Maxene Magalona pegs Maricel Soriano and Natalie Portman for her first kontrabida role

Tinanggap ni Maxene Magalona ang kontrabida role sa teleseryeng Mga Basang Sisiw para maipakita raw ang kanyang versatility bilang isang aktres.


Ito na raw ang tamang panahon para subukan naman ni Maxene Magalona ang maging kontrabida sa isang acting project, via the afternoon teleserye Mga Basang Sisiw.

“I’ve been doing bida roles for twelve years already, so I think it’s about time that I did something else,” paliwanag ng aktres tungkol sa kanyang role bilang si Vicky.

“It’s not as if ilang years pa lang akong nagbibida, tapos bigla akong nagkontrabida.

"I’ve been in the industry for about twelve years already and palaging ako yung inaapi.

“And this time around, ako naman ang mang-aapi.

"Kaya I really like it kasi it’s something new, it’s definitely outside my comfort zone and, ‘yon… it’s very exciting.”



MARICEL SORIANO. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene kung sino ang aktres na nais niyang tularan pagdating sa pagganap ng kontrabida.

“I really love Maricel Soriano,” mabilis na tugon ng anak ng yumaong rapper na si Francis Magalona.

“The way she acts kasi, marunong siyang mag-comedy and marunong din siyang mag-drama, and marunong din siyang magkontrabida.

"And yun ang gusto ko—I want to be a versatile actress. I want to be able to do everything.

“Kung ano ang ibigay sa akin, challenge accepted, yun ang dapat laging ugali. I like Maricel Soriano...

"And of course, ang peg ko talaga dito si Natalie Portman sa Black Swan (2010).

"Parang hindi na niya alam na ang kalaban niya ang sarili niya, yun ang gusto kong gawin,” paliwanag ni Maxene.

Dahil unang pagsabak niya ito sa pagkokontrabida, pinaghandaan daw talaga ito ng aktres.

Kuwento ni Maxene, “I actually did workshops with Sir Pen Medina and siyempre, di ba, akala mo madali lang magkontrabida because magsusungit ka lang, magtataray?

“Pero hindi. It’s not an easy job.

"And ang sabi ko nga dati, if I’m able to do this well, if I’m able to pull this off really well, then it’s gonna be one of the biggest achievements of my life because sanay ako na ako yung inaapi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ngayon, ako naman ang mang-aapi.

"So, kailangan kong gawin nang tama and I hope magawa ko siya nang tama.”



KONTRABIDA WITH DEPTH. Dagdag pa ni Maxene, ang kanyang kontrabida role sa Mga Basang Sisiw ay may lalim.

“It’s not the stereotypical na kontrabida.

"Sir Pen told me na with every character—kontrabida man ‘yan o bida, whether inaapi o nang-aapi—kailangan may main objective at kailangan may pinanggagalingan.

“So si Vicky, yung character ko dito, hindi siya masama just for the sake of being masama.

"Masama siya because may pinanggagalingan siya, may history siya na sinasaktan siya nung bata.

"Kaya nung tumanda siya, iba yung tingin niya sa mundo, kaya iba ang concept niya of love.

“Gusto ko ring bigyan ng justice ang role na ‘to because alam ko sa totoong buhay, may mga taong nagiging masama na di nila napapansin.

“So ganun si Vicky, minsan hindi niya alam na maling-mali na talaga ang ginagawa niya, pero actually ginagawa niya ‘yon all for love.”



NO HESITATIONS. Kung ang ibang artista ay kabado sa pagsubok ng kontrabida role, excited naman si Maxene.

“I never had any hesitation kasi, first of all, number one, tingnan n’yo naman ang cast namin, ang ganda, powerhouse cast.

"I’m so excited to work with Miss Caridad [Sanchez] for the very first time, and Miss Lani Mercado, si Gardo Versoza.

"Si Raymond Bagatsing nakatrabaho ko na dati Sa Isang Sulok ng Langit and that was a long, long time ago.

"So ngayon, I’m really excited kasi it’s an ensemble cast.

“Very complex ang character ko dito kaya ko tinanggap. Hindi lang siya yung mababaw na masama lang.

"Eto, may deeper psychological background, may history siya; ang complex ng character.”

Pagpapatuloy pa ni Maxene, “So that’s why tinanggap ko talaga ‘to kasi I love it. I love it na ako yung mang-aapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I love it na after all these years na ako yung inaapi, ako naman ngayon ang mang-aapi.”


SIMILARITIES IN REAL LIFE. Bilang panghuling tanong, inusisa kay Maxene kung ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng personalidad niya sa role niya bilang si Vicki.

“Si Vicky kasi strong siya and she knows what she wants, and ako ganun din ako, I know what I want.

“Pero di ko naman gagawin ang ginagawa ni Vicky, para makuha ko ang gusto ko.

"But si Vicky is very determined, she’s very determined na kahit inatake na niya yung mga tao, kahit sinaktan na yung mga tao, basta makuha niya ang gusto niya.

“Si Maxene, ganun din siya. I’m very determined and I’m very passionate and I will get what I want.

"Pero sa tamang paraan because there is always a right way to do things.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN