Joyce Ching on being open about relationship with Kristoffer Martin: "Parehas kaming proud!"

Mahigit dalawang taon na ang itinatagal ng relasyon ni Joyce Ching sa kapwa-Kapuso niya na si Kristoffer Martin. Pero sa kabila nito, ayon kay Joyce, “Hindi pa rin naman kami yung parang seryoso na nagdidibdiban talaga ng relationship na bonggang-bongga.”


Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Anna KareNina, gagampanan ni Joyce Ching ang papel ni Nina o si Anna Karenina Fuentebella.

Sa press conference ng show last week, sinabi ni Joyce sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pantay-pantay ang roles nilang tatlo nina Barbie Forteza at Krystal Reyes.

Aniya, “Actually, wala naman pong kontrabida sa aming tatlo.

“Siguro may kanya-kanya lang kaming characteristics.

"Si Anna [Krystal] sobrang bait lang.

"Si Karen [Barbie], mabait din siya pero palaban. Dahil nga babaeng bakla siya, kinakarir niyang talaga para makuha ang ten million [pesos].

“Ako naman, sobrang bitter ko lang sa mundo.

“Yung character ko kasi, parang never siyang nakaramdam ng pagmamahal galing sa parents niya.

“Tapos, ita-try pa akong i-rape ng tatay niya, si Mr. Allan Paule, pero hindi siya yung natuloy talaga.”

Wala bang kaso sa kanyang tumanggap na ng ganoong klase ng role, na may rape scene?

Sabi ni Joyce, “Siguro dahil 18 na rin ako, so medyo open na rin sa ganoong role.

“At saka, noong tinanggap ko ang Magpakailanman, parang kumbaga, iyon na yun.”

Ang tinutukoy ni Joyce na Magpakailanman episode ay ang buhay ni Michelle Perez na mula sa pagiging drug addict ay nagtayo ng drug rehabilitation center.



REMAKE. Sa orihinal na Anna KareNina, si Antoinette Taus ang gumanap na Anna, na totoong Anna Karenina.

Ang Anna ngayon ay gagampanan ni Krystal sa remake.

Si Joyce ay si Nina na dating ginampanan ni Kim delos Santos, at si Barbie naman si Karen na unang ginampanan ni Sunshine Dizon.

Kung ang pagbabasehan ang orihinal na Anna KareNina, parang si Krystal ang lumalabas na bida dahil siya ang Anna.

Ngunit paglilinaw ni Joyce, “Sabi po ng headwriter namin, kapag daw po may nagtatanong kung sino ang totoong Anna Karenina, siya raw po ang ituro namin.

“Kasi, baka raw may gawin pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po, possible na hindi si Anna ang tunay… possible din na siya pa rin.

“Kumbaga, lalagyan pa rin nila ng twist at thrill para kapag pinanood ng mga tao, mag-iisip pa rin sila kung sino talaga si Anna Karenina.”

Gusto ba niya ang role na napunta sa kanya?

“Sobra po!" bulalas ng young actress.

“Si Nina po kasi, sobrang cold niya lang na tao, sobrang bitter niya sa mga magulang niya.

“Tapos, ang dami niyang bigat na pinagdaanan dahil nga trinay siyang i-rape.

“Inampon nila ako just to save their relationship, hindi talaga dahil sa gusto nila ng anak.

“Akala nila, magiging maayos ang relationship nilang mag-asawa kung mag-aampon sila.

“Tapos… yun. Sobrang gusto ko po ang role ko, sobrang natutuwa ako.

“Yung role ko po is very challenging—sobrang challenging na kasi ako po, sobrang saya kong tao. Sobrang grateful ako sa lahat ng bagay.

“Tapos si Nina, sobrang galit palagi… parang ang dami niyang hinanakit, sobrang emo.

“Para sa akin, sobrang bago yung ganoong character.

“Tapos si Direk Gina [Alajar], talagang gusto niyang pagandahin—na kung emo ka, dapat super emo.

“Yung sobrang hindi talaga ngumingiti na, ‘Ano ba ito? Palagi na lang nakasimangot.’”

LEADING ROLES. Masaya rin ba siya nang malaman niyang sa pagkakataong ito ay hindi naman siya kontrabida?

“Opo, tuwang-tuwa ako,” nakangiting sabi ni Joyce.

“Kasi, primetime, tapos lead pa, at hindi ako kontrabida… parang ito, something new for me.

“Kasi parang pagkatapos ng Tween Hearts, ngayon na lang ulit ako hindi magiging kontrabida sa isang soap.

“Yung character ko dito, parang kahit bitter siya, palagi siyang galit, palagi rin siyang umiiyak.”

Hindi kaya magpatalbugan silang tatlo nina Barbie at Krystal sa pag-arte?

Nakangiting sagot ni Joyce, “Yun na nga po ang iniisip ko, kasi siyempre, sa showbiz, talaga namang constant ang comparison.

“Lahat naman ng tao, papansinin na mas magaling si ganito, mas magaling si ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa akin po, kasi tatlo kami… Anna KareNina.

“Pero dahil magkakasama kami sa show, team kami, magtutulungan kami para mapaganda ang show—hindi para magtalbugan.”

Hindi raw napanood ni Joyce ang orihinal na serye, na umere mula 1996 hanggang 2002. Pero nakakabasa raw siya ng tungkol dito nang unang nabalita na gagawan ito ng remake.

“Yun nga po, noong lumalabas na po, nasusulat na po, may mga comments na po akong nababasa na, ‘Uy, Anna Karenina, maganda ‘yan. Napapanood ko dati.’ Yung ganoon po.”

Nanood ba siya ng ilang episodes sa YouTube?

Sabi ni Joyce, “Hindi po, kasi kung mapapanood ko po si Ms. Kim delos Santos, baka magkaroon lang ng possibility na magaya ko lang kung ano ang ginawa niya.

“Para naman fresh, para naman bago ang makita ng mga tao.”

Kilala ba niya si Kim?

“Opo, pero hindi ko po siya na-meet.”



IN A RELATIONSHIP. Sa tanong naman kung sila pa rin ba ng Kapuso young actor na si Kristoffer Martin, mabilis na “opo” ang sagot ni Joyce.

Dahilan para tuksuhin ito na mabilis na siyang umaamin ngayon, hindi katulad ng dati.

Natatawang sagot naman ni Joyce, “E, kasi, ang dami ninyo nang write-ups, e.”

Bakit sila open at umaamin na ngayon sa relasyon nila?

“Hindi ko po alam sa kanya [Kristoffer]. Nagulat na lang po ako sa mga write-ups niya.

“Nakakatuwa naman po at saka proud din naman siya, so parehas kaming proud!” natatawang sagot ni Joyce.

Proud ba sa kanya si Kristoffer sa bago niyang show?

“Opo, sobrang proud po siya at tuwang-tuwa po siya nang malaman niya may Anna KareNina nga.

“Tapos, biglang naging primetime telebabad nga.”

Mahigit dalawang taon na raw ang relasyon nila ni Kristoffer—two years and four months.

Sa kanyang palagay, ano ang dahilan at nagtatagal talaga sila?

Sabi ni Joyce, “Siguro po kasi, marunong kaming mag-set ng priorities namin—kung trabaho, trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kami masyadong nag-aaway sa maliliit na bagay na kung anu-ano lang.”

Wala ba silang cool-off o breakup?

“Meron po, meron naman,” pag-amin niya.

“Minsan po, parang hindi naman maiiwasan na hindi kayo magkakaintindihan talaga.

“Darating talaga yung ganoong point, pero naayos naman lagi.”

Pareho silang 18 years old ni Kristoffer at kung tutuusin ay pareho pa rin silang bata.

Sa kabila ng kanilang edad, gusto ba niya na sana silang dalawa na ni Kristoffer ang magkatuluyan?

“Sana… opo, opo naman,” sagot ni Joyce.

Wish din ba niya na sana ay si Kristoffer na lang ang leading man niya ngayon sa Anna KareNina?

Aniya, “Kasi, after ng Tween Hearts, wala na rin kaming pinag-pair-an na show.

“Yung Munting Heredera, mas huli pa rin pong natapos ang Tween Hearts.

“After Munting Heredera, nag-ILAM [Ikaw Lang Ang Mamahalin] pa kami.”

Kung two years and four months na silang may relasyon, ibig sabihin ay 16 years old pa lang sila nang maging sila.

Hindi ba nagiging isyu sa mga magulang nila ang relasyon nilang dalawa ni Kristoffer?

Sagot ni Joyce, “Siguro po, kasi hindi pa rin naman kami yung parang seryoso na nagdidibdiban talaga ng relationship na bonggang-bongga.

“Hindi yung tipong dinidibdib namin na kailangan palagi kaming magkasama, kailangan ganito.

“Nagkakaintindihan naman po kami sa mga ganoong bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN