Bettina Carlos on working again with Dennis Trillo in My Husband’s Lover: "May pag-asa na akong pagnasaan nang kaunti si Dennis!”

Mula sa kanyang role bilang Tiya Madel sa Temptation of Wife, ibang Bettina Carlos daw ang mapapanood ng Kapuso viewers sa bagong primetime series na My Husband’s Lover.


Malayung-malayo ang karakter na ginagampanan ni Bettina Carlos sa bagong primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, kumpara sa role niya noon sa Temptation of Wife.

Inilarawan ni Bettina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang role niya sa bagong soap na kinabibilangan.

“I play Vicky Araneta, best friend/sounding board of Lally [Carla Abellana].

“Thirty years old, single mom na may pagka-cougar.

“Jaded sa love, kaya hindi na masyadong into serious commitment at panay mga bagets ang dyowa.”

Marami ang bumilib kay Bettina noon sa pagganap niya bilang Tiya Madel sa Temptation of Wife, pero ibang-iba raw siya bilang si Vicky sa My Husband’s Lover.

“Kung hindi intellectual ay emotional ang challenges sa roles ko.

“Si Madel po, seven years old ang isip. Si Vicky naman, may hang-ups sa love, kaya hindi na siya masyadong committed sa boys.

“Physically, iba rin po siya because I play a fashion editor by profession here.

“So challenge not to make the Madel in me come out, a little mature, pero funny din.”

LOOK AROUND. Anu-ano ang preparasyon at atake na ginawa ni Bettina sa papel niya bilang si Vicky?

“Actually, naghahanap pa ako ng peg na kakilala ko.

“That’s what I do whenever I’m given a role—I look for someone in my life na similar ang profile sa character ko and I observe them.

“Their antics, the way they speak and carry themselves and their motivations.

“My role is seemingly simple but it’s a challenge to make the cougar come out and give life to a young cougar.

“Treinta anyos pa lang, sa mga bagets na pumapatol!” tawa ni Bettina.

EXPOSED. May “shock factor” ba sa kanya sa plot ng teleserye nila na gay relationship? May personal or first-hand experience ba siya sa ganitong klase ng relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bettina, “Walang shock kasi exposed ako sa mga gays, gay relationships, and dynamics ng homosexual relationships.

“Actually, exciting nga kasi unti-unti naming nadi-discover ang wide spectrum ng mga gays with the characters in the story.

“I’m very excited because this show is bold enough to tackle something like this.

“At hindi lang gay relationships, but most importantly, family.

“Very Filipino pa rin ang values na mapapanood sa show.”

AT LAST. Makakasama muli ni Bettina sa My Husband’s Lover si Dennis Trillo, na una niyang nakasama sa Temptation of Wife.

Kung sa Temptation of Wife ay tiyahin siya ni Dennis, ano naman ang koneksiyon nila ngayon dito sa My Husband’s Lover?

“Hindi ko sure kung puwede na i-reveal, pero ngayon sa My Husband’s Lover ay may pag-asa na akong pagnasaan nang kaunti si Dennis!” natatawang sabi ni Bettina.

Dagdag niya, “Wala nang blood ties kaya baka puwede ko na siyang mayakap nang may malisya.

“Kaso lang, gay siya sa story, so hindi ko alam kung paano siya magre-react sa akin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN