Enchong Dee has no plans to reconcile with ex-girlfriend Julia Montes

Bagamat malapit nang magwakas ang Ina Kapatid Anak, kaagad magsisimula si Enchong Dee ng panibagong primetime series sa ABS-CBN—ang Muling Buksan Ang Puso. Dito ay makakasama niya ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Montes.


“Masaya na malungkot” si Enchong Dee sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang primetime series sa ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak.

Saad niya, “Siyempre, I’m happy at one point. Isa itong naging phenomenal, naging pinakaaabangan.

“Siyempre yung nabuong pamilya dun sa Ina Kapatid Anak, kailangan mo nang magpaalam kasi, after this show, magkakaroon naman kayo ng hiwa-hiwalay na project.

“I can stil remember the frist time na sinabing gagawin namin ang Ina Kapatid Anak with Kim, Maja, and Xian, ‘Totoo ba ito na pagsasamahin kaming apat?’

“And now it’s over, ang daming nangyari na masasaya, nakakatuwa, nakakatawa… iba’t ibang klase.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entyertainment Portal) at Cinema News si Enchong sa ASAP 18 kahapon, June 2.

Dagdag pa niya, “Everything has come to an end.

“Masaya ako na matatapos kami na maganda ang ratings.

“Matatapos kami na maaalala ng tao kung sino si Margaux [Maja Salvador], si Celine [Kim Chiu], kung sino si Ethan [Enchong], si Liam [Xian Lim].

“Yun naman ang pinakamasarap dun—pag lalabas ka, tinatawag ka by your name roles.”

Tiniyak din ni Enchong na marami pang dapat abangan sa huling dalawang linggo ng Ina Kapatid Anak.

“Ang pakaaabangan siguro nila, how it will end.

“In last two weeks, paano nila tatapusin na ang salimuot masyado ng pinapalabas nila sa ngayon, sobrang dami ng iyakan, ang dami pang aksyon na nangyayari…

“Paano tatapusin na yung audience, ang magiging reaction pag natapos, ‘Hay, salamat!’”

Mahigit walong buwan umere sa telebisyon ang Ina Kapatid Anak.

NEW SOAP WITH JULIA. Bagamat matatapos na ang Ina Kapatid Anak, mapapanood ulit si Enchong sa isang bagong primetime series—ang Muling Buksan Ang Puso.

Dito ay makakasama naman ni Enchong ang ex-girlfriend niyang si Julia Montes.

Kuwento ni Enchong sa PEP, “Ang nakakatawa, habang nagte-taping ako ng IKA, dumating yung Muling Buksan ang Puso, yung script for first week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much as I want to read, hindi ko siya binasa kasi ayokong malito, ayokong magkahalo-halo.

“Gusto kong mag-focus muna sa Ina Kapatid Anak, kasi siyempre I owe it to them, I owe it to the staff, to the production of Ina, yung dedication ko, para huwag akong maligaw.

“Right after naming mag-last taping ng IKA, babasahin ko siya.”

Sa pagbabalik-tambalan nila ni Julia, may mga kuwentong lumalabas na gumagawa raw ng moves si Enchong para makipagbalikan sa young actress.

Ngunit agad itong itinanggi ng Kapamilya young actor.

Sabi niya, “Wala, walang ganun. Walang pagbabalikan.

“I’m just happy that whatever happened to us, it’s behind us, sobrang okay kami ngayon.

“We can go out and talk as friends—everything is okay.”

Dagdag pa niya, “Wala akong balak.

“I’m just so happy na yung management, naging sensitive about the issue, naging maayos muna kami bago kami nagtrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN