Wyn Marquez determined to become a beauty queen but “marami pa akong kailangang pag-aralan..."

Isang malaking hakbang ang ginawa ni Wyn Marquez—dating Winwyn Marquez—sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging beauty queen. Pumirma ng kontrata ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa Mercator, kung saan nagmula ang mga kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe nitong nakalipas na tatlong taon.


Pormal nang inilunsad ang 21-year-old daughter nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Winwyn Marquez bilang bagong talent ng Mercator Model & Artist Management na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud.

Isinabay ang launch ni Winwyn at ilan pang mga bagong modelo sa 9th anniversary ng Mercator noong May 31, sa Prive Luxury Club sa The Fort Strip, Bonifacio Global City, Taguig City.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Winwyn, sinabi nito na “Wyn Marquez” na ang gagamitin niyang screen name since nasa bagong management na siya.

Paliwanag niya, “Since I’m already twenty-one years old, siguro it’s time na rin na mag-mature na rin ang name ko.

“Yun din naman po ang naisip ni Tito Jonas at ni Tita Geleen [Eugenio] who co-manages me.

“Matagal din kaming nag-isip ng bagong name for me.

“Yung real name ko kasi is Teresita Ssen. Naisip nga nila na sana Tere na lang, pero parang hindi bagay sa akin.

“Hanggang sa nauwi na lang kami sa name na Wyn—very unique daw po at very positive ang dating.

“’Tsaka may magandang story kasi behind sa nickname kong ‘yan, kaya nag-stick na lang kami sa Wyn.”

Noong tumakbo raw kasi bilang vice mayor ng Parañaque City ang ama niyang si Joey Marquez noong 1992 ay ipinagbubuntis siya ng kanyang ina na si Alma Moreno.

During his door-to-door campaign, sinasabi ni Joey na kapag nanalo siya bilang vice mayor, ang ipapangalan niya sa anak nila ni Alma ay “Win-Win.” Kung matalo naman daw siya, ipapangalan nila rito ay “Luz-Luz.”

Nanalo si Joey kaya “Win” ang ipinangalan nila ni Alma sa kanilang anak.

Hiwalay na ngayon sina Joey at Alma.



PROUD FATHER. Speaking of Joey, present ito sa affair ng Mercator last May 31nasabing event upang samahan at panooring mag-perform ang anak na si Wyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Wyn sa PEP, mas ninerbiyos pa ang kanyang ama kesa sa kanya.

“Ni-request ko naman na samahan niya ako.

“Sa bahay pa lang, panay ang tanong niya kung ano ba ang isusuot ko, ano ba ang gagawin ko...

“Parang siya yung nate-tense kesa sa akin. E, ako, cool lang.

“Pero noong dumating na nga sa venue, dun na ako kinabahan.

“Kasi nandiyan nga si Daddy at manonood siya.

“Hindi ako sanay na pinapanood niya ako nang live. Sa TV lang niya ako napapanood.

“Pero I did my best at tuwang-tuwa naman si Daddy.”

Hindi naman nakapunta ang ina ni Wyn na si Alma dahil napagod daw ito sa trabaho bilang konsehal ng Parañaque.

Ayon kay Wyn, “Kakauwi lang kasi ni Mama. Nagkaroon sila ng seminar ng iba pang mga councilors.

“Si Mama kasi ang president ng Councilors League of the Philippines kaya ang dami niyang inaasikaso, lalo na’t na-reelect siya as councilor.

“Gusto rin ni Mama na pumunta, pero nakita kong sobrang pagod na siya.

“Sabi ko na magpahinga na lang siya at kukuwentuhan ko na lang siya sa nangyari.”

Inamin naman ni Wyn na nalungkot siya nang matalo ang kanyang amang si Joey na tumakbo bilang congressman ng Parañaque noong nakaraang eleksyon.

Saad niya, “Lahat naman kami nalungkot kasi gusto talaga ni Daddy na makabalik sa pag-serve ulit sa mga tao sa Parañaque.

“Pero kahit gano’n ang nangyari, niyakap namin siya at sinabi naming mahal namin siya.

“Siguro sa susunod ay makakapasok na siya,” sabi ni Wyn.



POTENTIAL BEAUTY QUEEN. Bilang bagong talent ng Mercator, ibi-buildup si Wyn, hindi lang basta isang mahusay na modelo kundi igu-groom din siya bilang isang potential beauty queen.

Kilala ang Mercator sa pag-produce ng magkakasunod na runners-up sa Miss Universe: Venus Raj (2010, 4th runner-up), Shamcey Supsup (2011, 3rd runner-up), at Janine Tugonon (2012, 1st runner-up).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Wyn, “Bata pa lang ako, gusto ko talaga maging beauty queen.

“Kaya ako ang gumawa ng paraan para makausap si Tito Jonas. Gusto ko na siya ang mag-groom sa akin para maging isang beauty queen.

“Natuwa naman ako na hindi niya ako tinanggihan.

“Since wala naman akong contract with GMA-7 at okey naman kay Tita Geleen na i-co-manage niya ako with Tito Jonas, naging maganda ang usapan naming tatlo.”

Sasali na ba siya sa Binibining Pilipinas sa 2014?

“Let’s just wait and see!” natatawang sagot ni Wyn.

“Marami pa akong kailangang pag-aralan. Na kay Tito Jonas po ang desisyon kung kailan talaga ako ready for Bb. Pilipinas.”



NOT LEAVING SHOWBIZ. Sa naturang launch, bukod sa kanyang dance number ay ipinalabas din ang isang music video na kumakanta si Wyn. Patunay lang na hindi niya tatalikuran ang showbiz para maging isang beauty queen.

Sabi ni Wyn, “Kaya nga po nandiyan pa rin si Tita Geleen. She’s handling my showbiz career… hati po sila ni Tito Jonas.

“Hindi ko rin naman po basta-basta iiwan ang showbiz. Both my parents are in showbiz.

“Dahil sa pag-aartista nila, nabuhay nila kaming magkakapatid kaya malaking part ito ng buhay ko.

“Gusto ko naman din maging versatile performer. I just don’t dance, I can sing as well.

“Marami nga po ang nagulat na nakakakanta pala ako!” tawa pa niya.

Ibinalita rin ni Wyn sa PEP na kasali siya sa kapalit na show ng Party Pilipinas, ang Sunday All-Stars.

Lahad niya, “Sinabihan na po ako at kasama po ako sa Sunday All-Stars.

“Pero ang nakakalungkot lang ay marami from Party Pilipinas na hindi po kasama sa bagong show.

“As in, almost half po hindi kasali—kasama rin po dun ang staff ng show. Naging close din po kasi ako sa mga tao sa production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya happy po ako na kasama ako, pero sad ako at the same time kasi may mga hindi isinama.”

Dahil bini-buildup siya bilang isang beauty queen, hindi na ba siya tatanggap ng kontrabida roles tulad ng mga ginawa niya noon sa Blusang Itim at One True Love?

Sagot ni Wyn, “Depende po kay Tita Geleen.

“Kung okey naman po ang role kahit kontrabida, bakit naman hindi puwede?

“Marami naman ang nagsasabing bagay akong magkontrabida, e.

“Tsaka trabaho rin po ‘yon. Sayang naman kung hindi natin tatanggapin.

“Habang hindi pa po ako nagte-train kay Tito Jonas, tuloy ang work natin sa TV.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN