Dingdong Dantes continues work on GMA-7 amidst talk of network transfer

Sa gitna ng mga usap-usapan na lilipat na siya ng network pagkatapos ng kontrata niya sa GMA-7, naka-focus pa rin daw ang atensiyon ni Dingdong Dantes sa bago niyang primetime series sa Kapuso network, ang Genesis.


Iwas pa ring magbigay ng pahayag si Dingdong Dantes tungkol sa nababalitang paglipat niya ng network.

Nang muling tanungin si Dingdong tungkol dito sa solo presscon niya para sa Dance of the Steel Bars, sinabi ng aktor na wala pa sa isip niya ang bagay na ito.

“Sa ngayon talaga, I’m concentrated on promoting this film at sisimulan ko po ang show ko for this year sa GMA.

"Medyo ano siya, medyo malaking konsepto kaya hindi pa masimulan agad.

“Pero ako, all efforts ko po, nandoon sa show.”

Ang tinutukoy ni Dingdong na “show” ay ang upcoming primetime series niya sa GMA-7, ang Genesis.

THE NEGOTIATION. Sa August 2013 ay matatapos na ang kontrata ni Dingdong sa Kapuso network at dito malalaman kung mananatili siya sa GMA-7 o mangingibang-bakod na siya.

Pero dahil bukas ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan sa pagsasabing nakikipag-usap sila sa ibang networks para sa posibilidad na paglipat ng aktor, pinag-iisipan ba niya talagang umalis na ng GMA-7?

Sabi ni Dingdong, “Siguro yun ang role ng business manager ko for now.

“Kasi, ayokong masira ang diskarte ko sa paggawa ng mga bagay-bagay.

"If I do something, I put my whole heart and mind into it.

“Especially in my coming soap opera, I don’t want to think about those things yet.

“That’s why nandiyan ang business manager ko to handle those things for me.”

May mga bagay ba siyang hindi na nagugustuhan sa GMA-7 kung kaya’t naiisip na niyang lumipat sa ibang network?

“No, no, no… I don’t think so,” tanggi ng aktor.

“I’m pretty sure na kahit saang larangan, magkakaroon ng maraming ibang option din.

“Pero siyempre, at the end of the day, ang Panginoon din ang magga-guide sa ‘yo kung ano’ng tamang desisyon para sa sarili mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nandiyan na ang offer, ano ang ikukunsidera niya?

“I don’t wanna think that far yet,” iwas ni Dingdong.

“Para sa akin, ang importante talaga ngayon, mai-promote nang maayos ang Dance of the Steel Bars. Yun na muna.

“I take things one step at a time.”

Marami ang nagsasabi na posibleng ang isang dahilan kaya ikinukunsidera ng kampo ni Dingdong ang lumipat ng ibang network ay dahil sa mga pelikulang ginagawa niya para sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Bukod kasi sa nagiging box-office hits ang mga ito ay nananalo pa ng acting awards ang Kapuso actor.

Pero hindi ito direktang sinagot ni Dingdong.

Aniya, “Yung ganda, relative, e. Depende sa nakakakita at nakakapanood.

“Minsan maganda para sa isa, hindi maganda para sa isa.

“Pero ang maganda talaga para sa akin e nagawa ko itong opportunity na makatrabaho ang Portfolio Films at masaya ako na ka-partner ang GMA Films dito [Dance of the Steel Bars], na I can also consider a breakthrough project for me because of it’s independence in a sense.

“Kasi, parang first indie ko ‘to.”



GENESIS. Tungkol naman sa bagong primetime series na pagbibidahan niya sa GMA-7, ang Genesis, balitang hands-on daw si Dingdong at may creative inputs mula sa kanya.

“Yes, particularly for this one,” pagkumpirma ng 32-year-old actor.

“Siyempre, if I wanna be part of something, gusto ko, wholeheartedly nandoon ako para, ayun, maipagmamalaki ko na kahit paano, naging bahagi ako ng brewing process… ng ano niya, ng kanyang genesis.”

Kinumpirma rin ni Dingdong na may mga kasama siya rito na siya mismo ang nag-suggest.

“If I’m allowed to name some already, I’m glad to have Direk Joyce Bernal as director again.

“And yung gagawa ng effects is Mothership na naka-partner ko sa Tiktik: The Aswang Chronicles.

“Masaya lang din ako na makakatrabaho ko lang sila ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DECEMBER WEDDING? Nangingiti na lang si Dingdong dahil sa bawat interview niya, hindi nawawala ang tanong tungkol sa nababalitang kasal diumano nila ni Marian sa December.

Pero sabi ni Dingdong, “You know what, palagi po naman naming nakukuha yung mga ganoong speculation at mga tanong.

“Hindi na po bago para sa amin ang magkaroon ng ganoong tanong. Pero hindi pa ho, e.

“Hangga’t as much as I want to, hindi pa ho.

“Magkakaroon naman ng tamang pagkakataon na mangyayari yun.

“And if ever that happens, it will come from me.

“Sa akin po manggagaling ang confirmation at ako ang unang magsasabi at makakaalam.”

Napi-pressure na ba siya kapag ang tanong palagi ay tungkol sa kasal?

“Hindi naman!” natatawang sabi ni Dingdong.

“Na-practice na ako since, three years ago, palagi akong natatanong at palagi kong nasasagot.”

Nagtatanong na rin ba sa kanya si Marian tungkol sa kasal?

“Hindi, pareho kami ng disposisyon. Yun ang masaya sa amin pareho, pareho kami ng disposisyon.”

Paano kung magtanong si Marian?

“Hindi niya gagawin yun, sure ako dun,” nakangiting sagot ni Dingdong.

Si Marian na ba talaga ang gusto niyang pakasalan?

Sagot ni Dingdong, “Ayoko namang tumalon kaagad sa ganoong konklusyon.

“Pero sa ngayon, we’re very happy and it doesn’t mean na kasal man kami o hindi, e, magiging basehan yun sa aming successful na pagsasama bilang in a relationship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN