Charice gets outpour of support from fellow celebrities on Twitter

Umulan ng pagbati at suporta ang bagong official Twitter account ni Charice matapos ang ginawang pag-amin ng singer sa tunay niyang sekswalidad.


Sa bagong official twitter account ni Charice na “@officialccrp” ay napuno ng pasasalamat ang kanyang mga mensahe sa mga tao at tagahanga na sumuporta sa kanya matapos ang kanyang pag-amin na isa siyang “tomboy.”

Ginawa ni Charice ang pag-amin sa tunay niyang sekswalidad sa exclusive interview sa kanya ngThe Buzz kahapon, June 2.

(Read: Charice: “Opo, tomboy po ako.”)

Inanunsiyo rin ng international singing sensation sa kanyang followers na bago na ang kanyang official Twitter account dahil na-hack daw ang “@ChariceOfficial” at hindi pa raw ito naaayos.

Ang “ccrp” sa kanyang bagong Twitter account ay initials ng kanyang buong pangalan—Charmaine Clarice Relucio Pempengco.



SUPPORT FROM NETIZENS. Matapos ipalabas ang interview kay Charice sa The Buzz, bumuhos naman ang pagsaludo sa kanya sa social networking site na Twitter.

Bukod sa mga ordinaryong tao at mga tagahanga mula sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa, may mga artista ring nagpaabot ng pagbati at paghanga sa ginawa niyang paglantad.

Una na rito ang international singer din na si Lea Salonga (MsLeaSalonga).

Ani Lea, “have you any idea how many young people you inspired today? More power, blessings and love to you!!!”

Tugon ni Charice dito, “thank you po, Ms. Lea. Thanks po talaga.”

Sabi naman ng broadcaster na si Julius Babao (‏@juLiusbabao), na ninong ni Charice sa binyag:“Way to go inaanak. Your ninang @ChristineBBabao and I will always be here 4 u.”

Pahabol pa ni Julius: “Ingat ka lagi. Marami ang nagmamahal sa iyo.”

Sabi naman ng ninang ni Charice na si Christine Babao‏ (@ChristineBBabao): “Mahal ka namin. U r in our thoughts & prayers. Andito lang kmi”

Sagot ni Charice: “@juLiusbabao @ChristineBBabao salamat po ninong and ninang.”

Ipinagtanggol naman BB Gandanghari (‏@ImBbGandangHari) si Charice sa mga bumabatikos dito: “She’s a Lesbian not a Killer so you don’t have any reason to hate her. We salute you @OfficialCharice!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “You see, it takes a lot of courage to admit to the public about who and what you really are. And I am glad that Charice made it!:)”

Matatandaang noong 2006 ay lumantad din si Rustom Padilla tungkol sa kanyang tunay na sekswalidad sa pamamagitan ng pagbabago ng hitsura at pangalan—BB Gandanghari.



TALENT, NOT THE GENDER. Marami rin ang nagsasabing hindi makababawas sa galing ni Charice sa pagkanta ang pag-amin niya tungkol sa kanyang gender.

Narito ang ilang celebrities na nagpahayag ng kanilang suporta sa singer:

Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca): “Happy for Charice for coming out gay and proud. You are no less of a person and artist. Don’t mind the bashers.”

Bubbles Paraiso (@bubblesparaiso): “So #Charice is out of the closet. Did that take her talent away? Did it change her voice? NO. Same talented person, just happier. #letherbe.”

Kakai Bautista (‏@kakaibautista): “Hindi talaga dapat tinitingnan ang hitsura o pagkatao pagdating sa usapang galing at Talento. Mabuhay ka! @officialccrp ❤❤❤”

Cesca Litton (@CheckLit): “And the truth shall set you free. Your talent is still incomparable. Be you. Be proud. Go Charice.”



BRAVE GIRL. Hinahangaan din ng iba ang celebrities ang pagiging matapang ni Charice.

Tippy Dos Santos (@tippydossantos8): “I salute you @OfficialCharice napakabrave mo.”

Gabriella representative Luz Ilagan (@RepLuzIlagan): “More than just being an amazing and talented singer, Charice is one brave girl. She deserves our respect, admiration.”

Mocha Uson (@MochaUson): “Go Charice! It’s time for the other celebrities to stop pretending & just be proud of who they really are! #TEAMCHARICE”



FREE HAIRCUT. Samantala, kasalukuyang ginaganap nayong araw, June 3, ang charity event ni Charice sa dati niyang eskuwelahan na Gulod Elementary School sa Cabuyao, Laguna.

Namahagi ang singer ng school supplies at libreng gupit sa mga kabataan doon.

Naisip daw nila ang libreng gupit dahil sa naging controversial ang kanyang hairstyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ni Charice sa naturang event ang rumored girlfriend niyang si Alyssa Quijano.

Kahapon, June 2, matapos ipalabas ang pag-amin ni Charice on national television na isa siyang lesbian, nag tweet si Alyssa (@alyssakate10) ng: “Proud of you! @officialccrp”

Tugon naman ni Charice: “@alyssakate10 J thank you. Really…Thank you…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN