang katrabaho, ibang klaseng work... ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba ay naghahanap na ng changes, ng pagbabago?

“Not today. May soap ako ngayon, so not today!” at tumawa si Bianca.



DIRECTING. Bukod sa pag-aartista, seryoso si Bianca sa directing.

Kuwento niya, “Iyon po, for the whole month of April, tinanggap ko na yung offer ni Dondon Monteverde.

“Siya yung nagma-manage sa akin sa directing for TV commercials.

“So officially, in training ako to be an in-house director of Revolver.

“So, nag-apprentice ako kay Direk Erik Matti sa dalawang commercials.

“Lumabas na siya, basta for a liquor brand and isang fastfood chain.”

So, in the future, siya na mismo ang magdidirek ng commercial?

“Hopefully, pero ano talaga, hindi nila ako bineybi doon, binigyan nila talaga ako ng totoong trabaho.

“But mostly to observe, tapos... basta kumbaga, kung nasan si Direk Erik, kung anong kailangan niyang gawin, kahit ano sa TVC niya, nandoon lang ako sa tabi at likod niya.

“And he asks me questions, he lets me mount a shot.

"Parang binubuhay niya yung utak ko at tine-train niya ako sa ins and out of advertising.”

Paano kung mag-full blast na siya sa pagdidirehe, hindi ba niya tatalikuran ang acting?

“Hindi talaga,” ang mabilis na sagot ni Bianca.

“After ng soap na ito, babalik ulit ako, magte-train, ipagpapatuloy ko siya.

“Balak ko talaga, tuluy-tuloy sa Revolver para hopefully by next year, I can start directing commercials pag wala akong soap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN